Special Chapter: Blaster

3.4K 92 12
                                    

"Ashanti nasa harapan na'ko ng school," sambit ko sa tawag habang hinahanap 'yung payong ko. Tsk, nakakabagot talagang pumasok tuwing June--malamig tapos ulan nang ulan. Buti na lang third week pa pasok namin sa College, marami pang oras mag-slack off, tsaka para rin sa banda. Ang hassle pumasok, tapos minsan may gig. Feeling ko nga hindi na lang muna ako magse-second year, ewan.

Medyo late pa 'yung dismissal nila Ashanti pero inagahan ko na kasi ang lakas din ng ulan. Siguro makikita ko si Cass pagkalabas niya? Gago, ang creepy ko na yata kasi nakabisado ko na 'yung schedule ng uwian niya kahihintay tuwing hapon.

Puppy crush lang naman. 

Ang baduy pala pakinggan.

No'ng nahanap ko na 'yung payong, mabilis kong kinuha 'yun at inilagay sa shotgun seat para mabilis na lang kukunin, ang kaso pucha--

"Cass?" Hindi ko alam kung ano ring pumasok sa utak ko at napalabas agad ako ng kotse nang makita ko siya. Mukha siyang tuliro na hindi mo maintindihan ang hilatsa ng mukha... parang wala siya sa sarili habang pinagmamasdan ko siya.

Shit.

May problema ba siya?!

Mabilis akong tumakbo habang tinatawag siyang miss nang makita ko 'yung paparating na sasakyan, pero parang wala talaga siya sa sarili kaya mabilis ko siyang niyakap at itinulak papaalis sa daan. 

"Miss?" Tinapik-tapik ko 'yung pisngi niya, pero hindi siya sumasagot. May gasgas din sa ulo niya kaya binuhat ko na lang siya at dali-daling tumawid ng kalsada at ipinasok siya ng kotse. Sinendan ko na lang ng text si Ashanti na may emergency at hintayin na lang niya ako. May malapit namang ospital dito. Nagsuot na lang din ako ng hoodie para walang makakilala sa'kin.

Pagkadala ko sa kaniya sa ospital, umalis na rin agad ako para sunduin si Ashanti. Nakilala pa rin ako no'ng nurse, pero ang sabi ko 'wag nang sabihin kay Cass na ako 'yung nagdala sa kaniya sa ospital. Hindi naman sa nagtatago ako, pero ayaw ko lang malaman muna niya. Gusto kong ako na lang mismo magsabi sa kaniya... 

"Sa'n ka pumunta kuya?"

Nagkibit-balikat lang ako, "Emergency lang."

Buti na lang hindi na nagtanong si Ashanti kaya tahimik na lang kaming pareho pauwi. Iba pala sa pakiramdam kapag na-witness mo 'yung near to death experience no'ng tao--parang temporarily nando'n ka rin sa posisyon nila. 

"Kuya... you're bleeding."

Napakunot ako ng noo at tinignan ang sarili ko sa salamin. Shit... kaya pala tinatawag din ako no'ng nurse kanina, napansin niya siguro na may dugo rin sa ulo ko. Napailing na lang ako at tinuloy ang pagda-drive. Hindi naman malala 'yung dugo, parang gasgas lang din, pero dumaan na lang din kami sa pharmacy at baka awayin na naman ako ng kapatid ko kung magpapasaway ako. Minsan, hindi ko rin alam kung sinong panganay sa'min, mas pinapagalitan pa yata ako ni Shanti.

I can't blame her though. Sobrang tigas naman talaga ng ulo ko, alam ko 'yun. Ang dami-dami kong ginagagawang kagaguhan nang 'di man lang nag-iisip. 

Ang gulo ko raw.

Hindi ko naman 'yun kinakaila.

Alam ko namang hindi na'ko bata, but, I still need a lot of growing up to do.

**

Tangina.

Hindi ko alam kung pa'no kakalmahin 'yung sarili ko no'ng malaman kong kasama si Cassandra sa family dinner nila Zildjian kasama 'yung banda. Pucha, magpinsan pala sila kahit hindi naman magkadugo, biglang hindi ko tuloy alam kung pa'no aasta. Baka tawanan naman nila akong lahat kung biglang ang tahi-tahimik ko, samantalang ako lagi 'yung maingay sa grupo.

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon