Chapter Six

6.3K 229 31
                                    

"Tara?" nakangiti nitong sambit, hindi pa ako nakakapagsalita, ay bigla na lang niya akong hinigit at inakbayan nang mahigpit. "Pagkabilang ko ng tatlo, takbo tayo... tatlo!" natatawang sigaw niya. Pakiramdam ko ay kusang tumakbo ang mga paa ko kasabay ng pagtakbo niya habang nakaakbay pa rin sa akin.

Hindi na ako magtataka kung may mag-leak na photos dahil ang dami ring tao sa paligid namin.

Ilang minuto rin yata kaming tumatakbo papunta sa kung saan. He was just leading me somewhere, and I let him. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay hindi na ako naiinis sa kaniya... slight na lang, siguro.

Ilang saglit pa ay bumagal din siya sa pagtakbo kaya binagalan ko na rin ang pagtakbo ko. Naglalakad na lang kami ngayon hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang itim na kotse. Mabilis naman niyang binuksan ang harapang pintuan at tinulungan akong pumasok para hindi na rin ako masyadong mabasa.

Bigla tuloy akong nahiya. Tinamaan ng konsensiya.

Basang-basa si Blaster, at halata ko pang medyo nanginginig na rin siya sa lamig. Samantalang ako ay halos hindi ako nabasa, pati na rin 'yung mga bitbit-bitbit kong paperbags. 'Yung palda at sapatos ko basang-basa, pero it's still nothing compared to Blaster. Pakiramdam ko nga ay siniguro niya talagang hindi ako mabasa, ni hindi na nga niya tinakpan man lang ang likod niya gamit ang jacket niya, ipinanangga niya sa akin lahat.

Napa-buntonghininga ako.

Hindi muna kami umalis dahil nagpalit siya ng t-shirt, pagkatapos niya magpalit ay binuksan niya ang aircon. Natawa ako nang pagkuskusin niya ang mga palad niya dahil sa lamig.

"Ba't mo ba kasi ginawa 'yun?" natatawang tanong ko.

Nangiti naman si Blaster habang nagma-maneuver, "Ayaw ko makakita ng basang sisiw," sambit niya. Napairap naman ako. "Cute ka na nga magpapaka-cute ka pa lalo pag nabasa."

"Ha?" Natawa naman siya at napailing. Tinanon na lang niya 'yung directions papunta sa bahay namin. Pinaandar na niya ang kotse at nagpatugtog ng radyo, sakto naman, Mundo ang tumugtog.

"Iyan favorite kong kanta ninyo," nakangiti kong sambit.

"Bakit?"

Nagkibit-balikat ako, "Ewan," sagot ko. "Siguro dahil ramdam ko 'yung lyrics. Kasi kahit masakit magmahal, hihintayin mo 'yung tao? Pag bumalik, mananatili na'ko sa'yo. Gano'n."

Natawa naman si Blaster, "Sa'kin?"

Napairap naman ako, "For example lang," sagot ko. Napangiti na lang siya at hindi na lang umimik. Biglang naging awkward ang paligid, the song was just playing at the background. Napatingin na lang ako sa labas, pakiramdam ko tuloy nasa music video ako ng Mundo.

Medyo traffic dahil umuulan nga, pero nakarating din naman kami kaagad. Umuulan pa rin pero mahina naman na. Biglang bumaba si Blaster, bitbit-bitbit ang jacket niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at ngumiti, "Tara."

Pakiramdam ko tinablan na'ko ng hiya pero wala na rin akong nagawa. Kinuha ko na 'yung mga paper bags na bitbit ko, inakbayan naman ako ni Blaster pagkababa.

Pero bago pa man kami makalayo ng kotse ni Blaster bigla kong na-realize.

Lutang ba si Blaster?

May payong naman siya, a?

**

Wala si mama dahil nasa trabaho pa rin, si Ashton nasa school. Kumuha muna ako ng ilang damit ni papa papa para ipahiram kay Blaster, sakto lang naman sa kaniya mga damit ni papa.

"Ikaw lang mag-isa dito? Ang laki ng bahay ninyo," sambit niya pagkapalit ng damit. Natawa naman ako habang nagtitimpla ng kape.

"Wala pa si mama, nasa work pa. 'Yung kapatid ko nasa school," sagot ko naman. "Do you drink coffee?" Tumango naman ito kaya inabot ko na sa kaniya 'yung isang tasa ng kape. Saglit lang siyang nag-stay dahil inubos niya 'yung kape saka siya umalis, sakto naman pagkaalis niya ay dumating si mama kasama si Ashton. Tumakbo kaagad si Ashton paakyat para magpalit. Medyo malaki na rin si Ashton pero minsan binubuhat pa rin ni mama.

Nasa kusina ako kaya dito siya dumiretso. Pakiramdam ko tuloy iintrigahin niya ako.

"Ay, bakit nandito si Blaster kanina?"

Natawa ako, "Mama it's not what you think."

Nangiti naman siya, "Sus, nagtatanong lang naman ako Cass," sagot niya at natawa. "Imposible namang may something dahil kakakilala mo pa lang sa kaniya. Naku."

"Yes ma, don't worry," I said and took a sip from my cup of coffee. Ngumiti siya at nagpaalam na papaakyat dahil magpapalit pa siya. Maybe, continue some of her paperworks. Pagkaubos ko ng kape ay umakyat na rin ako papunta sa kuwarto ko para magbihis. Kailangan ko pa rin kasing magbasa no'ng mga binigay sa'king notes ng professors ko.

Pero imbis na magbasa ako ay napatambay ako sa Twitter—I was right, may pictures na nga kami ni Blaster all over the platform.

Napa-buntonghininga ako.

Blaster, gusto mo ba talaga ng gulo?

Napatampal ako sa noo ko, I'm sure hindi niya gustong magkaroon ng ganito. Maybe, alam niyang may mangyayaring ganito, pero he chose to help me.

Hindi niya kasalanan. Wala siyang kasalanan.

I sighed habang tinitignan ang mga posts ng mga fans.

@mokmokakx: Omygosh! May girlfriend na si Blaster!!!!
@iluvspeyds: jusq jusq nagkakagulo Twitter world dahil kay @Bsilonga at @_cssxdwn
@ivofbangag: new parents 😭❤️

Ang daming nagme-message sa'kin sa Twitter, hindi ko na lang pinansin at binuksan na lang ang Messenger ko. Buti na lang puro messages lang nila Aisha ang nando'n.

aisha qt: huy jusq bakit may pa-gano'n na kayo ni Blaster!?
cassava cake: coincidence ;(
rinoah's ark: chosera
tita daph: destiny yan

Pakiramdam ko gisang-gisa ako sa group chat namin kaya in the end nakwento ko na lang kung ano'ng nangyari. Hindi ko naman alam kung bakit kininilig sila, samantalang ako naiinis naman na natatawa—ay oo nga pala, hindi ko dinagdag 'yung fact na lutang si Blaster at nakalimutan niyang may payong siya sa kotse niya.

Nag-usap pa kami saglit bago ako nagpaalam. Okay naman na 'yung plano namin para sa gig ng IV OF SPADES sa Sabado—wala nga lang si Meg, si Dane. Hindi kami kumpleto.

Napa-buntonghininga na lang ako at kinuha na ang mga notes na binigay sa'kin ng professors ko.

Maaayos din 'to.

Sana.

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon