Chapter Forty Two

2.3K 126 7
                                    

I included profanity, and sobrang awkward 'yun for me, pakiramdam ko i'm committing a serious crime HAHAHAHA. Pero i needed to stick with the attitude of my characters. :(( *pats back*

--

He was sleeping peacefully.

I wanted to hug him, apologize for not seeing his worth as much as I see Blaster's, pero kahit ano'ng pilit kong sabihin na sana si Unique na lang 'yung minahal ko nang ganito, I still long for Blaster. His warmth. His scent. His addicting laughter.

Lahat yata.

I just keep on wondering, what if we didn't meet at the wrongest time available in our lives? Magiging okay kaya? Will we be happy?

Or what if I never met him? Or what if, he never saved me?

What if I died?

I sighed, trying to look for the right answers but it seemed like I couldn't find, even just one to answer my confusions. Tapos, nakakapagod pang mag-isip nang paulit-ulit.

Siguro kailangan ko na lang harapin 'yung katotohanang hanggang doon lang talaga kami ni Blaster.

Hinayaan ko lang matulog si Unique dahil ang alam ko nag-practice siya sa pagkuha ng litrato buong magdamag, dahil bukas daw kailangan niyang mag-focus sa album niya. I couldn't help but to smile habang pinagmamasdan ko siyang matulog nang mahimbing. Sobrang peaceful ng mukha niya, and I still couldn't fathom the fact that I just keep on hurting this man who never got tired of sticking with my whims.

For the nth time, I sighed.

Kung sana pwede lang turuang ang puso na iba na lang ang mahalin, matagal ko nang ginawa. Kaso hindi. You can't just forget about the feelings, lalo na kung 'yung taong 'yun sobrang daming binigay sa'yo na memories.

Blaster may have hurt me. But the memories he gave me will forever be etched in my heart.

Kahit panandalian lang.

Alam kong naging masaya ako. Sobra. Siguro 'yun na nga rin ang dahilan kung bakit sobrang dami kong isinakripisyo para lang salbahin 'yung sa amin. Lunod na lunod na ako pero sinusubukan ko pa ring lumangoy kahit nakakapagod, kahit alam kong wala nang patutunguhan.

Gano'n ko siya kamahal.

Tatayo pa lang sana ako dahil nangagalay na ang mga paa ko, pero nagulat ako nang biglang hawakan ni Unique ang braso ko. Unti-unti siyang dumilat at ngumiti.

"Tapos ka nang titigan ako?" Pakiramdam ko nayanig ang buong pagkatao ko sa sinabi niya. Natawa naman siya at napaupo sa tabi ko. "Kala mo 'di ko alam?" natatawang sambit niya. Napahawak naman ako sa kaliwang pisngi ko dahil pakiramdam ko namumula.

Napa-buntonghininga naman si Unique at kinurot ang kanang pisngi ko bago tumayo at nag-inat, "Ang hirap tsaka ang sakit, pero alam ko namang kahit ako ang kasama mo, siya pa rin ang nasa isip mo." Lumingon naman sa akin si Unique at ngumiti kahit pilit, "Sana naman kahit ngayon lang, ako naman ang isipin mo kasi napapagod na rin ako kahahabol. Sobrang taas mo kasi, hindi kita maabot. Sana naman magpaabot ka na, Cass. Kasi hindi ko na rin alam kung saan ako pupunta, kung ano'ng gagawin, kung ano'ng pwedeng sabihin. Tangina, binabaliw mo ako."

***

We stayed silent for a couple of hours, watching the sun set in front of us. Minsan napapatingin ako sa kaniya. I wanted to talk, burst the silent bubble the keeps on embracing the both of us, pero hindi rin ako makahanap ng tamang salita para man lang pagaanin ang loob niya.

I just wanted him to be happy, pero bakit hindi ko kayang pasayahin siya?

Ako ba 'yung counterpart ni Midas? Why do I keep on hurting people every time I get close to them?

I don't turn them into gold, but I keep on wrecking them emotionally--as much as I wreck myself every time I realize that, maybe, Blaster and I aren't really meant to be.

I sighed, again, almost bearing all of the disappointments I've always had ever since.

Nakatitig lang ako sa langit habang papalubog ang araw at nakayakap sa mga tuhod ko. Sobrang hirap mag-contemplate ng mga pangyayari sa buhay, lalo na kung araw-araw mong ginagawa 'yun. Tapos laging ang endgame—sobrang worthless mo pala talagang tao, at parang hindi mo deserve ang mundo.

I could even care less about what I was feeling because I just keep on hurting people around me because of my mistakes.

"Nakakapagod pala talaga," Unique said, suddenly bursting the silent bubble that embraced us for hours. "Habol ka nang habol kahit hindi naman nagpapahabol 'yung tao, kahit 'di ka rin taya, kahit wala naman talagang laro para sumugal, pero bakit pinipilit ko pa rin sumugal?" Natawa naman siya, dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Nakayuko lang siya, nakatingin sa mga sapatos niya. Parang nag-iisip nang malalim, naghahanap ng pupwedeng sabihin.

Gusto ko siyang yakapin, pero hindi 'ko magawa. Para kasing the more na lumapit ako sa kaniya, mas lalo ko lang ini-increase 'yung rate of pain.

I want him to be happy.

Pero, hindi ko alam kung paano. Kung ano'ng pwedeng gawin. I don't even believe that it's true tuwing sinasabi niyang okay lang sa kaniya lahat basta kasama niya ako, because honestly, screw that.

How can he be happy with me, when every time I'm with him, it pains him more?

How can he be happy with me, when every time I'm with him, he keeps on realizing how unfair this world can be? Na kahit mahalin mo na siya nang sobra pa sa sobra, kahit ano'ng gawin mo, hindi pa rin ikaw 'yung bida.

Pareho lang kami ng sitwasyon. Pareho kaming hindi bida sa kuwento ng mga mahal namin. Nakakatawa.

Isn't it crazy enough to hate destiny? It just keeps on screwing people up over and over again.

Because you don't expect two broken people to heal each other just because they're fragile, almost at the verge of falling and breaking apart.

It's either they break each other together, or break yourself while the other one heals. Sobrang nakakapagod na rin kasing isipin at maniwala sa sabi-sabi na ideal daw kapag ang pinagtagpo ay parehong sugatan dahil naiintindihan nila ang isa't-isa.

Because, no, it doesn't really work out like that. Maybe you understand the person, but it's hard to find ways to heal them while you're still seeking for it, yourself.

Ayaw kong maging selfish, pero mas magiging selfish ako kapag hinayaan ko si Unique na hanapin sa'kin 'yung happiness na hinahanap niya dahil wala sa'kin 'yun.

I'm an empty person. Too empty because I gave too much, that I left myself with nothing but self pity.

I scoffed at myself for being such a lame ass lady, not realizing na umiiyak na naman pala ako. I wiped my tears away and hugged my knees again, hoping Unique won't notice.

But he did. He always does, anyway.

"May araw ba na hindi kita nakitang umiyak?" sambit niya at naglabas ng panyo para punasan ang pisngi ko. Natawa naman ako at pabirong tinulak siya.

"Huwag nga," sambit ko. "Naaawa lang ako sa sarili ko."

Napa-buntonghininga naman si Unique. Halos sabay na rin kami.

Right now, screw my beliefs. Screw what I think is right and wrong, screw everything to the pits of hell.

"Unique," tawag ko sa kaniya, lumingon naman siya, naghihintay ng sasabihin ko, rinig na rinig ang tibok ng puso niya habang nakatitig lang sa mga mata ko. Napangiti naman ako at tumitig na lang muli sa kalangitan, nagdidilim na rin.

Napatingin ulit ako sa kaniya. Ngumiti.

"Ayos lang naman siguro kung susugal ako 'no?" sambit ko. Napakunot naman ang noo niya, parang hindi naintindihan ang mga sinabi ko. Natawa naman ako at tumayo na, pinagpag ang suot-suot kong pantalon.

Wala naman sigurong mawawala kung susubukang sumugal.

Gusto ko naman ding maging masaya kahit panandalian.

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon