DollI dreamed of myself, lying on my bed while something was licking on my neck. I opened my eyes immediately. I almost cry in pain. I think my head is going to explode every time I moved.
Hawak-hawak ko ang ulo ko habang kinukuha ang cellphone. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko ang oras, ala-una na ng hapon. Pinilit kong alalahanin ang nangyari kagabi. Naalala ko na may lalaking nakapasok sa kwarto pagkatapos kong kumuha ng liquor sa baba.
Anong nangyari pagkayari no'n?
Ini-umpog ko ang ulo ko sa headboard ng kama. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang sakit nito, parang binibiyak. Nagsisi naman all kung bakit ko pa ba ginawa iyon. Nasaktan pa tuloy ako.
Masama akong tumingin sa cellphone at padagkos na kinuha nang bigla itong tumunog.
"Hello!" pagalit na hiyaw ko.
"Easy," Zolen said. Naiimagine ko pa ang pagnguso at pagngisi niya sa kabilang linya.
"What do you want?!"
"Where are you? Kanina pa ako dito sa cafe. Wala ka bang duty?"
"Meron. But I'm not working," I shouted.
"Easy! May PMS ka ba?" Nang aasar na aniya.
"Whatever, Zolen. Cut the crap," sabi ko at pinatay ang tawag.
Pinilit kong hindi maggagalaw. Dahan dahan pa ang aking pagtayo dahil masyado akong naliliyo. Isang baso lang naman ang aking ininom pero iba ang naging impact sa akin. Bakit ko ba kasi naisipang uminom kagabi? Hindi tuloy ako nakapasok ngayon. T'yak kong bubungangaan ako ng manager bukas.
Hindi ko na lang inisip ang cafe. I-stressin ko lang ang sarili ko kung iisipin ko pa 'yon. Bukas ko na lang iyon p-problemahin. Ie-enjoy ko lang ang sarili ko ngayon.
Sumakit ang mata ko nang makita ko ang itsura ng buong bahay. Parang dinaanan ng tornado dahil sa sobrang gulo. The sofa was not on its place, ang bote at can ng alak ay nagkalat. Hindi man lang niyang naisipang linisin. She could've hire a maid to clean these garbage. Nagmukhang basurahan ang bahay ko dahil sa ginawa nila.
Umiling-iling ako at bumalik ulit sa kwarto ko. Kukuha ako ng damit para mag i-sleep over na lang ako kila Xywon mamaya. Masakit ang ulo ko, I don't want to hear an earful blast from Windy.
Katulad ng dati ay naglakad lang ako papunta sa Magic shop. I was only wearing a spaghetti strap crop topped top and a cream cardigan. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ay bigla nang kumalam ang sikmura ko.
Sumimangot ako. Wala pa along matinong kain. Anong oras na, hindi ko na kayang ignorahin ng gutom na nararamdaman ko. Kaya imbes na magdiretso sa Magic Shop ay naisipan kong pumunta na lang sa condo ni Xywon, libre ang mga pagkain do'n for sure.
I stopped mid-step when I remember something. Paano kung may bisita si Xywon? Edi nakaabala pa ako. I'll just eat in the nearest cafeteria or in the fast food chain in the mall.
Naramdaman ko ang malamig na buga ng aircon sa aking balat. Bitbit ko sa aking likuran ang aking bag na may laman na aking mga damit.
Kumain ako sa isang fastfood restaurant. Iniisip ko na ngayon na ako bumili ng mga gamit sa school kaso hindi ko pa nga pala na ba-budget ang pera ko.
Nag lakad lakad na lang ako sa mall para malibang. Tumingin din ako ng mga damit kaso nga lang hindi ako bumili dahil kahit papano ay may kailangan pa rin akong bayadan sa school na gusto kong pasukan. Mag w-window shopping na lang ako, wala namang masama roon.
"Waige, hi!" Biglang may lalaking humarang sa harapan ko. He's kinda creepy. Ito ang unang pagkakataon na may humarang sa akin na hindi ko kakilala sa gitna ng mall. If he's planning to kidnap me, wala along maibibigay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)
RomanceShattered Pieces Series #1: COMPLETED Autumn Waige, a person who loves the moon. She sometimes wishes to be the moon herself since she really admires it. She loves how it glows and sparks independently even though it was not at its full phase but...