Chapter Thirteen

4.1K 181 7
                                    

Isang week simula no'ng kumalat sa social media platforms ang ginawa ni Blaster na biglaang pagbaba sa stage, at paghalik sa noo—ngayon nandito na kami sa harap ng camera—para i-deny ang lahat ng rumors.

Masakit para sa'kin, pero gets ko rin naman kung bakit. Masamang publicity 'yun para kay Blaster kung madadawit siya sa issue naming tatlo nina Dane, tsaka sabi rin ni ate Bel ay para protektahan din ako dahil kung lumabas na totoo ngang nililigawan ako ni Blaster ay baka iba naman ang sabihin ng iba. Lalo na 'yung mga nakakaalam ng past namin ni Dane.

For the nth time, I heaved a deep breath and chewed on my lower lip, trying to lessen the nervousness that I am feeling right now.

"Okay ka lang?" Napatingin naman ako kay Blaster at ngumiti.

"Okay lang. Siguro," sambit ko. Ngumiti naman si Blaster at kinurot ang pisngi ko.

"Baka naman mas gusto mong sabihin na nililigawan talaga kita?" natatawa niyang bulong dahil baka marinig ng staff. Kinurot ko tuloy ang braso niya para lumayo siya nang kaunti, baka may mga fans sa audience na mag-speculate na naman (kahit totoo).

"Guys, okay na kayo?" tanong ng isang staff. Sabay naman kaming tumayo ni Blaster. Tumayo na rin sila Zild at kuya Badjao. Inayos ko nang kaunti ang buhok ko bago kami lumapit do'n sa staff na nagtanong sa amin. "On cue na raw. Hintayin ninyo na lang na tawagin kayo ng host. Okay?" Tumango naman ako pati na rin ang buong banda.

"Hinga lang," natatawang sambit ni Blaster. "Nandito naman ako, kami. Magiging okay tayo." Napatingin ako kay Blaster at napangiti. Unti-unti, lahat ng kaba sa dibdib ko parang nawala.

"Okay lang iyan, Cass," Zild said habang inaayos ang sleeves ng suot-suot niyang longsleeves. "You'll do great." Nag-thumbs up naman si kuya Badjao at ngumiti.

Napangiti na lang din tuloy ako.

"Let's welcome IV OF SPADES and Cassandra Dawn Feliciano!" Halos mabingi ako sa palakpakan at sa pag-cheer ng mga nasa audience. Natawa naman ako dahil may pa-banner pa 'yung iba sa kanila.

"CassTer daw o," natatawang bulong ni Blaster sa akin, dahilan na rin siguro 'yun kung bakit mas lumakas ang tilian nilang lahat.

"Lumayo ka nga. Baka 'di sila maniwala, gagi." Natawa naman si Blaster at lumayo nang kaunti sa akin habang nakatayo kami at tine-test nila 'yung instruments nila. Natawa naman sila Zild sa kaniya. Chineck ko naman 'yung mic kung maayos.

Hindi naman kasi talaga interview ang magaganap. The show invited them to perform, tapos bigla-bigla nalaman ko na lang na pinapasama pala nila ako dahil narinig din daw ng host 'yung boses ko, one time na nag-live video si Gelo kasama ako. E kami 'yung magkasama noon no'ng tumakas ako sa Pre-Cal classes ko dahil may gig sila Blaster. Minsan lang naman. Pero siyempre, sinabihan na rin kami nila ate Bel na may 95% chance na tanungin nila kami tungkol sa'min ni Blaster pagkatapos ng tugtugan, kaya maghanda na lang daw kami.

Meaning, maghanda na lang daw kaming magsinungaling for the sake of sanity and peace.

Nagkaro'n tuloy kami ng biglaang practice kahapon. Kabisado ko naman 'yung Where Have You Been My Disco kaya okay lang. Atsaka para naman daw maiba ay si Blaster ang unang kakanta.

"Hi! We are IV OF SPADES, let's bring some disco back!" Zild said and started playing their instruments, nanginginig 'yung kamay ko kaya mahigpit kong hinawakan ang microphone. Halos magiba 'yung buong studio no'ng tumili sila nang magsimulang kumanta si Blaster. Napalingon naman ako sa kaniya at napangiti nang malaki.

I can't help but to feel proud for him and for his whole band.

Nagsimula na akong kumanta, kahit sanay na'ko sa pagtitig ni Blaster sa'kin, nakakaramdam pa rin ako ng pagkailang. Napatingin tuloy ako sa kaniya.

"Ganda mo," he mouthed. Inirapan ko tuloy siya at humarap na sa audience, lumakas na naman kasi ang tilian nila habang nakataas 'yung banners nila na may nakasulat na CassTer at IV OF SPADES.

Pagkatapos ng performance, as expected nagtanong na sila tungkol sa IV OF SPADES. Nagc-crossfingers na'ko na sana hindi na lang kami tanungin pero—no use lang din.

"Hi, Cass!" the host greeted me. Ngumiti naman ako at binati siya pagbalik, kahit naiilang na'ko. Konti na lang yata tatakbo na lang ako papasok. "So, have you heard about the rumors?"

I pursed my lips close and smiled a little bit, "Uh, yes," I uttered. Napangiti naman 'yung host.

"Ano naman ang masasabi mo? Like, is it true? Lalo pa ngayon na lumalawak na ang fanbase ng banda, and the people who admire your chemistry with Blaster."

Napatingin muna ako kay Blaster, ngumiti siya at nag-thumbs up, "Uhm, we're very good friends lang po," nakangiti kong sambit kahit na sobrang kinakabahan ako dahil baka may masabi akong makasama sa image ng IV OF SPADES. Ramdam na ramdam ko ang pagtitig nilang lahat sa akin, naghihintay ng sunod kong sasabihin. "We're just...uhm, really close," I said. Sunod-sunod ang mga nagsabi ng 'aw' dahil na rin siguro sa pagkadismaya, na 'yung tinatawag nilang 'parents', ay 'mag-kaibigan' lang pala.

"Yeah, clingy lang talaga kami sa isa't-isa. So expect more clingy pics from the both of us," natatawang sagot naman ni Blaster.

Tumagal pa ng ilang minuto ang pakikipag-usap namin sa host, pagkatapos no'n ay nag-break muna sila dahil may kasunod pang banda na magpe-perform sa stage. Pagkarating sa dressing room nila ay napasalampak na lang ako sa sofa. Natawa naman si Gelo sa'kin.

"Okay ba?" tanong ko. Nangiti naman si Gelo at nag-thumbs up. "Gustong-gusto ko na lang kainin ng lupa kanina. Grabe..."

Natawa na naman tuloy siya sa'kin, "Alam mo kahit sinabi mo na live sa National TV na mag-kaibigan lang kayo, hindi huhupa 'yung mga taong nagshi-ship sa inyo. Lalo kung ang dami na talaga nila."

"Parang sa inyo ni ate Chy?" Natawa na na naman siya sa'kin at tumango. Sakto naman no'n ay pumasok na sila Blaster sa loob ng dressing room. He extended his arms immediately when he saw me kaya agad akong tumayo at niyakap siya nang mahigpit.

"You did great, princess," he whispered. "I mean best friend," dagdag niya sabay tawa.

I rolled my eyes heavenwards and hugged him tighter than the usual, "But promise me... you're still mine?" I looked up to him to meet his gazes, and it felt like I was slowly drowning just by looking unto his eyes. Making me a prisoner as I stare right at my reflection.

He smiled, "Yours only," he whispered and kissed my forehead, and that kept my mind at ease.

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon