Chapter Eight

5.3K 216 20
                                    

"Teka!" pagrereklamo ko habang patuloy na sinusubukang kumalas sa pagkakahawak niya sa kamay ko. "Teka, Blaster! Teka nga!" Pakiramdam ko tuloy nabunutan ako ng tinik no'ng huminto siya sa paglalakad, saka ko lang din napansin na nasa backstage na kami—sa harapan nila Zild at kuya Badjao.

It saddens me, though. Biglang nag-MIA si Unique tapos after that—aalis na pala siya, ni hindi man lang kami naging close.

Napalunok ako.

"Kayo na?" natatawang tanong ni Zild. Napangiti naman si Blaster.

What games are you playing, Blaster?

"Nagjo-joke ka Zild?" tanong ko. "Blaster? Ako? Kami? Not gonna happen."

Natawa naman sila, "May mahina rito," bulong ni Kuya Badjao, but enough for us to hear it. Napairap ako.

"Guys! Kayo na in a minute!" sambit ni ate Bel at lumapit sa amin. "Oh! Hello, you must be Cassandra!" Tumango naman ako at ngumiti. Ngumiti rin siya sa'kin, pero napatingin sa ibaba, at balik sa akin ulit.

Saka ko lang napansin, magkahawak pa rin ang kamay namin ni Blaster.

"Oh!" natatawa kong reaksyon at agad na binitiwan ang kamay ni Blaster. Ate Bel looked at us with a meaningful look, pakiramdam ko naja-judge na tuloy ang pagkatao ko. "A-ah, hinila po ako ni Blaster kanina..."

Natawa naman si ate Bel, "Don't worry, Cass and Blaster. This won't make it to the headlines, unless you want to be honest with us." She wiggled her eyebrows and smiled. "Biro lang."

Goodness, bakit napakahilig nila sa biro.

"Okay ka na rito? Mapapanood mo naman kami," Blaster said. "Supportive girlfriend."

Inirapan ko siya, "Look Blaster, I don't know kung ano'ng trip mo sa buhay, pero girlfriend? Ilang weeks palang ba kita kilala? Ni hindi mo nga ako nili—"

"Liligawan kita."

"Good—Teka, Blaster! Ano!?" impit kong sigaw nang hilahin na siya nila Zild patungo sa stage. Lumingon siya saglit sa akin at ngumiti.

"Mark my words, Cass," he mouthed.

What the hell, Blaster. What the hell.

Napairap na lang, pero no choice na rin. Lumapit ako sa puwesto ni ate Bel at nakita rin ang mga kaibigan ko. Naloka ako dahil may banner pa pala silang hawak, super supportive sila kila Blaster samantalang ako, gusto ko nang itakwil 'yung lalaking 'yun.

Nagsimula na silang tumugtog, at sobrang active ng mga fans, siyempre pati ako nakiki-cheer na rin. Hindi ko tuloy napigilan na ilabas ang phone ko at kuhanan ng video ang mga fans. Parang biglang naging langit na puno ng bituin ang buong crowd.

Natatawa tuloy ako, phone of spades.

Natahimik ang sigaw ng fans no'ng tinutugtog na nila ang Mundo, new version, new era. Hindi ko mapigilan na mapangiti at maramdaman 'yung kaunting lungkot kahit pa paano. Kahit bagong fan palang ako, 'di ko rin mapipigilan na maging affected, lalo na't close ako sa banda.

Napatingin ako sa crowd, there were no phones. Complete silence, some wiping their faces, some trying to suppress the tears coming out from their eyes.

How lucky are they to have this kind of fans? Despite of what happened, kahit may panahong nahati ang fandom nila, they still remained. To support. To be there for the three of them.

Hindi ko tuloy namalayan na umiiyak na rin ako.

I chuckled, natapos na rin ang kanta nang hindi ko nare-realize. Hahanapin ko palang sana 'yung panyo ko but Blaster was already beside me, handing me his handkerchief.

He showed me a faint smile.

"Thank you," I said. "Maybe I just got overwhelmed."

"All of us are," he said. "Zild can't even control his emotions and cried right at the stage," he chuckled.

"Sobrang swerte ninyo sa fans ninyo."

Blaster smiled, "Sobra," sambit nito. "Back then, akala namin mawawalan na sila ng tiwala, na hindi na nila tatangkilikin ang musika namin. But they all proved us wrong. They stayed with us in our battle, and I thank God for giving us these beautiful people."

Napangiti ako.

For the first time, I hugged Blaster.

And he hugged me back.

Maybe it's stupid, but I suddenly felt that connection again. That connection that only the both of us could understand.

After a minute, I broke the hug, looked at him and smiled, "You deserve that hug," I said.

Napangiti naman siya at pinitik ang noo ko, "Be proud, 'THE' Blaster Silonga hugged you back," he said and chuckled. I grinned.

"Go on, show me your weird sides."

He laughed, "You're  the only person that I'll be showing this side of me," sambit nito.

Inirapan ko na lang siya, "Go take a picture with your fans," I said and pushed him. Natawa na lang siya.

"Oh my God Cass." Gulat akong napalingon sa barkada ko. "Kayo na ba ni Blaster!?"

Tinakpan ko naman ang bibig ni Daphne at hinila sila papalapit sa akin, "Ang ingay ninyo!"

"Kayo na nga!?"

"Hindi pa!"

"Pa? E ano?!" Natigil ako. Holy crap.

"Nililigawan ko." Halos mabingi ako sa pintig ng puso ko nang maramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Blaster sa balikat ko. Napatili ang buong barkada ko, hindi naman ako makasagot. Bigla akong nawalan ng sasabihin, para akong na-pipi.

Mabilis ko namang tinabig ang kamay ni Blaster sa balikat ko, "A-ano, 'di ba may gift kayo sa kanila?" pag-iiba ko sa topic, tinignan lang nila ako na parang nang-iinis. Pakiramdam ko tuloy nangati 'yung kamay ko, ang sarap manuntok.

"Meron! Meron!" pagsalo sa akin ni Gabrielle. Sakto naman lumapit sa amin sila Zild kaya binigay na nila 'yung gifts nila sa kanilang tatlo. Nagpakuha ng picture and some videos.

Magpapaalam na sana sila pero sumabat ako kaagad, "Ano, guys. Sabay na raw tayo sa van nila."

"Nagjo-joke ka?"

Natawa naman si Zild, "No, she's not. I've been inviting you all a while ago, pero 'yun nga may van kayo kanina. Okay lang ba na sumabay na kayo ngayon?"

"Hala nakakahiya," Aisha said.

"Okay lang iyan," sambit naman ni Blaster.

Natawa naman si kuya Badjao, "Oo okay lang iyan, gusto raw kasi makasama ni Blaster 'tong si Cass." They all shoot me meaningful looks and smiled at me.

"Sige ba!"
"Game!"
"Tara!"

Natawa na lang ako. Good God, ano'ng nangyayari?

And, why am I feeling something weird towards Blaster tonight?

"Tara na?" pag-aya ni Blaster. I heaved a sigh and smiled.

"Sige."

This is going to be a long night.

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon