Chapter Forty Eight

2.3K 110 5
                                    

It hurt.

I would lie if I say na okay lang ako at hindi masakit, dahil masakit, sobra. But I couldn't do anything but to act that I'm okay, or else, they'd just think I'm being a problematic drama queen who cares about nothing other than her feelings.

Pakiramdam ko sinuntok ako sa dibdib pagkatapos niyang sabihin iyon, at iwanan ako sa loob ng van, at masayang nakihalubilo sa mga kasamahan namin.

It was a punch in the gut—when someone finally says they're already giving up on you. That finally, they think they're actually doing you and themselves a favor by letting you go.

Actually, it's the other way around.

Hindi ko alam kung bakit masakit. Matagal ko na rin namang dinadalangin na sana sumuko na lang si Unique, pero bakit kung kailan narinig ko nang sabihin niya ang mga hinihintay ko ay parang gusto ko na lang hilahin ang nakaraan? Ibalik 'yung dati.

Ang unfair ba? Ganito na ako kagulo, nakakabagot.

Napasandal na lang ako sa upuan, iniisip kung ano ba talagang ginawa kong kasalanan sa buhay ko para maranasan lahat ng ito. Tears were falling non-stop, and all I could do was to think of a lame excuse kung bababa man ako ng van at madatnan nilang namamaga ang mga mata ko.

But thinking didn't help, I was losing oxygen and panic-attacks were taking over my whole being. If only Kirs didn't notice that I was already dying, I could've been dead if they didn't come immediately to drive me to the nearest hospital.

I got scared, especially when I heard Unique, cursing himself to death—that he shouldn't have done that. That he shouldn't have left me all alone, knowing I was hurting.

I shouldn't be thankful to Kirs. I should've just died. Screw me and all my death thoughts, but maybe this is what I deserve after everything's that happened.

Maybe I deserve death.

If this isn't a sign for me to kill myself, I don't know what it is anymore.

***

I woke up with a heavy head, paglingon ko nasa gilid si Unique at nakaupo. Napa-buntonghininga na lang ako at napatitig sa kisame.

"Cass," sambit ni Unique. Napatingin naman ako sa kaniya, pinilit na ngumiti kahit sa totoo lang pakiramdam ko sinumpa na yata ang buong buhay ko dahil sa lahat ng nangyayari sa'kin. "Sorry."

Natawa ako, "Lagi ka na lang nagso-sorry. Nakakapagod nang marinig," sambit ko. "Bakit hindi ka na lang magalit sa akin? Kasi sa totoo lang, galit na galit na ako sa sarili ko Unique. Hindi ko naman deserve lahat ng 'to pero bakit sunod-sunod? Nakakapagod." Hindi ko na namalayan na may tumutulo na palang luha mila sa mga mata ko. Napansin ko lang nang punasan ni Unique ang kaliwang pisngi ko gamit ng hinlalaki niya.

"Magalit ka naman sa'kin, please," sambit ko, parang nagmamakaawa na rin dahil paulit-ulit ko nang sinabi sa sarili ko—na wala akong kwentang tao, na sana hindi na lang ako mag-exist sa napaka-walang kwentang mundo'ng 'to kung paulit-ulit lang lahat.

Ewan ko ba. May ibang mga tao na chill-chill lang siguro lahat para sa kanila lahat ng nangyayari. Pero, I've endured a lot of things already. Ano pa ba'ng kulang?

Alam ko namang marami akong kasalanan, pero bakit hindi natatapos ang parusa? Ano pa bang kulang?

"Bakit ako magagalit sa'yo?" bulong niya. "Ikaw na nga lang dahilan kung ba't buhay ako."

Natawa ako. It wasn't genuine—more like a mocking laugh.

"Unique, nakakapagod na 'yung mga ganiyan mo," sambit ko. "Hanggang kailan ko uulitin na hindi kita gusto? Hindi kita magugustuhan? Na mas mabuti pang magalit ka na lang sa'kin kasi honestly, you keep me sane. Magalit ka sa'kin para wala nang dahilan para kumalma ako."

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon