Halos mahigit ko ang hininga ko nang bigla ring sumulpot na lang bigla sila Unique at Zild sa likod ko. Pakiramdam ko magiging laman na ako ng current issue ng school paper namin, o baka may administrator dito ng page ng IV OF SPADES at gumawa ng kung anu-anong kalokohan. Sa panahon pa naman ngayon, isang kibot mo lang, may issue agad.
Mga tao ngayon ang hihilig sa issue, kung makasawsaw akala mo naman kasi alam ang buong pangyayari.
"M-Meg..." bulong ko at unti-unting binitiwan ang pagkakahawak ko sa braso niya. Napayuko na lang siya at mabilis na naglakad papalayo sa'min. Tinignan ko naman nang masama si Blaster. Nagkibit-balikat lang siya habang nakatingin sa'kin. Iiwan ko na sana sila pero bigla na lang niyang hinawakan ang balikat ko.
"Ano ba?" I hissed. Napakunot naman siya ng noo. Tinignan ko naman sila Zild pero tumawa lang sila nang bahagya.
Grabe, thank you.
"Bakit ang init ng ulo mo?" Napairap naman ako. Tinanong pa talaga ako nito? E kung maging siya ako at maramdaman niya kung paano niya ginulo ang sistema ko kagabi? Tapos ngayon eeksena pa?
Blaster Silonga, napakasarap mong kutusan.
"Excuse me, Blaster Silonga, makikipag-ayos sana ako sa kaibigan ko pero bigla kang sumulpot." Natawa naman siya sa sinabi ko at binend nang kaunti ang tuhod niya para maging pantay kami ng taas. Nakangiti niya akong tinignan sa mga mata ko. Pakiramdam ko tuloy biglang nangatog ang mga tuhod ko dahil sa ginawa niya.
"Huwag mong pilitin ang taong ayaw," sambit nito at casual na naglakad papalayo habang nakalagay ang mga kamay niya sa loob ng bulsa ng pantalon niya. Nagpaalam naman na sa'kin si Zild at sumunod kay Blaster. Ang daming nagbubulungan kaya hinila na ako nila Aisha papalayo sa classroom, kanina pa pala sila nakarating sa classroom namin, ni hindi ko man lang napansin dahil kay Blaster.
Blaster! Blaster! Blaster! Pangalan pa lang sira na araw ko, nakakaasar.
"Uy, grabe! Ano'ng mayro'n kay Blaster, Cass?" tanong ni Rinoa. Napanguso na lang ako. Hindi na nila ako pinilit magsalita habang naglalakad kami papalabas ng building, at iniba na lang ang topic. Pakiramdam ko tuloy, imbis na maging maganda ang outcome ng pagiging close ko kina Zild, nagiging masama pa yata.
Inis na napaupo na lang ako pagkapasok namin ng McDo. Laging ganito ang set up namin tuwing pagkatapos ng klase. Buti na nga lang at hindi umuulan.
"Okay ka lang?" tanong ni Aisha. Pinilit kong ngumiti.
"Okay lang," sambit ko. "Medyo pahamak pala sa buhay si Blaster, pero okay lang," dagdag ko na may halong sarcasm. Natawa naman sila Aisha.
"Dapat masanay ka na sa presence no'ng tatlo. Sa school pala natin sila mag-aaral, e," sabi ni Carissa. I pouted, may mas lalala pa ba sa nangyayari sa'kin? Pakiramdam ko bukas kukuyugin na ako ng mga die-hard fans ni Blaster. Mga IV of Blaster, nakakainis.
The moment our food arrived, my friends tried their best to avoid anything related to Blaster or even Meg. Kaso hindi rin namin naiwasan dahil nga kailangan din naming magplano para sa upcoming gig ng IV OF SPADES na pupuntahan namin.
"Makakasama pa kaya si Meg?" malungkot na tanong ni Andrea. Napa-buntonghininga na lang ako.
"Baka kailangan pa niya ng space," I uttered. Inirapan naman ako ni Andrea habang naglalagay ng ketchup sa tissue.
"Cass, ikaw nasaktan dito. Bakit siya ang may kailangan ng space? Given naman na kasi na guilty siya, tsaka tama rin naman si Blaster, huwag mong pilitin ang ayaw. Siyempre mahihirapan din naman siguro siyang maki-fit in sa'tin dahil may nagawa siyang mali," Mika said at kumuha ng fries sa tray. I sighed for the nth time at uminom na lang sa float ko.
Tama sila. Ang insensitive ko na rin siguro kung pipilitin ko si Meg na ayusin ang nangyari sa aming tatlo ni Dane. Kailangan din siguro naming makahinga. In any way, the wounds are still fresh for me. Siguro ayaw ko lang talagang masira nang gano'n-gano'n na lang ang friendship namin.
Siguro nga, kailangan lang namin munang huminga. Bigyan ng space ang isa't-isa.
Napangiti na lang ako.
**
Alas-sais na nang gabi nang mapagpasyahan naming umalis na ng McDo. Dumaan muna kami sa National Book Store na malapit sa kinainan namin, after ng ilang minuto ay nagpaalam na silang lahat. Nagpaiwan muna ako dahil may kinailangan pa akong bilhin na mga gamit.Pagkatapos kong mamili ng gamit ay dumiretso ako sa grocery store. Babalik na rin kasi ako sa condo ko, siguro bukas o sa susunod na araw. Hindi naman sa naiilang ako sa presence ni mama, okay nga rin dahil kasama ko si Ashton, pero siguro dahil nasanay na lang talaga ako na mag-isa. Hindi rin kasi ako makakapag-focus sa pag-aaral kung nando'n si Ashton dahil makulit din.
Nilibot ko lang ang buong grocery store hanggang sa makuha ko na lahat ng dapat kong bilhin, gumawa na rin kasi ako ng listahan bago ako pumasok kanina. Medyo mahaba ang pila kaya naghintay pa'ko ng ilang minuto, habang naghihintay ay kinuha ko ang cellphone at earphones ko at nagpatugtog ng kanta ng IV OF SPADES.
Tanong ako nang tanong noon kung ano'ng nagustuhan nila sa IV OF SPADES, without even trying to listen to their songs. Pakiramdam ko kasi, ang pangit kapag nakikisabay ka sa mainstream o sa uso, para mo na ring sinabing lagi kang nakiki-bandwagon.
Pero tama rin 'yung iba, depende iyan sa nauuso. May mga nauusong hindi dapat talaga mauso, pero may mga nauuso rin na deserve talagang mabigyan ng spotlight--katulad na nga lang ng IV OF SPADES. Maybe, may mga tao pa ring hindi talaga map-please ng apat through their music. One time nga may pinabasa sa'kin sila Aisha, below the belt na way of bashing ng ibang anti-fans, feeling mananalo sa argument, Ad Hominem lang naman panama nila.
After ilang minutes ay nabayaran ko na rin 'yung mga pinamili ko. Pumunta pa'ko saglit sa isang pop-up ice cream store at bumili, at saka ako dumiretso sa baggage counter para kunin ang mga gamit ko.
Nang makalabas na'ko ng grocery story ay nagulat ako dahil biglang umulan, "Anak ng," bulong ko habang pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan sa kalsada at ang unti-unti nitong pagkabasa. Malayo pa naman ang sakayan mula rito.
Napa-buntonghininga na lang ako. Hindi rin ako pwedeng tumakbo dahil lahat ng bitbit ko ay naka-paperbag. Pero wala rin namang choice.
"Bahala na nga," naiinis kong sambit. Tatakbo na sana ako pero bigla kong naramdamang may nagpatong sa'kin ng kung ano mang tela.
Ang bango, jusko.
"Masama magpaulan, may sugat pa iyang ulo mo," sambit niya. Pagkatingala ko ay ngumiti siya.
"Blaster."
BINABASA MO ANG
By Chance
أدب الهواةPUBLISHED UNDER KPub PH | Watty Awards 2020 Winner • Fanfiction THIS IS THE UNEDITED VERSION Cassandra never liked the idea of living-and just when she thought she was already on the edge of her life--he came. But how often do you meet soul mates b...