Chapter Twenty One

3.6K 147 23
                                    

I never believed on stories, such as princesses getting saved on time by their princes. I've always thought na those were all fictional.

But, what if some fictitious stories could be real because of destiny?

Ano'ng destiny, Cass? Kadiri.

I shook my thoughts off and opened my eyes. The familiar scent of alcohol immediately registered on my senses. Pakiramdam ko tuloy nagiging droga ko na ang alcohol sa sobrang dalas kong naco-confine sa ospital.

Hindi na'ko nag-abalang ikutin ang paningin ko dahil pakiramdam ko isang galaw lang ng mata ko ay masusuka ako. Ramdam na ramdam ko rin ang init sa katawan ko at ang lamig ng aircon dahilan para manginig ako nang kaunti. Agad kong hinila paitaas ang kumot at binalot ang buong katawan ko.

"Uy, Cass..." Napangiti ako no'ng lumapit si Blaster, agad na hinawakan ang kamay ko at pinisil nang kaunti. "I'm glad you're safe."

"T-thank you," nanghihina kong sagot. "S-sorry..."

Pakiramdam ko ay nakuryente ako nang haplusin niya ang buhok ko. Napangiti si Blaster, "Ako ang may kasalanan ng lahat, Cass. If maybe I wasn't too naïve, baka walang ganitong nangyari. If maybe hindi ako nagpapadala sa galit ko kay Unique, baka okay pa rin tayo."

Napakunot ako ng noo, "Galit ka pa rin sa kaniya?"

Napa-buntonghininga naman si Blaster at naupo sa tabi ko. He was hesitant at first pero tumango rin siya, "Hindi ko rin alam kung paano kakalimutan 'yung galit ko sa kaniya," natawa siya. "He was my best friend. Tapos biglang gano'n. Araw-araw tuloy napapatanong ako sa sarili ko kung tinuring ba niya akong kaibigan o kung ginamit niya lang kami para sumikat."

I frowned. Hindi ko man kilala si Unique nang buong-buo but I know he would never do that.

"Maybe he has his reasons."

Blaster smiled, "Personal endeavors? Screw that. Huwag kami."

I sighed and touched Blaster's chest, "One day, you will find within your heart the art of forgiveness. Sa ngayon, I understand what you're feeling, and I'll always be here for you, okay?"

He smiled and held my hand, "Okay."

**
It was already 12am in the morning, but I still can't sleep. Ilang beses na yata akong nagbilang ng aso habang nakatitig sa dingding, pero no use. I kept on tossing and turning on my bed with caution dahil baka mapuno naman na ng dugo 'yung IV.

I sighed and stared again at the ceiling.

"Can't sleep?" Nagulat ako nang lumapit sa'kin si Blaster. He smiled and sat beside me. Napa-buntonghininga na lang ako at napaupo na lang din. No use naman din kasi kung pipilitin ko lang matulog. Pakiramdam ko uminom ako ng kalahating drum ng kape.

"Ba't 'di ka pa umuuwi?"

Ngumiti siya, "I was about to go home, but I couldn't bear the thoughts of leaving you alone," he said. "I just can't."

Natawa ako, "Hindi naman ako aalis, ano ba," biro ko. "Baka hinahanap ka nila."

"Sinabi ko naman na kasama kita." Napangiti ako. Ganito pala 'yung pakiramdam kapag ikaw na 'yung nagiging dahilan para pagbigyan sila ng family nila. "And alam ni mama na nagkasakit ka so she even told me to take care of you." The smile drawn unto my lips became wider. I couldn't help but to stare at his face and feel so lucky. After all that's happened, he still stayed with me.

Pakiramdam ko tuloy ako na 'yung pinakaswerteng babae sa mundo ngayon.

Ewan... siguro ganito ko lang talaga siya kagusto na kahit paulit-ulit akong masaktan, patuloy pa ring siya ang babalikan ko. Kahit gaano kasakit, basta makita ko lang siyang nakangiti ayos lang sa akin.

Siguro ganito talaga kapag nagmamahal ka na nang todo.

Sa totoong buhay, it's always impossible to even hold your idol's hand. If you were given a chance, siguro, kailangan pang mag-ipon ng ilang libo kasabay na rin ng kunwariang diet pero in reality nag-iipon ka lang para sa meet & greet. 

But unexpected events in my life turned my fantasies into real ones.

"Ngumingiti ka na naman," natatawang sambit ni Blaster. "Gwapo ko 'no?"

I stuck out my tongue and rolled my eyes, "Che," sambit ko. "Mas gwapo kaya si Zild."

Inirapan naman ako ni Blaster, "Oo na, oo na. Alam ko namang kung hindi kayo magka-ano-ano ni Zild e sa kaniya ka pupunta hindi sa akin."

I laughed and pinched cheeks, "Ang cute mo." 

"Nagseselos ako, hindi ako nagpapa-cute." 

Ngumiti ako, "Sino nga pala 'yung babae na kasama ninyo sa canteen?"

"Si Shanne?"

Natawa ako, "Kilala ko 'yun. Pinakilala sa akin ni Zild noon. Akala ko nga gusto niya si Rinoa, turns out, nagpapatulong lang ng pwedeng gawin para kay Shanne." 

"Pero umiiwas na si Rinoa... right?"

I smiled bitterly, "Rinoa knew that Zild was just being gentle, and kind, and asking for help pero she couldn't help but to fall..." I said. "Maybe it would help her ease the pain kung iiwas na lang muna siya. Anyway, answer me." I pointed my index finger unto him and made a serious face. 

Natawa naman si Blaster, "That was Crys, a friend."

"Pero kung makaakbay ka naman, wagas," bulong ko sa sarili ko. Nagulat naman ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin at ngumiti.

"Nagseselos ka ba?"

"Ako, magseselos? Huh. Asa."

Natawa naman lalo si Blaster at hinawakan ang kamay ko, "Tara."

"Saan?"

"Sa labas." Nagulat na lang nang hilahin ako kaunti ni Blaster. Hindi na rin naman ako nagmatigas at sumama na lang sa kaniya. Siya na rin 'yung tumulak sa sabitan ng dextrose ko. Lihim akong napangiti habang naglalakad kami sa hallway papunta sa garden ng hospital. Pagkarating namin do'n ay agad niya akong inalalayang makaupo sa isang bench bago umupo sa tabi ko.

"Ang ganda ng buwan," sambit ko sa sarili ko at napangiti. "Tignan mo, o."

Nakatitig lamang ako sa buwan pero nagulat ako nang biglang inilagay ni Blaster ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Ngumiti naman siya, "Bakit pa ako titingin sa buwan kung mas maganda ka naman?" Agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya at ibinalik sa buwan. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Huwag mo na ulit gagawin 'yun," sambit niya. "Ayaw ko nang maulit, 'yun Cass. Seeing you weak broke my heart."

"Tatay ba kita?" I laughed.

Blaster smiled and held my hand, "I may not be your father, but... I'm your future husband so that already counts."

I was taken aback but I smiled, "Are you sure?"

He nodded, squeezed my hand and looked directly into my eyes as the stars watch us from above.

"I will defy everything just to be with you."

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon