Buking
"Waige," tawag sa akin ni Yno. Nandito na kaming apat sa kwarto ko. Kanya kanya silang pwesto sa kama ko habang ako maman ay nasa baba, wala na kasi akong ma-pwestuhan.
"Hmm?"
"Look." Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya na naka-open ang google. Binasa ko ang nandon at hindi ko mapigilang hindi ma-excite.
According to the Old Farmer's Almanac, the Pink Moon rises on the night of Monday, April 26. It is the first supermoon of year 20**. It will reportedly be visible after sunset, reaching peak illumination at 10:33 p.m.
"Tara sa lumabas. I'll bring a picnic blanket para makahiga tayo. Malawak naman ang bakuran ni Lola," sabi ko. Tinignan ko silang tatlo, si Yno lang ang may gustong sumama sa akin kaagad sa labas pero ang dalawa ay parang inaantok na.
"Eight palang naman. Maya-maya ng mga nine," sabi ni Zolen sa inaantok na boses. Tinaasan ko siya ng kilay. He's right, pero kahit na. Makikita rin naman yun ngayon.
Nang makita kong wala talaga silang balak na tumayo ay bumuntong hininga lang ako. Ano nga ba ang magagawa ko?
"Manuod na lang tayo ng movie para hindi kayo antukin," sabi ko habang pinapa-usog si Yno. "May dala ba kayong laptop?"
"Yes. Nasa kotse," sagot ni Zolen. Hindi man lang siya gumagalaw sa hinihigaan niya. Gaano ba siya kapagod?
"Kunin mo na, bilis," utos ko. Nag-iwas ito ng tingin sa akin at saka tumikhim. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa kaniyang tinuran.
"Ayoko nga! Baka makita ko pa do'n ang ikinuwento ng lola mo," sabi nito sabay biling patalikod sa gawi ko.
"Ano bang kinuwento ni Lola?"
"May naglalakad daw do'ng pugot ang ulo tuwing gabi d'yan sa bakuran n'yo. Masyado pang maaga para mamatay ako sa gulat kung makasalubong ko man ang nilalang na iyon."
Kumurba ang labi ko sa isang ngisi. Seriously? Kalalaking tao, e!
"Para kang bata! Hindi totoo 'yon. Ma-jamming lang si Lola. Naniniwala ka naman agad."
Nilapitan ko siya para itulak-tulak. Pero in no avail, hindi siya gumalaw. Para siyang tulog pero hindi naman talaga.
Si Lola naman kasi kung ano-ano ang kinukwento. Ilang sandali lang ako kung ano-ano na pala ang naikwento niya.
"Stop!" He hissed.
Eh?
Napa-atras ako bahagya. He's this grumpy just because I asked him to pick the laptop? Ano ng nangyari sa Zolen na asar?
"Ikaw na lang Xywon ang kumuha," utos ko. Alam kong hindi ko na mapapasunod si Zolen.
"No! Edi kayo! Kanino bang laptop yon? Edi siya ang kumuha, siya ang may-ari eh," sabi ni Xywon, halatang hindi rin magpapatinag.
Napahilamos ako sa mukha ko. I am just wasting my energy to ask them kindly. Hindi naman sila susunod panigurado.
"Sa 'yo ang laptop do'n," sabi ni Zolen. Nakadilat na, hindi katulad kanina na tila mo bato.
"Nasa kabilang kwarto yung laptop ko," sabi ni Xywon.
"Edi kunin mo na! Mas malapit 'yon."
Mauubusan yata ako ng buhok sa dalawang ito! Akala ba nila cute sila?! Hindi kaya!
"Ayoko! Baka makasalubong ko yung bata dyan."
"Ano bang bata?" tanong ko. Paano naman mag ka-kabata dyan? Wala pa namang anak sila Tita.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)
RomanceShattered Pieces Series #1: COMPLETED Autumn Waige, a person who loves the moon. She sometimes wishes to be the moon herself since she really admires it. She loves how it glows and sparks independently even though it was not at its full phase but...