Chapter Fourteen

4.2K 159 11
                                    

After ng naganap, the following days, napaka-chill na naming lahat—lalo na kami ni Blaster. Hindi na kami namomroblema kung may nagshi-ship sa'ming mga fans dahil may mga sumasaway din naman sa kanila. Anyway, it's even better to start off as friends kaya we decided to just make it real—best friends.

Natawa tuloy ako no'ng sinabi niya sa'kin na okay lang if we'll start over again as best friends. Naalala ko kasi 'yung old and iconic tweet niya. Hinanap ko pa talaga 'yun and sent it to him via messenger.

It's like he just proved himself wrong, and proved himself right at the same time

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It's like he just proved himself wrong, and proved himself right at the same time. Wrong siguro dahil he's against the idea of having a 'boy best friend' tapos ngayon 'best friends' daw kami. Right, kasi we're not really best friends, just hiding with that so-called 'label' to protect our privacy—and, para wala rin masyadong commitment. Siguro.

Ang gulo, pero 'yun na 'yun.

"Miss Feliciano?" Papalabas na sana ako room kasama sila Andrea dahil health break na, pero nagulat naman ako nang bigla akong tawagin ng Pre-Calculus professor namin.

"Hintayin ninyo na lang ako sa labas," sambit ko kila Andrea kaya nag-paalam na sila sa prof. namin at dumiretso na sa labas para hintayin ako.

Akala ko naman may lackings pa rin ako sa Pre-Cal, pero naglabas siya ng papel at ballpen, "Crush ka kasi no'ng pamangkin ko, tapos IV OF SPADES fan din siya. Okay lang bang kumuha ng autograph? Dadalhin ko siya rito bukas! Pakuha kayo ng picture." Natawa tuloy ako pero pumirma na lang ako sa binigay niyang papel.

"Gusto ninyo po ipapirma ko kila Blaster? Pupunta po sila rito," sambit ko. Malayo naman kasi ang College building sa building namin pero simula nang magkakilala kami, lagi na silang dumadaan dito para sabay-sabay kaming kumain nang lunch. Ngayon naman normal school day para sa kina Zild at Blaster. Si Unique, hindi na raw pumasok, nag-drop out at hanggang ngayon wala pa rin silang balita tungkol sa kaniya.

Napangiti naman si prof, "Classmate niya si Zild so huwag ka nang mag-abala," natatawang sagot niya. "Crush ka lang daw no'ng pamangkin ko. Wala namang problema kay Blaster 'di ba?" Napalunok ako at napangiti nang bahagya.

"W-wala naman po," nakangiti kong sambit. Tumango naman na 'yung prof namin at kinuha na 'yung pinirmahan kong papel. Lumabas na ako at tinawag sila Andrea para pumunta na kami sa canteen, sakto namang nando'n sila Blaster.

"Ba't nandito kayo?" Natawa naman si Blaster at inakbayan ako.

"Bawal samahan ang best friend ko?" natatawa pa niyang sambit habang naglalakad kami. Inirapan ko na lang siya habang sinusubukang tanggalin ang pagkaka-akbay sa akin ni Blaster.

Napansin ko lang din, habang tumatagal na magkakasama kami, mas napapalapit si Rinoa kay Zild. Minsan ang weird na rin nilang tignan.

Pagkarating namin sa canteen, nando'n na rin 'yung iba naming barkada sa usual spot nila. Normal na rin naman sa school na nakakakita ng public figures kaya walang hype masyado tuwing nakikita sila Blaster. Siguro 'yung ibang mga fangirls nila, oo, pero habang tumatagal na nakikita nila sila lagi parang normal na lang.

"Alam mo bang aalis si Meg?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Carissa habang umo-order kami. Napalingon tuloy ako sa kaniya.

"Bakit?"

"Na-depress daw," sagot ni Carissa. Nang maka-order na kami ay kinuha na namin ang tray namin at naglakad nang sabay. "Kailangan niya ng treatment. Tsaka, pupunta raw ng States."

"Was she that affected?" malungkot kong sagot. Hindi ko naman alam na ganito ka-affected si Meg sa nangyari, hindi ko naman siya sinisisi.

"Guilty kamo," natatawang sambit ni Carissa. "Hayaan mo na 'yun. Her lost."

I sighed, "Kaibigan pa rin natin siya..."

Napairap naman si Carissa at tumigil sa paglalakad, tumingin sa akin at ngumiti nang bahagya, "Hindi lahat ng pinagkakatiwalaan mo, Cass, tapat sa'yo. Remember that."

**
The whole day I was just thinking about Meg. Ngayon na rin ang alis niya papuntang States.

"Okay ka lang?" tanong ni Rinoa habang nagsusulat ng notes sa Oral Communication. Napa-buntonghininga na lang ako at inilapag ang hawak-hawak kong ballpen. Kanina pa kasi ako nakatitig sa whiteboard pero wala pa rin akong naisusulat kahit isa. "Iniisip mo si Meg?"

Napatango ako, "I can't see the logic, Noa, e. Wala naman akong hatred against Meg, bakit kailangan niyang ma-guilty nang ganito?"

Napangiti naman si Noa at itinigil ang pagsusulat, "We have different types of defense mechanisms, Cass. Alam nating lahat na napakabait ni Meg, and all her life, she wanted everything to be perfect, to not stain her family's reputation. Buong buhay niya, she lived up to the expectations of her family. Kaya siguro na-guilty siya nang sobra, because her wrong move did stain her family's name," she said. "Maybe you just need to talk to her before she leaves."

Napangiti ako, "Thank you, Noa."

Pagkatapos ng klase lumabas agad ako ng room pagkaayos ko ng gamit ko. Sakto namang nando'n na rin Blaster kaya sabay na kaming lumabas ng Senior High School building papunta sa parking lot.

Habang nasa loob ako ng kotse, hindi ako mapakali. Tingin ako nang tingin sa relo ko, siguro nando'n na si Meg ngayon.

"Bakit?" tanong ni Blaster habang inii-start ang engine ng kotse. Napalingon naman ako sa kaniya.

"Pwede bang dumaan tayo sa NAIA?" Napangiti naman siya.

"You're really trying?"

"She's my best friend," I uttered. "I can't lose her."

"Then, your wish is my command, princess," he said and turned on the stereo. Leaves by Ben&Ben was playing on the background. Napangiti na lang ako.

Sana nga. All will be alright in time.

Kabang-kaba na ako dahil traffic sa halos lahat ng routes. Hindi pa naman departure nila Meg, pero baka kasi maraming tao sa airport at hindi namin siya kaagad mahanap. Nagulat na lang ako nang biglang hawakan ni Blaster ang kamay ko na kanina pa yata nanginginig. Napatingin na lang ako sa kaniya habang nakatingin siya sa daan.

"Don't worry, maaabutan mo siya," sambit niya at ngumiti nang bahagya. Unti-unti nawala 'yung kaba ko.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa NAIA. Hindi naman nagpapapasok sa loob kaya hinanap ko na lang si Meg sa pilahan. Naiyak na lang ako nang makita ko siya.

"Meg..." bulong ko at hinila siya papalapit. Halatang nagulat siya pagkakita sa akin, pero unti-unti ay napangiti, hanggang sa napaiyak na lang siya habang nakayakap kami sa isa't-isa. "I-ingat ka do'n ha?"

Kumalas sa yakap sa Meg at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, "I'm sorry, Cass," sambit niya. "Alam ko matagal mo na akong napatawad, pero hindi ko kasi mapatawad 'yung sarili ko. Remember that I am doing this for myself, to give myself peace, not because I blame you. Okay? Mahal na mahal kita, Cass."

Pinilit kong ngumiti kahit tuloy-tuloy pang sa pagtulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Sa huling saglit ay niyakap ako ni Meg bago sila pumasok sa loob.

"Don't forget to contact me ha!" paalala ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at nag-thumbs up bago tuluyang lumayo mula sa amin. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Blaster sa magkabilang balikat ko.

"Ang fulfilling lang, Blaster," sambit ko. "Okay na kami... okay na kami," dagdag ko at napaluha lalo. Naramdaman ko na lamang na niyakap ako ni Blaster habang pinapadausdos ang kamay niya sa buhok ko.

"Thank you," bulong ko. "For always being there."

Naramdaman ko namang napangiti siya. Wala na kaming pakialam kahit maraming tao sa paligid namin, 'yung iba kinukuhanan kami ng litrato.

"I'll always be here for you, Cass," he whispered. "Always."

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon