Chapter Twenty Two

3.4K 133 17
                                    

Alas-nueve na no'ng nagising ako. Mom was already inside my room, weekend naman kaya kasama niya si Ashton. Napangiti na lang ako no'ng mapansin ni mama na gising na'ko, pero deep inside nalungkot ako nang kaunti. Wala kasi si Blaster.

"Ay naku, iyang ngiti mo ha. Nasa labas lang si Blaster, binantayan ka buong magdamag. Buti dumating ako ng alas tres kaya nakatulog siya nang kaunti." Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko maipaliwanag 'yung pakiramdam. Ang sarap ipagmayabang lahat ng nangyayari sa'kin. Kung panaginip man 'to, hindi ko na hihilinging magising.

Lumapit sa'kin si mama na may hawak-hawak na tray. May isang baso ng gatas at maliit na pandesal, "Iyan muna kainin mo, bumili lang si Blaster ng pagkain natin." Napangiti ako.

Lahat ng tampo ko sa kaniya unti-unting natunaw. Lahat nawala. Just the mere thought of Blaster exerting all of his efforts for me para makabawi makes my heart melt.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Blaster, nagulat naman ako nang pumasok din sila Andrea.

At halos mapatalon ako nang makita ko siya.

"Meg."

Napangiti si Meg at agad na lumapit sa akin, niyakap ako nang mahigpit. Hindi ko tuloy napigilang mapaiyak, "Ano okay ka na ba?"

"Loka ka!" sambit ni Meg at pinalo nang mahina ang braso ko. "Ikaw nga dapat tinatanong ko niyan! Suki ka na sa ospital!"

Natawa ako at humiwalay sa pagkakayakap kay Meg. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti nang bahagya, "Okay lang naman ako, loko. 'Di pa naman ako mamamatay."

Napairap si Meg at umupo sa tabi ko, "Napaka-echosera mo. Umuwi pa tuloy ako para sa'yo." Napangiti ako.

Maybe, marami pang darating na problema sa'min. Sa'kin. But the thoughts of having my friends around me all the time, my mom, Blaster, are already enough for me to stay still. For me to stay strong.

Nagkuwentuhan pa kami ni Meg habang nagkakainan kaming lahat. Meg was honest enough to tell us that 6 months are still not enough for her to move on. Masakit pa rin sa kaniya ang lahat, but she admitted that was already at the stage of acceptance.

Gano'n lang siguro talaga kapag complicated ang love life mo. Siguro 'yung naka-assign na isulat ang destiny niya nanood ng KDrama at feel na feel paglaruan ang kuwento niya.

O siguro para ituro na hindi lahat ng bagay makukuha niya.

Meg, well, hindi naman siya spoiled brat, pero lahat ng hinihiling niya nakukuha niya kaagad. No'ng completion rights nga namin sa Grade 10, pool house agad ang regalo sa kaniya ng parents niya, may magarbong handaan pa. Halos lahat na yata nasa kaniya.

Pero kahit gano'n ang nangyayari. She felt that she still lacks something—time.

Walang araw na hindi namin naramdaman na malungkot si Meg, kaya naman kahit hindi gaanon mai-provide ng parents niya 'yung oras na lagi niyang hinihiling sa parents niya, tina-try pa rin namin 'yung best namin para iparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa. Pareho kami na CEO ang tatay pero mas malaki ang company nila, mas kailangan ng oras. Although ilang buwan ko nang hindi nakikita si papa dahil puro sila business trips, minsan naman nakakasama ko siya. Problema nga lang, malaki ang gap sa'ming dalawa.

But at least nandiyan si mama.

I remember one time when she told me: "I can trade all of these golds para lang makasama ang mga magulang ko. Kahit isang araw lang."

My heart broke into pieces. Oo, pareho kami ng sitwasyon noon. But ever since my dad met mama, it never felt the same. I felt love. I felt important.

Then came Blaster, which made me feel something more.

Napangiti ako.

"You're smiling again," Blaster said. "Tsk, gwapo ko talaga." Natawa naman ako at kinurot ang pisngi niya. Isang oras na rin ang nakalipas nang umalis ang mga kaibigan ko. Tahimik kaming naglalakad sa hallway papunta sa garden. Alas-tres pa lang ng hapon pero makulimlim naman. Favorite spot na yata namin do'n, sobrang peaceful kasi. Pakiramdam ko sobrang malaya kami sa lahat ng problema.

"Unique visited you a while ago," Blaster suddenly said out of the blue. Napalingon ako sa kaniya at napatigil sa paglalakad. "He stayed for an hour."

"Did the both of you talked with each other?"

Blaster smiled and put his hands inside his pockets. "We had coffee, talked about stuff."

I chuckled, "Kumusta naman?"

He shrugged his arms, "I kept my cool," he said. "And tried to avoid any topic regarding about you or the band."

Napakunot tuloy ako ng noo. Magtatanong pa sana ako pero naglakad na siya. Tinulak ko naman 'yung sabitan ng dextrose ko at naglakad na rin hanggang sa makarating kami sa garden. As usual walang tao. Napangiti na lang ako. Kitang-kita kasi ang buong Maynila sa garden ng ospital. Para ka lang reyna na nakatayo sa harap ng sinasakupan mo.

"You know, Cass, I realized something." Napalingon sa akin si Blaster. Lumapit nang bahagya at ngumiti. "Iyong Unique na bumisita sa'yo kanina? 'Yung Unique na kasama ko kanina na nag-kape? Siya pa rin 'yun e. 'Yung Unique na kasama ko noon. 'Yung Nique sa BlasNique." Napangiti siya nang mas malawak at napatingin sa kalangitan. "Iyong Unique na maraming pangarap sa buhay."

Hindi ko napigilang mapangiti. Siguro kung ito lang ang paraan para magkaayos sila Unique ay baka buong taon na lang akong magpapa-ospital. Kaso mahal din ang bills, baka naman pagkalabas ko ng ospital diretso kulungan dahil nabaon na kami sa utang.

"Siguro natakot lang siya, nahiyang magpaliwanag. Minsan kasi may mga bagay kang gustong i-pursue pero baka hindi ka maintindihan ng iba. Sa case ninyo, baka hindi ninyo rin siya pakawalan kaya gano'n na lang ang nangyari."

Natawa nang bahagya si Blaster, "mahirap pakawalan ang taong matagal mo nang tine-treasure." Napangiti ako. "Hay! Ba't ba kasi ibang tao pinag-uusapan natin. Bakit hindi 'yung tayo?"

Napahinto ako, napatingin sa kaniya pero nakatingin lang siya sa malayo. Parang ang lalim ng iniisip. Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumingin sa akin, ngumiti, "Cass, alam kong marami akong nagawang kasalanan sa'yo. Nasaktan kita nang paulit-ulit kasi aaminin ko ang selfish ko rin, hindi ko inisip 'yung tayo, 'yung ikaw. Puro ako lang." Napa-buntonghininga siya at napapikit nang mariin bago tumingin ulit sa akin, "kaya, Cass, I'll do everything para lang makabawi sa'yo."

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod, hinawakan ang kamay ko na walang nakatusok na IV at ngumiti.

"Will you be my girlfriend?"

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon