Saturday.
It was already 9 in the morning when I woke up, halos hindi ko na rin gustong hawakan 'yung cellphone ko dahil tawag nang tawag si Blaster sa akin. I didn't want him to know.
I sighed and sat down. Unique's concert's just a few hours away. It made me sad, knowing this would be the last time that I'd see him. I reached for my phone to check if there were messages aside from Blaster's, and I wasn't disappointed din—I found Zild's.
Napa-facepalm ako. I just wanted to delete their numbers because they keep on messaging me non-stop. Can't I have a normal day without them?
On Zild's 5th message, I gave up. Nababasa ko rin naman kaya nag-reply na lang din ako. He keeps on inviting me on their gig kaya wala na rin akong nagawa kundi pumayag, in any way, I could ignore Blaster naman... siguro.
Naligo na agad ako at nagbihis. I didn't put much effort on what I wore kasi sobrang wala rin ako sa mood lumabas, pinagbigyan ko na lang talaga si Zild dahil alam na pala nilang tuloy na ako sa London—though sila pa lang ng family niya, since sinabi na agad ni mama kay Tita Jen.
"Sa'n lakad, nak?" Lumapit ako kay mama at hinalikan siya sa pisngi. Kumuha na rin ako ng bread mula sa kitchen table.
"Gig ma," sambit ko. "Susunduin naman daw nila ako dito. Si papa?"
Natawa, "Tulog pa," sabi ni mama at inayos nang kaunti ang buhok ko. "Ingat ka ha." Tumango ako. Ilang minuto pa ay dumating na rin 'yung van nila Zild.
"Good morning!" masiglang sambit ko pagkapasok ko ng van. I scanned for seats, pero I felt unlucky—sa tabi lang ni Blaster mayro'ng space.
I sighed. Gustong-gusto ko tuloy bawiin 'yung pagiging bubbly stuffed ball ko.
I stayed silent the whole ride, minsan nagtatanong sila about kung ano-ano, pero pansin ko ring si Zild lang talaga ang nakakaalam na aalis na ako next week. I didn't want to leave Blaster habang hindi pa kami ayos, pero I also don't know how to fix this mess.
In any way, he was the one who started it.
Halos gusto ko nang tanggalin ang leeg ko sa sobrang sakit, saka ko lang din na-realize na nakatulog ako habang bumabiyahe.
"Gising ka na." Agad akong umayos nang upo dahil nakasandala pala ako sa balikat ni Blaster. Natawa siya nang bahagya, pero bumalik din sa dati ang malungkot niyang mga mata. As much as I wanted to hug him, I still wanted to protect myself from the pain. Sobrang dami nang nangyayari, piled up na nang sobra-sobra ang nararamdaman ko. I can't add up another pain.
It's just too exhausting already.
"Sorry," sambit ko at inayos ang pagkakasukbit ng strap ng bag ko sa balikat. Akmang pababa na sana ako ng van dahil wala na rin palang tao sa loob, pero bigla akong hinila ni Blaster at niyakap.
"T-teka, Blaster ano ba!" Gusto ko siyang itulak pero hindi ko rin magawa. Parang nanghina ako habang niyayakap niya ako nang mahigpit, parang pinaparamdam na hindi niya ako kayang pakawalan.
"Huwag, please," sambit niya. "Mahal na mahal kita, Cass. Alam kong nagkamali ako, pero hinding-hindi ko na uulitin. 'Di na sinabi ko naman sa'yo? Aayusin ko ang lahat basta magtiwala ka sa akin, pero bakit ang bilis mong bumitiw?" Ramdam na ramdam ko ang pag-agos ng luha mula sa mga niya habang nakasiksik ang mukha niya sa balikat ko. Unti-unti kong naramdaman ang pagsikip at pagsakit ng dibdib ko, halos hindi ako makahinga, hindi ko na rin naramdaman ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.
BINABASA MO ANG
By Chance
FanfictionPUBLISHED UNDER KPub PH | Watty Awards 2020 Winner • Fanfiction THIS IS THE UNEDITED VERSION Cassandra never liked the idea of living-and just when she thought she was already on the edge of her life--he came. But how often do you meet soul mates b...