Chapter Two

12.4K 375 85
                                    

Ilang araw pa ang itinagal ko sa Hospital bago ako na-discharge. Monday na no'ng pinayagan na nila akong lumabas ng Hospital dahil okay naman na raw 'yung sugat ko sa ulo at hindi naman gano'n kalala, dumating na rin si mama para bayaran 'yung bills ko at ihatid ako sa bahay. Sabi kasi ni mama, mag-stay muna ako sa bahay para medyo mabantayan niya muna ako. Tsaka na lang ako bumalik sa condo ko pag medyo okay na talaga.

Mabait naman si mama, it's just that, I can't see myself being close to her. Siguro dahil na rin hindi ko rin masyadong ka-close 'yung totoo kong mother pati ng father ko. They let me grow up independently. Ni hindi nga ako kinumusta ni papa. Ewan ko nga ba, sa sobrang sanay ko na wala na 'yung presensiya nila at si mama na lang 'yung laging nandiyan, hindi ko na lang dinaramdam.

'Yun din siguro 'yung dahilan kung bakit pinatawad ko na lang si Meg. Sanay na sanay na kasi akong iwanan.

"Dahan-dahan lang," sambit ni mama at inalalayan ako sa paglalakad. Kalalabas lang namin ng ospital at pakiramdam ko ilang buwan akong nakulong do'n. Ang sarap talaga sa pakiramdam ng kalayaan.

Pagkasakay namin sa kotse ay inilagay muna ni mama 'yung bag ko sa likod bago pinaandar ang kotse. Kinuha ko naman 'yung cellphone ko at nagpatugtog ng kanta ng IV OF SPADES. Isasalpak ko pa lang sana 'yung earphones sa tainga ko pero biglang nagsalita si mama.

"Fan ka rin?" Napatingin naman ako sa kaniya at bahagyang ngumiti.

"Opo," sambit ko. "Matagal nang nire-recommend sa'kin ni Aisha pero ngayon ko lang din po pinakinggan. Ang gaganda pala ng songs nila," dagdag ko.

Napangiti naman si mama, "Pamangkin ko 'yung isa diyan." Nanlaki naman ang mata ko.

"Hala? 'Di nga po?"

Natawa naman siya, "Oo, si Zild. Ini-invite nga ako ng mama niya kasi may dinner sila mamaya. Gusto mong sumama?" Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, agad akong pumayag. Aba! Sinong fangirl ang hindi papayag? Oh God, ito na ba ang kabayaran sa pagiging mabait ko?

Pagkarating namin sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko. Hindi naman ako makasigaw dahil sa kilig kaya ni-ring ko na lang sila Aisha para makapag-videocall kami.

"Mamsh! Discharged ka na!?" natutuwang tanong ni Aisha. Tumango naman ako at ngumiti. "Pwede kang sumama sa gig ng IV OF SPADES sa Sabado?"

"Oo," sagot ko. "Sama natin si Meg ha?" Natigil naman sila saglit sa sinabi ko. Kung siguro hindi ako si Cass at kaibigan ko ang sarili ko ay minura ko na si Cass.

Pero hindi nila iyon ginawa.

Napangiti naman si Rinoa, "Hindi ko tatanungin ko okay ka lang. Alam naman naming masakit," sambit niya. "Pero sasabunutan ko talaga si Meg pag sinama niya si Dane."

Natawa ako, "Guys, matagal na tayong magka-kaibigan, I won't let that incident to ruin us. Mas importante pa rin sa'kin ang pagka-kaibigan natin. Tsaka, ano ba kayo. Mabait si Meg. I'm sure hindi niya rin ginusto ang nangyari."

Napangiti naman sila.

"Wait! Speaking of IV OF SPADES!" I exclaimed. "I'll be meeting them later!" Nagulat naman sila sa sinabi ko.

"Wala namang gig IVOS ngayon," Mikaela said. Natawa naman ako at kwinento kung bakit. Hindi naman nila napigilang kiligin.

"Grabe! Sama kami!" Carissa exclaimed. "Grabe ka! One call away ka lang pala kila Blaster, nakakaloka." Natawa ako.

"Act chill, hoy! Baka tumili ka do'n ha," Daphne said. Nag-thumbs up naman ako.

"Pa-video greet!" dagdag naman ni Lucy. Tumango na lang ako. May sinabi pa 'yung iba naming kasama na sina Vininyah at Gabrielle bago namin in-end ang call na tumagal din ng isang oras. Pagka-end ng call ay naligo na ako, pero iningatan kong huwag mabasa 'yung sugat ko sa ulo dahil daw baka makapasok ang bacteria. Pagkaligo ko ay nagbihis na agad ako, nagsuot lang ako ng kulay black na t-shirt na may sunflower at itinuck-in sa jeans atsaka nagsuot din ng itim na shoes. Gusto ko pa sanang mag-clouts kaso baka naman matawa na sila sa get-up ko at sabihan ako na ako na ang 5th member ng IV OF SPADES. Weird.

Pagkababa ko ay nakabihis na rin si mama, bitbit-bitbit 'yung kapatid ko. Lumapit ako sa kanila at pinisil nang bahagya ang pisngi ni Ashton.

"Okay ka na?" Tumango naman ako. Natawa naman si mama.

"Act chill lang, ha?" natatawang sambit ni mama. I pouted habang papalabas kami ng bahay.

Binuksan ko muna 'yung gate bago ako pumasok sa kotse. Mga kanta na lang ng Autotelic ang pinatugtog ko dahil baka magwala ang buong sistema ko kung kanta pa ng IV OF SPADES ang ipatugtog ko.

Twenty minutes ang naging oras ng biyahe namin bago kami nakarating sa Marikina. Sabi ni mama, simpleng gathering lang daw ang magaganap, parang thanksgiving dinner lang daw with the family. Hindi ko tuloy napigilan ang kaba sa dibdib ko pagkapasok namin sa bahay.

"Bunso!" Napangiti naman si mama at nakipag-beso-beso. "Ito na si Cass?" Tumango naman si mama.

"Mama ni Zild," bulong ni mama sa'kin. Pakiramdam ko ay nag-panic ako sa sinabi ni mama.

"A-ah... hello po! Ako po si Cass," sambit ko at nahihiyang nakipag-shake hands kay Tita. Sinabi na rin ni Tita ang name niya sa'kin bago kami ni-lead sa way papunta sa living room.

Halos hindi ako makapagsalita dahil--holy mother of Christ! Nando'n na sila Blaster at Zild na abalang nagp-phone.

Oh my God, Cass. Kalma lang.

"Iwan muna kita rito?" Napatingin naman ako kay mama.

"Mama..." Natawa naman si mama.

"Mabait yan si Zild," sambit ni mama. "Zild!" Agad namang napatingin si Zild kay mama.

"Ay, tita! Hello po," bati nito at lumapit para makipag-beso. Nahigit ko naman ang hininga ko nang maramdaman kong nagkalapit ang balat naman ni Zild.

Holy crap, bakit ang ganda niya!?

"Ito po si Cass?" Tumango naman si mama.

"Hindi makapagsalita kasi fan ninyo," natatawang sambit ni mama. Hindi ko tuloy alam, pero mahina kong napalo si mama sa balikat. Mas lalo tuloy siyang natawa. "Iwan ko muna siya sa inyo, ha? Tulungan ko lang 'yung mama mo sa pag-aayos." Tumango naman si Zild at iniwan na ako ni mama roon na nakatayo.

Ilang segundo lang akong nakatayo doon kaya naman natawa si Zild at hinila ako papaupo.

Strike two.

"Okay ka lang ba? Para kang aatakihin," natatawang sambit ni Zild. "Chill ka lang. Hinga ka nang malalim." Sinunod ko naman ang pinapagawa ni Zild hanggang sa naging maayos na ang pakiramdam ko.

"Sorry," sambit ko. "Ano kasi, bagong fan lang ako. 'Yung songs ninyo kasi pinapakinggan ko no'ng na-hospital ako." Napatingin naman sa'kin si Blaster.

And right at that moment, I felt a sudden connection. A sudden jolt. Which made me realize.

I've seen those eyes before.

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon