Blaster.
Well, the moment I told him na sasama ako, pakiramdam ko umabot hanggang dito sa condo ko 'yung tuwa niya. It's not the first time na niyaya niya akong lumabas, pero siguro masaya siya dahil first time niya akong yayain after he told me that he'll officially court me.
Ang weird lang pakinggan. Tapos realizing na kaka-break lang namin ni Dane, pakiramdam ko itatakwil na ako ng pure side ng soul ko—if ever that exists. Pakiramdam ko nga nasa panaginip lang ako. Tapos ayaw ko nang magising.
Masaya kasi.
May deal naman kami ni Blaster, na ilalabas lang sa media na nililigawan niya ako pag 3rd month na. Maybe that won't stir up any issues. Sa ngayon, ang alam ng buong eskwela mag-kaibigan kami dahil may koneksyon ako sa pamilya nila Zild. While their fandom, well... ang weird lang pero they're already calling us "parents".
After ng ilang minutong paghihintay ay dumating na rin si Blaster, nakasuot na rin siya ng damit niya pang-gig. Natawa ako dahil naka-eyeshadow na naman siyang red, "Ang cute mo," natatawang sambit ko.
"Trademark," sambit niya at tinuro ang mata niya. "Bagay naman 'di ba?"
I stuck out my tongue at lumabas na ng condo, "Pangit," biro ko. Napangiti naman si Blaster at sinundan na ako papunta sa parking lot.
"Hi, Cass!" Nagulat naman ako no'ng binati ako ni Gelo, si Zild natutulog tapos si kuya Badjao kausap yata si ate Aimee. Ngumiti na lang ako at pumasok na sa loob ng van.
"Tabi na kayo ni Cass," natatawang sambit ni Gelo dahil pinapalipat pa siya ni Blaster dito sa tabi ko. Natawa naman ako.
"Para kang ewan, dito ka na." I tapped the spaced beside me at umusog nang kaunti. Napangiti naman nang bahagya si Blaster at umupo na sa tabi ko. Ewan ko, pero para siyang kinakabahan na hindi ko alam. Sobrang weird pero nararamdaman ko rin ngayon kung ano man ang nararamdaman niya. Siguro dahil kahit sikat na sikat na sila kinakabahan pa rin siya tuwing magpe-perform sa harap ng maraming tao.
Pagkarating namin sa venue marami nang tao. Sobrang higpit ng security, pati sa gilid ko may guard habang naglalakad kami papunta sa holding room. Pagkarating namin sa loob, nando'n si ate Shanne at ate Aimee.
"Hi! So you're Cass?" Nakangiti akong tumango. Sobrang starstruck ako sa ganda ni ate Shanne, feeling ko tuloy hindi ako babae.
"Zild pwede bang sa'kin na lang si Shanne?" natatawang tanong ko. Natawa naman silang lahat.
"Pagpapalit mo ako?" Nagulat naman ako nang bigla akong akbayan ni Blaster, dahilan para mangantiyaw silang lahat na nandito sa holding room. "Namula!" nakangiti niyang sambit. Napatingin naman ako kay Blaster, hindi siya nang-aasar—more like ang saya niya dahil namumula ako.
Jusko, sino ba'ng hindi?
"Che! Ewan ko sa'yo!" sagot ko at pilit inalis ang braso niya sa pagkakaakbay sa'kin. Dumila lang siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa balikat ko.
Hinayaan ko na lang hanggang sa tawagin na sila sa stage. Lumabas pa kaming nakaakbay pa rin siya sa'kin, pakiramdam ko tuloy ang dami nang nakakuha ng litrato namin. Ang dami nilang nagtitilian habang sinisigaw ang pangalan nila Blaster, Zild at kuya Badjao. Ang saya nilang tignan.
"Walang good luck?" Natawa naman ako at napangiti.
"Good luck," sambit ko. "Dali na! Natatawa na sila Zild, o. Mukha ka na raw ewan." Sabay turo ko kina Zild. Natawa naman si Blaster at pinisil ang pisngi ko. Napangiti na lang ako lalo.
Ewan, bakit biglang naging ganito? Nagpatawad lang naman ako kahit muntikan na akong mamatay. Lord, bakit ang bilis naman ng blessings?
Buong gig nila nakangiti lang ako habang nakikisabay sa pagkanta nila. Nasa harapan ako ng stage habang pinagmamasdan silang kumanta, ramdam na ramdam ko 'yung passion, 'yung pagmamahal nila sa musika na kahit umalis ang isa sa mga ka-banda nila ay hindi sila natigil. Akala ng iba, hindi na sila magtatagal, akala ng iba pagkaalis ni Unique ay mawawala na rin ang IV OF SPADES—pero mas lalong dumarami ang blessings, mas lalong dumarami ang tumatangkilik, mas dumarami ang nagmamahal sa kanila.
Habang kinakanta ang Mundo, hindi ko mapigilan na mapatitig kay Blaster, nakangiti siya habang tumugtog, nakatingin lang din sa akin. Nginitian ko lang siya at nakisabay sa pagkanta.
I don't know. There's so much going on inside me, ang daming thoughts. I will not deny na may unti-unting nagbi-build up na feelings deep inside me for Blaster, dahil hindi naman ako tanga para paasahin lang 'yung tao, pero at the same, I still sometimes cry myself to sleep because of Dane, and Meg. Hindi ko na alam.
The pain, I don't know, it still lingers. I wasn't too deep into Dane, maybe one part of me also thought that we weren't really serious after all. But, the pain of losing a friend sucks. It's like losing one part of your life, and you don't even know how to bring it back. The memories that you treasured so much? Parang ang hirap nang alalahanin, because the moment they come back to you like a big wave trying to kiss the shore? Sobrang hirap. It's like your memories are slowly taking suicide, and you can't do anything but to cry.
"Cass?" Nagulat ako nang ma-realize ko na katabi ko na pala si ate Bel. Napangiti siya nang bahagya at inabutan ako ng panyo, "Tignan mo si Blaster, kanina pa nagwo-worry. Bigla ka na lang daw umiyak. Gusto nang bumaba." Napahawak tuloy ako sa pisngi ko, napatingin tuloy ako kay Blaster na kanina pa nakakunot ang noo kahit tumutugtog habang nakatingin sa akin. Napapikit na lang ako at kinuha ang panyong iniabot sa akin ni ate Bel.
"Okay ka lang ba?"
Napangiti ako at napa-buntonghininga, "Hindi ko rin alam ate Bel," sagot ko at tumingin kay Blaster. I raised left thumb and smiled at him, which made him smile a little bit and lightened up his mood. Napatingin naman din sa'kin si Zild, "You okay?" he mouthed.
I nodded my head a little bit.
"You can talk to me, Cass," ate Bel said. "Is it about Blaster?"
"No ate," I said. "Do you know how it hurts to lose a friend in just a blink of an eye? Because it feels... I don't know. Hindi ko na alam. Sobrang sakit, hanggang ngayon." And then suddenly, everyone became quiet--and someone suddenly pulled me into a hug.
"Sabihin mo lahat sa'kin, Cass," bulong niya. "I don't want to see you hurting, so please."
Napangiti ako nang bahagya, "Thank you. Thank you, Blaster," I whispered.
"I'll always be here okay? To protect you," he murmured and everyone suddenly went from silent to a booming kind of noise when Blaster... kissed me...
On my forehead.
"Tell me anything, and I'll always be here."
BINABASA MO ANG
By Chance
FanfictionPUBLISHED UNDER KPub PH | Watty Awards 2020 Winner • Fanfiction THIS IS THE UNEDITED VERSION Cassandra never liked the idea of living-and just when she thought she was already on the edge of her life--he came. But how often do you meet soul mates b...