Hi! I just want to ask a small favor, vote for the chapter and comment your reactions if you don't mind hahaha. I wanna hear what you think about the story :)
Thanks! Now on with 29.
New cover pala! Thanks IVOL 💓
—
The whole day just tired me out. Sobrang nakakapagod umiyak. I realized, your choices, no matter how you think na it's for the best, at the end of the day, masasaktan ka pa rin.
Kasi pakiramdam mo nagkamali ka. Kasi pakiramdam mo dapat 'yung isa na lang 'yung pinili mo.
I keep on thinking, who gave me the rights to cry over someone I rejected, and then hurt somebody else? I chose this, but screw that, why are we hurting?
Why are we all hurting?
Kung pinili ko bang mag-stay na lang at i-endure ang lahat, magiging okay na ba? Will everyone have their happy endings?
Will I not hurt Unique in any possible way?
It hurt me. Seeing him walk away, shoulders down, still whimpering. Gustong-gusto ko siyang yakapin at humingi ng sorry, pero ito na naman ako, gumagawa na naman ng desisyon na baka pagsisihan ko ulit.
Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang saktan siya. I could never afford being with him and still think about Blaster. Kung kumusta na siya, kung okay lang ba siya, kung may pag-asa pa ba.
Sobrang unfair naman no'n.
He's had enough fair share of the pain.
Nagpaikot-ikot ako sa kama ko, pero hindi pa rin ako makatulog. 10 pa lang naman ng gabi, pero ipinangako ko sa sarili ko kahapon na matutulog na ako nang maaga para naman mabawasan na rin 'yung eyebags ko. Nagsusulputan na rin kasi 'yung pimples ko sa mukha kakapuyat, at dahil na rin sa stress.
No'ng hindi na talaga ako makatulog, I decided to come down para uminom ng gatas. Nagulat ako kasi may kausap si mama sa may living room kaya medyo bumaba ako para makita kung sino.
Nanlaki ang mga mata ko kaya nagtago ako nang kaunti para hindi nila ako makita.
"D-dad..."
I was never a fan of eavesdropping dahil alam ko namang kawalan ng manners 'yun, but I just couldn't help but to listen to their conversation. Pakiramdam ko mas lalo lang akong hindi makakatulog kapag hindi ko narinig.
I'll just wonder over and over again.
"Isasama ko muna si Cassandra sa London. She needs space to breathe, masyado pang bata 'yung anak natin para masaktan nang gano'n," sabi ni Dad, dahilan para manlaki ang mga mata ko. Narinig ko pang napa-buntonghininga siya. "I don't want my only princess getting hurt. I may not be able to shower her with love because I let her become independent, pero ayaw ko namang makitang gano'n siya. She deserves more than that."
I bit my lower lip.
It felt nice. Hearing those words from dad. Hindi ko na napigilang mapaiyak.
Just when I thought hindi niya ako mahal.
Tinignan ko lang sila. Hinawakan naman ni mama ang kamay ni dad, hindi ko maaninag ang mukha ni mama dahil nakatalikod siya sa'kin pero pakiramdam ko ngumiti siya, dahil ngumiti rin nang bahagya si papa.
"Do whatever you can, mahal," sabi ni mama. "Ayaw ko na ring nasasaktan si Cass. I may not be her mom, pero anak na rin ang turing ko sa kaniya. Lalo na't ngayon nagiging close na kami. I can't stand seeing her bear the pain, and I can't even do anything to ease it. Masakit." Narinig ko ang mahinang paghikbi ni mama. Napatayo naman si papa at niyakap nang mahigpit si mama.
BINABASA MO ANG
By Chance
FanfictionPUBLISHED UNDER KPub PH | Watty Awards 2020 Winner • Fanfiction THIS IS THE UNEDITED VERSION Cassandra never liked the idea of living-and just when she thought she was already on the edge of her life--he came. But how often do you meet soul mates b...