Tinitigan ko lang siya nang mabuti, almost wanting to slap and pinch myself para magising ako kung panaginip man ito.
He smiled. Dang it. Akala ko magsasalita pa siya, pero lumayo na siya at kinausap si Jillian.
So this is why they couldn't tell me who's the director! Pakiramdam ko tina-trap nila akong lahat dito! God, I even wished and hoped every night that the least I wanted to happen is meeting them at the most unexpected time!
And, how stupid am I to not realize that Unique's already one of the most well-known film makers here in the Philippines?
Gusto kong sapakin ang sarili ko.
"Hindi mo alam?" Napatingin naman ako kay Kirs at ngumiti kahit pilit. Natawa naman siya at tinapik ang balikat ko, "One week pa naman tayo do'n."
I sighed.
"I'm a filmmaker, this is work, I need to act professionally," I said, trying to convince myself kahit ang totoo, uwing-uwi na talaga ako. Kung pwede nga lang mag-teleport, ginawa ko na para lang makatakas.
For Pete's sake! This is even worse than nightmares!
Kirs smiled, "Huwag kang mag-alala, I assure you that Unique's professional in the workspace. He won't bother you," she said. "I've been working with him ever since I came here, and sobrang professional niya, so don't worry. Hindi mo mamamalayang tapos na ang buong duration ng filming dahil more on trabaho lang tayo."
I knew that what Kirs said are all true, pero hindi naman 'yun ang problema ko. I was more worried about myself—that I might breakdown any minute right now dahil alam kong kahit ilang taon na ang nakalipas, I can never erase the fact that I hurt Unique in any way possible, kahit hindi ko sinasadya. It was as if I was a walking pain-inducing pill para sa kaniya, kasi pakiramdam ko kahit ano'ng gawin ko, gagaguhin ko lang siya.
I can't do that to him anymore—hurt him. I can't deny that when I looked through his eyes, pain registered, almost wanting to ask me why of all people, ako pa 'yung nanakit sa kaniya when all he ever did is to love and protect me?
Maybe... that's the reason why you can't love someone too much.
Kaya kahit ako napapatanong na lang sa sarili ko. After all these years, bakit hindi na lang si Unique?
Bakit siya pa rin?
Funny how unfair our hearts can be, na kahit masakit na, isang tao pa rin ang pipiliin mo. Funny how you can't really teach your heart to love someone else kahit sila 'yung nandiyan para sa'yo.
It's funny how your heart can be so unfair—kaya pati ikaw nagiging unfair na rin.
Life sucks, so much.
"Guys! Tara na sabi ni Unique!" Jillian announced kaya kinuha na namin 'yung mga gamit namin at sumakay na sa van. Magkatabi sana kami ni Kirs pero nagulat ito nang bigla siyang hilahin ni Jillian—ang ending tuloy, kami ang nagkatabi ni Unique.
Pusanggala naman, oo. Bakit ba ayaw mag-conspire ng universe sa mga gusto ko!?
Napatingin siya sa'kin, just when I wished on every nature gods na sana magpaka-silent type na lang siya—he smiled.
For Pete's sake, gusto ko na siyang batukan.
"Upo na," sambit niya. "Nahihiya ka pa." Halos gusto ko nang tumakbo papalayo nang gatungan naman nila ng asaran. They all probably know what happened, lalo't matagal na ring sikat si Unique.
Kahit nahihiya ako, umupo na lang ako sa tabi niya, making sure there's at least an inch between the both of us para naman makapante ako nang kaunti.
God. Help. Me.
"Gumalaw ka naman, baka isipin nila rito may kasama kaming bangkay." Sinamaan ko ng tingin si Unique. Nginitian niya lang ako.
Okay, ano'ng nangyayari?
Sa sobrang pagkairita ko kay Unique, nilabas ko na lang 'yung earphones ko at nakinig ng music, some classical music to calm my nerves. Just when I thought hindi ako papansinin ni Unique, magpapaka-silent type at susungitin ako—iba ang nangyari. It was the other way around.
Naalimpungatan ako dahil bigla kong naramdaman 'yung sakit ng leeg ko, saka ko lang din na-realize na nakatulog na pala ako nang hindi ko namamalayan. Ipipikit ko pa sana ulit ang mga mata ko, pero--
Lord, pwede mo na po akong kunin ngayon. As in, now na.
Agad akong napaupo mula sa pagkakasandal sa balikat ni Unique. Tulog na tulog ito, sobrang peaceful ng mukha niya at hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na titigan siya.
Napa-buntonghininga ako. Nasa labas pala 'yung iba naming mga kasama para kumain, akmang lalabas na sana ako pero nabigla ako nang bigla niyang hawakan nang mahigpit ang kamay ko dahilan para mapalingon ako sa kaniya.
"Iiwanan mo na naman ako," sambit niya, tinignan ko lamang siya pero nakapikit pa rin ang mga mata niya. "Ganiyan na lang ba lagi role ko, Cass?" He laughed, but I felt the bitterness on his tone. I didn't even know why, but tears just started to build up on the edges of my eyes.
Ito na lang talaga role ko buong buhay ko. Umiyak nang umiyak.
Sobrang pitiful ko na talaga.
"Huwag ka ngang umiyak," sambit niya at lumapit nang kaunti para punasan ang pisngi ko. "Nagbibiro lang ako, sineseryoso mo naman."
I didn't speak, but a sob escaped from my mouth. Napatakip ako ng mukha ko dahil ngayon na nga lang ulit kami nagkita ni Unique, iniiyakan ko na naman siya.
Some things just never change.
I was trying to find words to tell him, but he suddenly held my hand and pulled me towards him. The moment I felt his warmth made me calm seconds later. Until now, I find it funny, that I long for someone else but his company just makes me feel sane and safe.
Na parang kapag nandiyan siya sa tabi ko, hindi ako masasaktan--he'd be ready to take all the knives just as long as I'm safe.
"Ano, okay ka na?"
I broke the embrace and smiled at him, "You're still the same, huh."
Ngumiti naman siya, "Hindi naman ako nagbago, Cass," sambit niya. "Kaya nga hanggang ngayon ikaw pa rin ang hinihintay ko kahit dapat, hindi na." Napa-buntonghininga siya, tumingin sa labas habang pinapanood ang mga puno na gumalaw kasabay ng pag-ihip ng hangin.
"Hanggang ngayon, ikaw pa rin. Limang taon na 'di ba? Pero, bakit hindi ako makalimot? Ang hirap, sobrang hirap. Hindi mo naman ako tinaas, pero ako 'yung asa nang asa, na sana balang-araw bigyan mo rin ako ng pagkakataon. Napapagod na'ko pero parang ayaw kong tumigil. Ayaw kong tumigil," sambit niya. "Kahit sobrang sakit na."
Napayuko ako, sinusubukang maghanap ng mga salitang pwedeng bigkasin, pero wala pa rin akong mahanap ni isa. Gusto kong pagaanin ang loob niya, pero hindi ko rin alam kung paano.
Hindi ko naman ginusto ang lahat ng ito.
Napatingin sa'kin si Unique. Madilim sa loob ng sasakyan pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Hanggang ngayon hahayaan pa rin kitang habulin kung saan ka sasaya," sambit niya. "Dito na'ko sumusuko. Dito na kita isusuko, kasi pagod na pagod na ako."
BINABASA MO ANG
By Chance
FanfictionPUBLISHED UNDER KPub PH | Watty Awards 2020 Winner • Fanfiction THIS IS THE UNEDITED VERSION Cassandra never liked the idea of living-and just when she thought she was already on the edge of her life--he came. But how often do you meet soul mates b...