Chapter Twenty Four

3.1K 116 2
                                    

After 2 days of staying at the hospital, nakalabas na rin ako. Sakto naman at day off din ni mama sa opisina nila kaya kasama ko siyang umuwi. Pagkarating namin sa bahay, nagulat na lang ako kasi kasama ni Ashton si Blaster. Napangiti na lamang ako habang pinapanood ko silang maglaro, para silang nagkaroon ng sarili nilang mundo. Nakakatuwa.

I sat beside Blaster, natawa pa'ko nang bahagya no'ng magulat siya sa'kin.

"Hi," mahinang sambit ko. He was just staring at me, kaya napatingin na lang ako kay Ashton. Bigla ko tuloy napansin na naka-pambahay si Blaster since naka-pajamas pa lang si Ashton. Si mama kasi, basta may bisita pinapaayos kami kaagad kahit dito lang kami sa bahay.

"Musta tulog, Blaster?" Napatingin ako kay mama na umupo sa sofa, unti-unting napakunot ang noo bago ko ibinalik ang tingin kay Blaster.

Napangiti siya.

"Ayos naman po, tita. 'Di naman magulo si Ashton, 'di ba Ashton?" Napangiti naman 'yung kapatid ko at nakipag-high five pa kay Blaster. Rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni mama.

"Nag-overtime kasi ako kahapon kaya 'di ko nasundo si Ashton, buti na lang may number ako ni Blaster kaya tinawagan ko na lang siya." Napatingin naman ako kay Blaster at nginitian niya lang ako.

This guy.

I don't even know what to feel anymore.

He's done a lot.

I almost felt conscious with what I looked like habang tinutulungan ko silang magligpit ng mga toys ni Ashton, dahil ramdam kong nakatingin lang sa akin si Blaster.

"May problema ba?" mahina kong tanong. Natawa naman si Blaster sa'kin at idinantay ang ulo niya sa balikat ko pagkatapos naming mag-ayos. Si Ashton nagpunta ng kusina dahil tinawag ni mama para uminom ng gatas niya.

"Wala," he said. "I just missed you."

"Sus," natatawa kong sambit at pinisil ang pisngi niya. "Tumataba ka, ha."

Ramdam kong napangiti siya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay, "ayaw mo ba?"

Napangiti naman ako, "Okay lang," sagot ko. "Instant teddy bear." Natawa naman siya. A lot of things happened between the both of us, pero ayaw ko namang masira na lang ang mood dahil do'n. As much as I want to be angry towards him, tuwing nakikita ko siyang nakangiti, nalulusaw ang lahat.

I don't even know if I'm capable of being angry to him. Pakiramdam ko masyado na akong nagpapabulag. Ang daming sinasabi sa akin ni Unique, pero nandito ako ngayon, nagpapaka-martyr pa rin. Hindi nagpapadala sa sakit.

Alam ko naman, ramdam ko naman. He'll do everything just to have me, just to keep our relationship, pero na-realize ko na lang bigla--what if he does it again? Paano kung biglang maguluhan na naman siya? E 'di ako na naman 'yung maiiwan? 'Yung maghihintay?

I just find it unfair.

Sobra.

I won't deny, I'll never deny na mahal ko si Blaster pero sa sobrang dami ng nangyayari--parang hindi ko pa kaya.

Gusto kong maging kami, pero kahit pa paano, may natitira pa rin naman akong awa at pagmamahal para sa sarili ko. 

Bagot lang siguro ako kahapon kaya nasabi ko kay Unique na buo na ang desisyon ko. Pero, hindi pa rin e. Natatakot na akong sumugal, kasi pakiramdam ko, ako lang lagi ang sumusugal. Ako 'yung laging naghihintay, iniiwan.

Nakakapagod na ring masaktan. 

Napa-buntonghininga ako at inilayo ang kamay ko mula sa kamay niya, dahilan para mapaupo nang maayos si Blaster at mapatingin sa akin, "May problema ba tayo?"

Napangiti ako nang bahagya, "Blaster... can you give me time? I need to sort myself first. Napapagod din naman akong masaktan, kasi lagi mo na lang akong iniiwan. Lagi na lang ako 'yung umiintindi. Mahal ko pa naman ang sarili ko..." Unti-unti kong naramdaman ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Napapikit na lamang ako at napayuko, rinig ang sunod-sunod na mabibigat na paghinga ni Blaster.

"This is not about Uni--"

"I understand." Napamulat ako ng mata at napatingin sa kaniya, hinahayaan pa ring tumulo ang luha mula sa mga ko. "Naiintindihan ko, Cass..." Nagsimulang magtubig ang mga mata niya, but he didn't care, he was just staring at me with those bloodshot eyes and a hint of pain registering unto it.

It hurt me, too.

"I became selfish to the extent na hindi ko alam na pati ikaw masasaktan ko--nasasaktan ko," sambit niya. Napahawak siya sa bibig niya para pigilan ang hikbi na kanina pa gustong kumawala sa bibig niya, pero rinig ko pa rin. Kasabay ng pagkabasag ng puso ko. "I should've listened. Hindi sana ako nagpabulag sa sarili kong damdamin. I wanted you more than anything else, not realizing that I was already being unfair to you." 

"I'm not worthy, Cass. Alam ko 'yun. Pero lagi akong nagpapabulag sa sarili kong nararamdaman." Sunod-sunod ang kumawalang hikbi sa kaniya, kahit subukan niyang pigilan, parang may sarili na silang isipan, hindi na makontrol.

Hindi ko rin alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at bigla ko na lang siyang hinigit, niyakap nang mahigpit.

I want to ease the pain that he's feeling, pero wala rin akong magawa sa nararamdaman ko. I've been too unfair to myself, that I'd rather ease somebody else's pain instead of mine.

Zild was right, sa sobrang bait ko, 'yun na rin ang naging weakness ko. 

I keep on giving, without expecting something in return, tapos ako lang din 'yung laging nasasaktan. 

"Mahal kita, Cass," bulong niya at niyakap ako nang mahigpit. "Pero hindi ako sapat, sobrang hindi. Paano mo ako mamahalin kung lagi kitang sinasaktan?"

Napangiti ako nang bahagya, biglang naalala ang sinabi ni Unique. 

Lahat na yata ng realizations ko sa tanang buhay ko ngayon lang ulit ako sinasampal.

Hindi sapat na mahal ka niya kung hindi siya magtitiwala sa'yo.

Hindi sapat na mahal ka niya kung lagi ka naman niyang sinasaktan. Kasi, mas mahal niya ang sarili niya kung gano'n.

Mas gusto niyang isalba muna ang sarili niya bago ang iba mula sa pagkalunod.

And I realized, hindi healthy 'yun.

Hindi tama 'yun.

"I keep on saving myself, not knowing you were already drowning," he said, out of the blue. "Pilit kong sinasagip ang sarili ko kasi ayaw kong masaktan, pero mas nasasaktan ako dahil na-realize ko na, bakit hinahayaan kitang malunod?"

Napangiti ako.

"Kaya kahit masakit, Cass, hahayaan muna kitang sagipin ang sarili mo kasi, sobrang sirang-sira na ako kaya hindi na kita masagip," bulong niya. "I can't let you save myself again. Save yourself. I'm not worth it anymore." 





By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon