Chapter 20

490 12 1
                                    

Dog

I yawn as I get off my bed. Tuloy tuloy akong naglakad papuntang banyo para maghilamos. It's five in the morning and I need to prepare breakfast for those three. At least I can repay them by preparing their breakfast. Dito na sila natulog dahil nag-ayang uminom si Zolen.

Nakapikit pa ang isang mata ko habang naghihilamos nang maramdaman kong may mali sa buhok ko. I quickly look at the mirror and shout as I found out what's wrong with my hair. I got a fucking bangs. Urod na bangs. I'm going to kill them!

"Shit!"

Kinalampag ko ng malakas na malakas ang pinto na tinutulugan nilang tatlo. They are sharing in one room since this condo only has one guest room and the master bedroom.

"Lumabas kayo d'yan!" Kinalampag ko ang pinto.

After minutes of bugging, sila na rin ang sumuko at lumabas. Zolen was still yawning when he faced me.

"What?!" pipikit pikit pang ani Zolen. He's topless.

"What did you do?!" I shouted. What the heck would I do with this fudging bangs?!

Wala na akong pakialam kahit na maingay ako. Hindi makatarungan 'tong ginawa nila sa akin. Never kong naisip na gupitin 'yung buhok ng nananahimik na tao para lang sa satisfaction.

Ang kaninang inaantok na mukha ni Zolen ay nabuhayan. Tumawa siya nang malakas at humampas pa sa hamba ng pinto.

"How dare you?!" I shouted again. Kahit anong gawin kong ipit sa tenga ko ng bangs ay nahuhulog at nahuhulog iyon sa noo ko.

"Why are you shouting? It's fucking five in the morning, Waige." pikit-matang usal ni Xywon. Nang idilat niya ang mata ay hindi siya magkandamayaw sa pagtawa.

"Yno! You need to see Waige right now. It's freaking hilarious," he said. Bumalik siya sa higaan kung nasaan si Yno. "She just made my day, wala na yatang sisira kahit na anong bwisit sa akin ng mga ka-blockmate ko."

"Fuck off, Xy. I want to sleep more," he said hoarsely.

"Dude, you're losing the chance. Baka makahanap na si Waige ng paraan para maipit ang urod niyang bangs, hindi mo pa makita." Kung ano-ano na ang ginawa ni Xywon para nagising si Yno pero wala iyong epekto. Bilib din ako sa lalaking ito. Ilang beses ko ng kinalampag ang pinto at ilang beses na rin akong humiyaw ay nagagawa niya pa ring ipagpatuloy ang tulog.

"Who did this to me?!" Hindi talaga ako titigil sa kakahiyaw dito hangga't hindi sila umaamin.

"Tanong mo sa pagong, baka alam niya," pilosopong usal ni Xywon. I was busy glaring at him when I heard a click from a phone camera.

Nag-iinit ang ulong lumingon ako kay Zolen. Malaking ngisi ang isinukli niya sa akin. He even gave me a thumbs up.

"Dude, you nailed it. Your style is so damn beautiful." Zolen smirked widen. Ipinakita niya sa akin ang picture ko na kakakuha niya lang, nakanguso ako roon habang kunot na kunot ang noo, ang urod na bangs ay natural na nahuhulog sa noo ko.

"Hindi nakakatuwa!" Iritang usal ko.

"Could you please stop shouting, Waige?! I'm sleeping here if you don't know." Pahiyaw pero mahinang ani Yno. Bakit kasi hindi pa siya bumangon at sagutin ako kung sino ang gumawa nito? Alam naman namin parehas na siya lang ang pinakamatinong tao na makaka-usap ko sa kwartong 'to.

"She's shouting on purpose to wake you up," Zolen said. Kahit maaga pa ay naiirita na ako sa kaniya.

"Get your ass off from the bed, Yno. Cook for our breakfast," sabi ni Xywon at pinukpok ng unan ang ulo ni Yno. Nang hindi ito tuminag ay ipinatong niya ang unan at dinaganan para hindi makahinga si Yno.

Chasing Heartaches (Shattered Pieces Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon