Chapter Forty Six

2.2K 114 16
                                    

"Welcome back, Cass," sambit niya at ibinaba ang bouquet na tumatakip sa mukha niya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit.

God.

I missed this guy.

"Ba't ka umiiyak?" natatawang tanong nito pagkakalas. I made face. Who wouldn't even cry!? Ilang years kaming hindi nagkita tapos bigla kong malalaman tatay na pala siya.

"Ikaw! 'Di mo sinasabi na tatay ka na pala!" I wiped the tears that fell down from my eyes at tinignan siya nang masama. Sobrang dami kong na-miss out habang nasa London ako, pero naintindihan naman nila ang emotional problems ko.

I won't really deny. Sobrang hirap ng buhay habang nasa London ako. The struggles I had every time I wake up, not ending the day without thinking I should just die instead of waking up everyday remembering every painful scene that happened in my life.

It was as if I was living Cinderella's life—except that I needed a therapist just to cope up with my anxiety and depression.

Sobrang hirap.

But I'm proud of myself. Even thankful to the people who hurt me. I would never find myself without them. If I hadn't experience the pain, siguro I'm stuck in a career na hindi ko rin gusto. Siguro magulo pa rin ang utak ko, probably trying to extract blood from a patient pero at the end of the day, I'll just regret.

Kahit sinaktan nila ako, still—I'll forever be thankful.

Natawa naman siya at pumasok sa bahay, "Pinapabigay ng asawa ko," sambit niya at ngumiti. "Hindi pa siya discharged sa hospital, e."

Nginitian ko naman si Dane at tinanggap ang regalo ni Meg. Probably, libro ang laman dahil halata na rin naman sa packaging. Kinulit ko kasi nang kinulit na kapag hindi ako binilhan ng bagong libro, break na kami as friends. Hindi ko naman alam na tototohanin niya.

At least, sa malungkot kong buhay, may nagbunga ring happy ending ng ibang tao. Do'n din, thankful ako. Sa lahat ng nangyari—simula pa no'ng umpisa. Alam namin, no'ng una nagkamali kaming lahat, but at least, everything that happened? They're all worth it.

I was able to become a film maker.

Meg and Dane ended up together.

Siguro, God made me realize na kailangan ko munang mahalin ang sarili ko kaya ko pinagdaanan ang lahat ng iyon.

And He's right—the moment I started to love myself, everything started to make sense.

For me.

***

Kinabukasan, nagising ako nang maaga dahil may nag-imbita sa aking co-director ng isang indie film. I was excited kaya maaga pa lang ay nag-ayos na ako kahit mamayang 11 pa naman 'yun.

"Aga natin, nak ha," nakangiting sambit ni mama habang sinasandukan ng kanin ang plato ko.

Napangiti ako, "First impression lasts ma," sabi ko.

"Okay ka naman na?"

Tumango ako, "Wala rin namang mangyayari ma kung iisipin ko pa 'yung nakaraan. The least I want to happen is to meet them anytime. Okay na siguro ako, pero siguro mahihirapan lang din ako kung makikita ko man sila."

Napa-buntonghininga naman si mama at hinawakan ang kamay ko, "Alam mo namang ngayong nandito ka na ulit, mas malabo nang mangyari 'yun. But whatever happens, remain strong."

I nodded.

Pagkaubos ko ng pagkain ko, umalis na kaagad ako papunta sa meeting place. Sa Baguio raw kasi ang shooting place for the next few scenes kaya kung pwede nga raw ay for the whole week nando'n ako sa Baguio ay mas maganda. Pumayag naman ako dahil magandang break din 'to para sa'kin lalo na't kaga-graduate ko lang din.

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon