Chapter Twenty Seven

2.5K 112 9
                                    

Natulala lang ako habang nakatingin pa rin sa kaniya. Hindi ko talaga alam kung ano'ng ire-react ko, pakiramdam ko natigil saglit ang pagpo-process ng information ng utak ko.

Na-blangko ako.

Mabilis na binawi ni Unique ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa kamay ko at natawa nang mahina, "Joke. Testing lang." Pinaningkitan ko siya bago inirapan. Mukha tuloy kaming tanga na biglang naging awkward sa isa't-isa.

Sino ba naman kasing hindi magugulat?

Ang out of this world talaga ni Unique minsan. Nakakatawa.

Inubos ko na lang 'yung biscuit at Coke bago kami lumabas sa likod ng gallery niya (na akala ko bahay kanina). Pagkalabas namin, natuwa ako nang may makita akong malaking koi fish pond. Agad akong lumapit at pinanood lang silang lumangoy.

"Pinapanindigan mo pagiging 'Koi' mo ah," natatawang sambit ko nang maramdaman kong lumapit sa akin si Unique. Natawa naman siya at nagsaboy ng pagkain para sa mga koi, kaya lumapit naman sila sa amin. Sa sobrang tuwa ko, kinuhanan ko sila ng picture at pinost kaagad sa My Day ko.

Na sana hindi ko na lang ginawa dahil sunod-sunod na nag-message 'yung mga kaibigan ko sa groupchat namin, dahilan para matawa ako.

|Mama mo Sa'n Darating|

Meghan: Cass asa'n ka? Nag-aalala na kami sa'yo

Rinoa: hOoooooooOOOY! NASAN KA BAKLA.

Carissa: BABAITA NASAAN KAYO.

Mikaela Andrea: NASAN KAYO NI UNIQUE.

Lucy: OKAY KA LANG BA? HoOooy.

Mika: JUSKO NAG-OL DIN SI RAPUNZEL UMUWI KA NA.

Gab: san na raw kayo D;

Aisha: nako ka Cassandra Feliciano ayaw pa namin maging ninang umuwi ka na!

Natatawa na lang tuloy ako habang binabasa ang messages nila, pero hindi na lang muna ako nag-reply. Sinendan ko lang sila ng picture naming dalawa ni Unique para naman mapanatag sila kahit pa paano.

Pagka-exit ko ng groupchat namin, sakto namang nag-message si mama.

Mama: nak san ka na? kasama mo si Unique? umuwi ka na gabing-gabi na. Nako ha.

Me:  kasama ko si Unique ma don't
worry po.

Mama: uwi na ha? Ingat kayo. May tiwala ako diyan kay Koi kasi matagal ko na yan kilala. Ingat. Loveyou.

Me: opo mama. Thank you.

Pagka-reply ko kay mama, tinago ko na rin kaagad 'yung phone ko, at pinanood ulit 'yung mga koi habang pinapakain sila ni Unique. No'ng maubos na 'yung nasa kamay niya, napaupo na lang kami sa may bench.

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. I still find it weird, because I find it really comfortable. Hindi ako naiilang, parang sobrang normal lang 'yung katahimikan.

Tahimik pero parang may connection pa rin. Ang gulo, pero parang gano'n talaga.

Nagulat na lang ako nang biglang mag-vibrate ang phone niya. Pagkalabas niya no'n, nakita ko 'yung pangalan ng caller—Jules, "A-ah, sagutin ko lang," sambit niya. Ngumiti naman ako at tumango kaya tumayo na siya at pumasok ulit sa gallery.

Napa-buntonghininga na lang ako at tinignan ang phone ko, lockscreen ko pa rin 'yung dalawa kami ni Blaster. Natawa na lang ako nang maramdaman ko na naman ulit na naiiyak na naman ako. Hindi ko rin naman mapipigilan kaya hinayaan ko na lang.

"Ang daya-daya naman kasi, e," bulong ko. "Kung gusto mo naman akong mag-stay, mags-stay naman ako e. Pero bakit ito 'yung pinili natin? Bakit nagpaka-selfless ka ngayon? Bakit mo ako pinalaya?"

