Chapter Forty Four

2.2K 108 9
                                    

How can you be not unfair to somebody else?

I sighed, trying to focus on the manuscript I was writing for our last requirement for our second semester. Pero, kahit ano'ng focus ko, I still can't seem to find the proper words for the dialogues. Para akong nangangapa kahit na sobrang dali lang naman gumawa para sa akin ng mga manuscripts. Our past scripts were finished in just one sitting, tapos ngayon, para akong ewan na nangangapa.

Napasandal na lang ako sa upuan ko matapos kong shinut-down 'yung laptop ko. The more na pigain ko 'yung sarili ko, wala rin akong mahanap. Baka pangit lang din ang kalabasan kung pipilitin ko lang ang sarili ko na magsulat kahit hindi ko naman na talaga kaya. I checked my phone for new messages, and there were none. Unique's probably tired already, or writing his songs, or cleaning his camera's lenses.

I chewed on my lower lip and stood up from the chair. Lumabas muna ako sa terrace ng kuwarto ko at pinagmasdan lang ang buong paligid, naghahanap ng pwedeng inspirasyon sa pagsusulat.

I was busy admiring the city's beauty, pero biglang nag-vibrate ang phone ko. I immediately fished it from my pocket, and a smile was automatically drawn on my lips upon seeing Unique's name.

I won't deny. He'll always be my breathe of fresh air, lalo na tuwing sobrang nasu-suffocate ako sa realidad. Pakiramdam ko siya 'yung escape ko, I'll just feel safe somehow whenever I'm with him.

"Tapos mo na script ninyo?" I frowned.

"Hindi pa," sambit ko. "May dalawang araw pa naman ako, kaso nga lang, I really want to show the script by tomorrow already para makapag-conceptualize na rin kami."

Unique sighed, "Huwag mo pagurin sarili mo, pahinga ka na lang muna. Tulungan kita bukas, ayos ba?"

Napangiti naman ako sa sinabi ni Unique, "Thank you! The best ka talaga."

Natawa naman siya, "I love you."

Ngumiti lang ako at nagpaalam na. Habang pinagmamasdan ko ang paligid, inatake ako ng konsensya. I never told Unique that I love him, pero alam ko naman sa sarili ko na natutunan ko na rin siyang mahalin. I won't last a day without him, he's always been my happy pill, the one who calms my soul.

Pero hindi ko rin alam kung bakit—kung bakit hindi ko mapigilang atakihin ng konsensya. Okay lang naman kami, alam ko 'yun—I can't leave Unique, but this whole thing just keeps on bothering me over and over again.

Napa-buntonghininga ako, napayakap sa sarili dahil biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin.

If I'm being unfair for the sake of being happy, should I just give him up?

I chewed on my lower lip.

I can't.

***

I only slept for two hours. Although I felt nauseous, pumasok pa rin ako. It was my fault, anyway, hindi rin kasi ako makatulog. I tried to continue the script, pero wala rin akong maidugtong sa lines nila, nagbilang na ako ng mga tupa pero hindi pa rin ako inantok. Tapos ngayon, gusto ko pang matulog.

Ang ending ko tuloy sa cafeteria pagkarating na pagkarating sa school at bumili ng 2 can ng cold coffee. Para tuloy dextrose ko na ang kape, lagi na lang akong nagkakape. Sobrang unhealthy na, to be honest.

Habang umiinom ako ng kape mag-isa, biglang dumating si Kirs at umupo sa may harapan ko at biglang kinuha ang lata ng kape na hawak-hawak ko, "Acidic ka," sambit niya, natawa naman ako nang kaunti. 

"Two hours lang ako natulog."

Napailing naman si Kirs, "Matulog ka na lang muna, alam ko namang nagpuyat ka dahil sa script. First subject's vacant, don't worry. Samahan kita sa clinic, okay?" I sighed in defeat at pumayag na lang sa sinabi ni Kirs. Pagkarating namin ng clinic, pinayagan naman agad akong magpahinga dahil masakit na rin ang ulo ko kapupuyat. Babalik naman daw si Kirs kapag magse-second period na. 

I tried to sleep. Pinikit ko lang ang mga mata ko, pero kahit ano'ng gawin ko, dinadalaw pa rin ako ng kung anu-anong thoughts, ginugulo ako nang paulit-ulit. The past few months, okay lang naman ako. I even almost forgot about Blaster because Unique was always there to occupy my thoughts. I never felt alone because he always made me feel that I'm not. 

I knew I was happy. But then again, hindi ko alam kung bakit biglang nagbago lahat para sa'kin.

Ayaw kong maging unfair. Paulit-ulit ko nang sinabi sa sarili ko, pero parang niloloko ko na lang sarili kahit ulit-ulitin ko pa 'yun nang ilang beses. 

Alam kong nagiging unfair na'ko, pero hindi ko talaga kayang iwanan si Unique. I can't hurt him again. 

***

Inis na inis ako kay Kirs dahil lunch time na rin niya akong ginising, pero naintindihan ko naman kung bakit. Ginigising niya raw ako kanina pero tulog na tulog ako, pati tuloy siya napilitang mag-absent sa next subjects namin. Nakonsensiya tuloy ako dahil medyo inaway ko pa siya bago siya nag-explain, kaya nilibre ko na lang siya ng lunch for peace offering.

Hay, naku. Me and my emotional outbursts. Iiwanan na yata ako ng lahat, pero nandiyan pa rin lagi 'yung pagiging emotional person ko, kaya siguro maraming naiinis na lang sa akin. 

Unique messaged me na sasamahan niya kaming dalawa ni Kirs sa lunch dahil free naman na siya. The past few days din kasi, may mga kumukuha na sa kaniya bilang photographer kaya minsan hindi na rin masyado nababakante ang schedule niya. 

Pagkarating niya, sumakay kaagad kami sa kotse. Nagpunta na lang kami sa pinakamalapit na restaurant from the art school na lagi rin naman naming kinakainan ni Unique. Habang nago-order si Unique (dahil alam naman na niya kung ano'ng gusto), I checked my phone for messages. Mostly galing sa mga kaibigan ko, 'yung iba kay mama. For a moment, I felt tranquil. Sila na lang talaga ang nagpapagaan ng pakiramdam ko.

Siguro kung mamamatay man ako, hihilingin ko na lang na sana sa next life ko, huwag na lang ako magmahal para hindi na'ko ganito ka-stressed sa buhay, or siguro huwag na lang ako ipanganak sa next life ko. Mas okay na rin siguro 'yun. 

"Okay ka lang, Cass?" Nagulat ako nang biglang nagsalita si Unique, tapos na pala silang maka-order ng pagkain. I forced a smile and told him that I'm okay, that I'm indeed alright. Pero, the more I lie, the more I can taste the bitterness of my words on my tongue. Pakiramdam ko, sa sobrang dalas kong magsinungaling tungkol sa kung ano'ng nararamdaman ko, qualified na rin akong masunog pag papasok ng church. 

To be honest, nakakapagod na ring magsinungaling, pero ayaw ko namang idamay sila sa gulo ng pag-iisip ko. Alam ko namang mas magiging maayos ang lahat kung iiwanan ko na lang si Unique at sabihin kung ano'ng totoong nararamdaman ko, pero hindi ko kaya.

Hindi ko pa kaya.

I've seen him cry in front of me, worse, beg. I've seen those sides of him, and I can't bear to see him cry again just because he wants me to stay.

Mahal ko naman si Unique.

Pero, hindi ko kayang i-deny.

Mas mahal ko pa rin si Blaster.

But maybe... maybe I should just accept that this is our fate.

Na hindi talaga kami para sa isa't-isa.

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon