Chapter Twenty Five

2.9K 116 7
                                    

I woke up with a heavy heart. Hindi rin ako nakatulog nang maayos dahil I spent the rest of my night silently crying for the both of us.

I really didn't want to cut the connection between me and Blaster, pero pakiramdam ko kasi nagiging nonsense na. I can't just give my yes to someone who repeatedly hurt me just because he wanted to save himself over me.

That's some half-assed kind of love, and I don't want to deal with that.

Maayos naman na ang pakiramdam ko kaya nakaligo na rin ako at nagbihis. Kahit naman sobrang sirang-sira ako ngayong araw, kailangan ko pa ring pumasok.

Pagkababa ko, nakapagluto na si mama at paalis na rin sila ni Ashton, "Kumain ka na lang do'n ha? Ayos ka na ba? Kaya mong pumasok?" Tumango ako at nginitian si mama. Hinalikan ko naman si Ashton bago sila umalis at dumiretso na ng kusina, pero nagulat ako nang sumalubong sa'kin ang isang pamilyar na bulto ng katawan.

"Unique."

He looked at me and smiled. Gusto ko na ngang kurutin ang sarili ko, dahil pakiramdam ko nananaginip na naman ako.

Sa lahat ng taong pwede kong makita, bakit siya pa?

"Cassandra."

I bit my lower lip. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Unique. Alam ko namang pansin niya rin na sobrang lala ng eyebags ko ngayong araw.

Tinignan ko lang siya, naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

But instead of speaking, he hugged me.

"I'm sorry," he said. "Dapat hindi na lang kita hinayaan sa kaniya."

Natawa ako, pero kabaligtaran ang ipinapakita ng mga mata ko. Unti-unting tumulo ang mga luhang hindi ko makontrol, pakiramdam ko nagkaroon na sila ng sariling isip.

I looked at Unique and forced a smile.

"Ang daya 'no?" Unique said, wiping the tears flowing down my cheeks using his thumb. Pagod na pagod na akong umiyak, pero hindi pa rin tumitigil. "Gusto lang naman natin magmahal, pero lagi tayong nasasaktan."

"Am I not worth it, Unique? Bakit sobrang unfair ng mundo sa akin? Una si Dane, tapos si Blaster. The hell I care with destiny, gusto ko lang naman maging masaya, pero bakit ayaw niya?" Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan na lang ang sarili ko na humagulgol. Sobrang sakit, pakiramdam ko, paulit-ulit akong namamatay.

Sobrang unfair.

Pinakawalan ko siya para sagipin ang sarili ko, pero mas lalo lang akong nalulunod.

Unique sighed and pulled me into a hug. Hinayaan niya lang akong umiyak hanggang sa napagod na lang ako.

"Sabi ko huwag kang umiyak dahil sa kaniya, e," sambit niya habang inaayos ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko. "Pero, gano'n talaga siguro kapag mahal mo 'yung tao," dagdag niya at ngumiti. Hindi na ako umimik kaya hinayaan na lang ako ni Unique na kumain. Sobrang wala akong ganang kumain kaya hindi ko rin naubos 'yung niluto ni mama.

Wala ako sa mood kaya hinayaan ko na lang si Unique na ihatid ako. Sobrang wala akong gana na gumawa ngayon ng kung ano man, pero ayaw ko rin namang bumagsak. Ang dami ko nang kailangang habulin dahil ilang beses na akong naco-confine. Nakakapagod na rin.

"Text mo ako pag uuwi ka na." Nginitian ko lang si Unique at tumango. Dumiretso na kaagad ako sa building namin, habang papalapit ako sa room ay nakita ko si Blaster. Gusto kong ngumiti, pero pareho kami ng pinili.

Nilagpasan lang namin ang isa't-isa.

  And then I heard my heart breaking afterwards.

Agad akong dumiretso sa upuan ko at pilit na nginitian sila Andrea. I know ramdam nilang may problema between Blaster and I, pero buti na lang naramdaman nilang ayaw ko munang pag-usapan.

Tsaka alam ko namang maiintindihan nila kung uunahin ko rin ang sarili ko ngayon, kasi paulit-ulit na lang. Wala nang bago. Lagi na lang akong nasasaktan.

Buong araw sinubukan ko lang makinig, kinausap ko na rin 'yung mga professors ko para gawin 'yung mga activities na hindi ko pa nagagawa. Kaunti lang naman pala, mostly madali lang din kaya natapos ko rin agad.

"Okay ka lang?"

1

"Hey, Cass? Ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik."

2

"Cass! Sigurado kang magaling ka na?"

Napakuyom ako ng kamao.

"Hindi ba kayo napapagod kakatanong kung ayos lang ako? Kasi pagod na pagod na ako! Rinding-rindi na ako! Gusto ninyong malaman? Hindi ako okay! Ayan, ayos na kayo? Hindi ako okay! Hindi ako okay..." Napaupo na lang ako sa harapan nila, hinayaan ko lang na maiyak habang nakayuko at itinatago ang ulo ko sa mga binti ko.

Bakit ganito?

Gusto ko lang naman magmahal, pero bakit kailangang masaktan ako?

"Cass..." Naramdaman ko ang pagyakap sa akin nila Andrea. Kahit pa paano, gumagaan naman ang pakiramdam ko pero gano'n pa rin.

I still feel empty.

I still long for his warmth.

Mali ba kung gusto kong tumakbo pabalik sa kaniya kahit pinili kong tapusin na lang muna ang lahat?

Mali ba kung gusto kong kalimutan na lang ang lahat? Kasi, hindi ko rin maisalba ang sarili ko. Mas lalo akong nahuhulog. Mas lalo akong nalulunod.

Mas lalo akong namamatay.

"Cass, please..."

"Andrea... sobrang walang kwenta ba ako kaya laging ganito ang nangyayari?" Tumingin ako sa kaniya, pinilit na ngumiti. Imbis na magsalita siya ay niyakap niya ako nang mahigpit.

"Cass... you don't deserve any of this," she whispered. "You deserve something much more. You don't deserve this pain. Please, free yourself from the pain. Pati kami nasasaktan na rin..."

"Blaster." Napatingala ako nang magsalita si Lucy. Tinitigan ko lang si Blaster.

Gusto kong tawagin siya.

Pero, kahit ngiti hindi niya ibinigay. Nilagpasan niya lang ako. Ni hindi man lang nagsalita.

Cass, 'di ba ito ang pinili mo?

"Cass!" Napalingon ako sa kanan, unti-unting napangiti habang lumalapit siya sa amin.

Napangiti siya at umupo sa harapan ko, "Sabi ko huwag umiyak," sambit niya at pinunasan ang pisngi ko. Hindi ko na napigilang mapahagulgol, mukha na kaming tanga sa hallway, marami na ring kumukuha ng videos pero wala nang pake si Unique.

Hinigit niya ako at niyakap.

And I never felt safer.

"Hindi na kita hahayaang masaktan ng iba," bulong niya. "Hinding-hindi na."

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon