Chapter Twenty Six

2.7K 111 20
                                    

I wasn't really sure of what was going on right now, pero sobrang messed up ko. Pakiramdam ko tuyong-tuyo na ako kaiiyak.

Wala na'kong ginawa kundi umiyak.

Hindi ko rin alam kung bakit sumama ako kay Unique, pero hindi rin kami umalis sa parking lot ng school. Hinayaan niya lang akong umiyak sa loob ng kotse niya. Kahit pakiramdam ko rinding-rindi na siya, hindi pa rin niya ako iniwan.

"Sorry ha," natatawang sambit ko at umayos ng upo. Nakayuko lang kasi ako kanina, tahimik na umiiyak. Feeling ko sinasadya na rin ng kalangitan na asarin ako dahil bigla ring umulan. Nakakainis lang.

Napatingin ako kay Unique. Ngumiti siya, "Ayos lang," sagot niya. "Hindi ka ba napapagod? Kaiiyak? Kasi ako pagod na pagod na akong makita nasasaktan ka lang."

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Iniwas niya ang tingin niya sa akin at diretso lang tumingin sa labas ng windshield, "Kung pwede nga lang sanang kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo, kinuha ko na."

Hindi ako umimik. Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung, but suddenly, I found the silence comfortable—Our silence comfortable.

Pinilit kong matawa, "Hindi naman makukuha 'yung sakit ko, e. Hindi naman virus."

Natawa siya.

"Nagsisisi ka?"

"Saan?"

Napa-buntonghininga si Unique at inalis ang pagkakahawak sa kamay ko at inilipat ang hawak sa manibela. Sinimulan na niyang pinaandar ang sasakyan hanggang sa makalabas na kami ng campus.

"Na pinalaya ninyo ang isa't-isa."

Napangiti ako nang mapait at napatingin sa labas. Pinagmasdan ko lang ang bawat nadadaanan namin, binibilang na rin ang ilang poste na nakikita ko. "Nagsisisi," sambit ko. "Gusto kong yakapin siya ulit. Sabihin na mali, na gusto kong lumaban kasama siya. Kahit mali pa na ipilit namin 'yung isang bagay na nasisira na, gusto ko pa ring bumalik. Gusto ko siyang balikan, gusto kong sabihing mahal na mahal ko siya. Pero, ito ang pinili namin... ang buuin muna ang isa't-isa." Napalingon naman ako kay Unique.

"Alam ko naman na ito ang tama para sa'min, kasi sobrang toxic na. Pakiramdam ko wala lang din patutunguhan kung itutuloy pa namin," dagdag ko pa. "Pero gano'n pala talaga 'yun, 'no? Pag mahal mo 'yung tao. Kahit mali, mas gugustuhin mong piliin kasi pakiramdam mo, mas makabubuti 'yung sa'yo."

Akala ko ubos na lahat ng tubig sa katawan ko, pero natawa na lang ako nang nagsimulang maipon ang luha sa mata ko. Hinayaan ko lang silang tumulo, sunod-sunod, hanggang sa paulit-ulit na hikbo na naman ang pinapakawalan ng bibig ko.

"Grabe," natatawa kong sambit at pinunasan ang pisngi ko. "Panda na ako bukas."

Hindi na ulit ako nagsalita dahil buong biyahe tahimik na lang din si Unique. Hindi ko alam kung saan na kami papunta, pero sigurado akong palabas na kami ng Manila. Gusto ko sanang sabihin na bumalik na kami dahil may pasok pa ako bukas, pero tinamaan na rin ako ng hiya kaya hinayaan ko na lang mag-drive si Unique.

Isinandal ko ang ulo ko sa gilid, pinagmamasdan ang bawat madaanan. Naka-50 na poste pa yata ang nabilang ko bago itinigil ni Unique ang kotse.

Hindi ko alam kung nasaan na kami pero bumaba na lang din ako. Nasa siyudad pa rin naman kami, since nakikita ko pa rin 'yung mga matataas na buildings, pero may mga kaunting puno sa binabaan namin at may maliit na modern type na bahay.

Pagkapasok namin, madilim pa kaya binuksan ni Unique 'yung ilaw. Pagkabukas niya ng ilaw, hindi ko na napigilang mamangha. Puro pictures, mga shots na kinukuha ni Unique tuwing suma-sideline siya as a photographer, may mga pictures ng mga kaibigan niya—ng Spades.

Nalungkot ako bigla nang makita ko 'yung picture ni Blaster, nakangiti siya, sobrang saya, abot sa mga mata niya 'yung saya niya.

Isang beses ko lang yata nakita 'yun na kasama siya.

Napangiti ako nang mapait.

"No'ng last gig namin iyan," sabi ni Nikkoi nang makalapit siya sa akin. Tumingin lang ako sa kaniya at napangiti. "Wala akong magawa bago mag-gig kaya pinicturan ko na lang sila."

"Tapos 'di nila alam na aalis ka na lang bigla?" Natawa naman siya at napa-kibit ng balikat niya.

"Ewan. Pakiramdam ko naramdaman din nila pero mas pinili nilang huwag na lang pansinsin," sagot niya. "Mas masakit nga naman kasing isipin na aalis na 'yung tao, 'di ba mas magandang sulitin mo na lang 'yung mga araw na kasama mo sila?"

Wow, bull's eye.

Hindi na lang ako nagsalita. Nilibot ko na lang 'yung buong lugar, habang si Unique sinusundan lang ako. Kapag nagugustuhan ko 'yung picture, pini-picture-an ko. Most pictures puro black and white, ang sarap tuloy tignan.

Konti pa lang 'yung pictures na naka-display sa Gallery ni Unique, kaya pala hindi pa niya ino-open for public viewing. May mga spaces pa na kailangan pa niyang fill-up-an ng photos. I can't help na rin but to be amazed, dahil naisabay niya rin pala 'yung pagbi-build up nitong gallery niya, pati ng pag-release niya ng songs. Sobrang galing lang. Who can even do that at a very young age?

Ako nga mas bata sa kaniya, wala pa ring kwenta. Wala pang kwenta sa lovelife. Hindi pa yata ga-graduate, jusko.

I sighed.

"O, dami mo ng binigay na supply na carbon dioxide, baka mawalan ka na ng hininga," natatawang sambit ni Unique. "Gutom ka? May pagkain sa likod." Nagulat naman ako nang bigla niya akong hinila. Kumuha siya ng pack ng biscuits sa cabinet at can ng softdrinks sa loob ng ref. Umupo na lang ako at kinuha na lang 'yung can ng Coke sa harapan ko at binuksan 'yun.

"Punta ka sa con ko?" Napatingin naman ako sa kaniya habang umiinom ng Coke. Pagkalapag ko ng can e nakatingin pa rin ako sa kaniya. "Libre kita ng ticket," natatawa niyang sambit at ngumiti.

"Kahiya naman."

Napangiti pa lalo si Unique sa sinabi ko at kumuha ng biscuit sa pack at binuksan 'yun, "Please?"

Napangiti ako nang bahagya, "Bakit muna?"

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano'ng ire-react ko. Hindi ko rin alam kung bakit pakiramdam ko, bigla akong kinabahan sa pagtingin niya sa akin.

"Hindi ko alam," sambit niya. "Pero, ikaw... paano ba... ikaw na kasi 'yung nagbibigay ng lakas ng loob sa akin."

Natawa ako.

"Seryoso ka ba?"

"Hindi ko rin alam Cass, e," sambit niya. "Gusto na yata kita."



By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon