Pagkauwi ko kagabi, tulog na sila mama kaya umakyat na lang din kaagad ako. Sobrang inaantok na rin kasi ako kaya natulog na lang din ako kaagad.
Napatitig na lang ako sa kisame. Alas-singko pa lang ng umaga.
I sighed. Napaupo na lang ako mula sa pagkahiga at naghilamos muna, maaga pa naman kaya mamaya na lang muna ako mag-aayos for school. Pagkalabas ko nauluto na si mama sa kusina. Tinignan ko muna si Ashton sa kuwarto niya bago bumaba at pinuntahan si mama.
"Good morning, ma," sambit ko at umupo sa may stool.
"Masakit ba?" Nagulat naman ako sa tanong ni mama kaya napatitig lang ako sa kaniya. Pinatay na niya 'yung kalan at isinalin 'yung itlog at bacon na nililuto niya kanina at ipinatong na sa dining table. Kumuha naman siya ng plato at naglagay ng fried rice do'n at saka ipinatong sa harapan ko bago umupo. "Magsabi ka naman nak."
Napa-buntonghininga ako.
"Sobra ma," sambit ko at ngumiti nang mapait. "I don't even know what to do just to forget the pain, kasi bawat kilos ko naaalala ko siya. Alam ko namang, pinili namin 'to, pero ba't mas masakit, ma? Bakit gano'n?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaiyak kaya agad kong itinakip ang mga palad ko sa mukha ko. Naramdaman ko namang niyakap ako ni mama. Napapikit na lamang ako at hinayaan lang umiyak ang sarili ko.
Bwisit, kailan ba ako mapapagod kaiiyak?
"Nak, mahal mo kasi, e," sabi ni mama habang hinahagod ang likuran ko. Napatango ako. Hindi ko naman itatanggi 'yun. Mahal na mahal ko si Blaster.
Pero kailangan ko na talagang tanggapin.
Na wala na.
Na tapos na.
**
Isang buwan na ang nakalipas pero gano'n pa rin. Sobrang sakit pa rin. May mga pagkakataon na nakikita ko si Blaster sa school pero umiiwas lang siya. Pakiramdam ko nakikita niya ako, kaya iniiwasan na niya 'yung mga lugar na lagi kong dinadaanan. Minsan nagkasalubong kami pero parang hangin na lang kami sa isa't-isa.
Masakit.
Pero tinanggap ko na.
Sa isang buwan din na 'yun, hindi ko alam kung bakit, pero lagi akong sinasama ni Unique sa kung saan-saan pagkatapos na pagkatapos ng school hours. Sumasama naman ako dahil wala rin naman akong magawa sa bahay.
Baka maisipan ko lang magpakamatay.
Kahapon, kung saan-saan na naman niya ako dinala. Hindi naman kasi ako pala-gala kaya hindi ko rin kabisado kung saan kami pumupunta. Malayo-layo sa Manila kaya nakauwi kami nang madaling araw na.
Napa-face palm na lang ako pagkatingin ko sa salamin.
Ayan, 2 hours of sleep pa.
Pumasok ako sa school na mukhang panda. Sobrang laki ng eyebags ko kaya nagsuot muna ako ng anti-rad glasses para matakpan kahit kaunti. Binati naman ako nina Rinoa pero hindi na sila nagtanong tungkol sa kung ano. We talked about stuff, pero as much as possible, iniwasan namin 'yung topic tungkol kay Unique o kay Blaster.
Buong araw, sinubukan kong makinig sa professors namin. Hindi rin naman ako nabigo dahil hindi naman nags-space out ang utak ko ngayon. Buti na lang. Gusto ko pa rin namang matuto kahit pa paano.
In any way, sobrang helpful din ng ginagawa ni Unique.
In any way, I realized, hinding-hindi magiging healthy lahat. We started okay, pero habang tumatagal, hindi na nagiging okay--palala nang palala. Hanggang sa nasasaktan na kaming dalawa. I realized, it's not healthy to stay in a relationship na puno naman ng toxicity.
BINABASA MO ANG
By Chance
FanfictionPUBLISHED UNDER KPub PH | Watty Awards 2020 Winner • Fanfiction THIS IS THE UNEDITED VERSION Cassandra never liked the idea of living-and just when she thought she was already on the edge of her life--he came. But how often do you meet soul mates b...