Sunod-sunod ang paghikbi ko habang nakatitig pa rin sa phone ko. I still can't digest the fact na wala na, wala na talaga. Na pinalaya na lang niya ako dahil nagiging madamot na siya.

Alam ko naman, kasalanan ko rin. Na sabi ako nang sabi sa sarili ko na unahin ko munang mahalin ang sarili ko dahil maling-mali na 'yung mga nangyayari, pero ito ako ngayon, nasasaktan.

Gustong-gusto ko na siyang balikan.

Pero ito ang pinili namin.

Papanindigan ko na lang.

**

Halos ilang minuto ring kinausap ni Unique si Jules. Hindi ko siya kilala pero minsan ko na yatang narinig ang pangalan niya no'ng nagku-kuwentuhan sina Andrea tungkol sa Spades.

Pagkabalik ni Unique ay agad siyang umupo sa tabi ko. Ngumiti siya, pero hindi nagsalita. Ngumiti na lang ako pabalik.

"Sino 'yun?"

"Ah, si Julene. Kaibigan ko," sambit niya at napahawak ng batok. "Actually may past kami, pero mutual naman naming tinapos. Hindi naging kami, pero nag-stay naman kaming mag-kaibigan." Napatango naman ako.

"So hindi sa kaniya 'yung gusto na yata kita stunt mo kanina?" tanong ko habang natatawa-tawa.

Napangiti naman siya, "Hindi," sambit niya. "Hindi ko pa kayang sabihin e, basta malalaman mo kapag pumayag na siya." Napangiti naman ako. Hindi ulit siya umimik kaya pinagmasdan ko na lang 'yung kalangitan, walang ulap ngayon at kitang-kita ang mga bituin, I can't help but to admire the beauty of the sky.

"Sa tingin mo kung hindi ka hinayaan ni Blaster na umalis, kayo ang magkasama ngayon?" Napalingon naman ako kay Unique, na nakatingin lang sa mga bituin. Ngumiti ako at ibinalik ang tingin sa langit.

"Siguro," sambit ko. "Siguro kalilimutan ko na lang lahat ng sakit na pinagdaanan naming dalawa, basta kasama ko lang siya. Pero hindi. For the first time, I hated him for being selfless. For the first time, hiniling ko na sana hindi na lang niya ako hinayaan, na sana pinilit niya akong mag-stay. Kasi gagawin ko naman 'yun, e." Hinayaan ko lang umagos ang masaganang luha mula sa mga mata ko, nakatingin pa rin sa langit, habang paulit-ulit na nababasag ang puso.

Nakakapagod.

Nakakasawa.

Gusto ko na lang matigil ang lahat.

"Pero, nagkamali rin ako. Akala ko mas magiging okay ako kapag tatapusin na lang namin ang lahat, pero bakit mas nasasaktan ako? Bakit mas masakit? Bakit mas nae-endure ko 'yung sakit no'ng kasama ko siya? Pero ngayon, paulit-ulit...parang paulit-ulit na akong pinapatay." Napapikit na lang ako at natawa. "Mukha na akong tanga," bulong ko. Hinintay ko na magsalita si Unique, pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong higitin at yakapin nang mahigpit. Hindi ko alam kung bakit, pero parang katahimikan lang naming dalawa ang pakiramdam ng mga yakap niya—sobrang nakakagaan.

Hindi nagsalita si Unique, hinayaan niya lang ako umiyak hanggang sa napagod ako, pero ramdam ko pa rin ang paghagod niya sa buhok ko, at dinig ko rin ang lakas ng tibog ng puso niya.

"Hindi mo iyan deserve Cass," sambit niya at iniayos ako ng upo habang nakahawak pa rin ang mga kamay niya sa balikat ko. "Mas deserve mong ngumiti."

Napangiti naman ako.

"Mas bagay sa'yo," sambit niya. "Huwag ka na ulit umiyak. Ako ang bahala sa'yo. Sasagipin kita sa sakit, hayaan mo lang ako."

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon