Chapter Fifteen

3.8K 154 12
                                    

"Blaster!" tawag ko sa kaniya habang naglalakad ako. Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan, at hindi ko rin alam kung bakit. Akala ko lilingonin niya ako pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad, tapos may biglang lumapit sa kaniyang babae.

Ngumiti siya.

'Yung ngiting akala ko ay sa akin niya lang pinapakita.

Unti-unti kong naramdaman ang pagkirot ng puso ko. Nakatayo lamang ako doon habang pinagmamasdan silang nagtatawanan, hanggang sa naramdaman ko na lamang na may humila sa akin papalayo.

"Ayos ka lang?" I pursed my lips close and heaved a sigh. "Huwag ka ngang umiyak," sambit niya.

"U-Unique? Bakit ka nandito?"

Ngumiti lamang siya, "Para sagipin ka. Tara, labas tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalayo roon. Gusto kong tignan ulit kung nando'n pa ba si Blaster, kung nakita man lang ba niya ako o kung ano man, pero hindi ko na lang ginawa.

Nakakapagod nang masaktan.

Kahit may pasok ako, pumayag na lang ako kay Unique na dalhin ako sa kung saan. Hinayaan niya lang din akong umiyak habang minamaneho niya 'yung sasakyan niya. Pansin ko rin na ibang uniform na ang suot niya pati ang eyeglasses niya, pero gano'n pa rin ang haba ng buhok niya.

"Ano'ng nangyari? Bakit ka umalis?"

Nagkibit-balikat lang siya, "Na-realize ko na mas gusto ko ang photography," sambit niya. "Sorry kung naging gano'n pa ang kinahinatnan ng pagiging magulo ng isipan ko. Pasensya na."

Ngumiti ako nang bahagya, "Gano'n naman kasi, habang tumatanda tayo, naguguluhan tayo sa mga desisyon natin sa buhay. Lalo na kung padalos-dalos."

Natawa siya, "Parang sa inyo ni Blaster." Napalunok ako, kahit labag sa kalooban ko ay bahagya akong tumango para sumang-ayon. Kahit ano naman kasing sabihin ko, sa dulo gano'b pa rin ang sagot—padalos-dalos kami masyado.

"Alam mo, Cass," panimula niya at pinaandar ang wiper ng sasakyan dahil nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan. "Minsan kailangan mo munang alamin kung totoo ba talaga ang pinapakita niya sa iyo. Pero alam mo? Sa tingin ko lahat ng iyon totoo, alam ko gusto ka ni Blaster. Pero siguro, sa sobrang bilis, gano'n din siya kabilis nagsawa. Pwera biro, Cass. Bata ka pa, oo, pero you're almost an adult, you don't have to speed things up. Enjoy your youthful days, baka bigla kang magsisi dahil masyado mong nilaan sa pagmamahal. Baka sa sobrang taas ninyo, bigla kayong bumagsak."

Napayuko ako, tama si Unique. Siguro masyado ko talagang minamadali ang lahat ng bagay-bagay, kaya nga nasaktan din ako kay Dane. Masyado na siguro akong nagpapakatanga sa pag-ibig, masyadong naglo-long na mahalin, kaya laging nasasaktan—iniiwan.

Unti-unting tumulo ulit ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Nagulat na lamang ako nang hawakan ni Unique ang kamay ko, "Timbangin mo muna ang lahat, Cass, bago ka mag-desisyon. That will decide your future. So, choose the best. Choose what is best."

**

Sa isang ice-cream parlor ako dinala ni Unique na medyo may kalayuan sa campus. Tinatawagan na rin ako nila Aisha, pero hindi ko na lang sinasagot. Hindi naman nila ako nakita kanina, siguro magdadahilan na lang ako na nagsakit ako dahil naulanan ako.

Nagpakita na rin pala si Unique kila ate Bel kahapon, pero sa tatlo, hindi pa. Kinausap muna niya ang management at in-explain kung ano ba talagang nangyari. Noon kasi, biglaan na lang siyang umalis nang hindi sinasabi ang totoong dahilan—'yun pala ay naguguluhan pa siya sa mga gusto niya sa buhay.

Pareho kami, pero at least ngayon, alam na niya ang dapat niya talagang tahakin. Hindi katulad ko na, masyadong adventurous, lahat na lang yata pinapatos ko, ang ending nahuhulog ako sa sarili kong bundok, nasasaktan.

Kahit umuulan ay kumain kami ng ice cream, ewan, siguro ramdam niya rin na isa ang ice cream sa pwedeng magpatahan sa akin. Tama naman siya.

"So, ano'ng gagawin mo?" tanong ni Unique at sinubo ang kutsara niyang may ice cream. I heaved a sigh.

"Sa totoo lang, hindi ko talaga alam, Unique," sambit ko. "Ilang weeks palang pero sobrang attached na ako kay Blaster."

Napa-buntonghininga naman si Unique, "Mahirap talagang pakawalan ang mga bagay na minahal mo, lalo na kahit sa saglit na panahon lang ay tinurong mong buhay mo 'yun." Natawa siya. "Parang ako. Mahal ko ang pagkanta, pagpe-perform, pero no'ng nagsimula na akong magkaroon ng doubts sa ginagawa ko, pakiramdam ko hindi na tama. Pero sobrang hirap pa ring bitiwan, kasi minahal ko e. Minahal ko 'yung banda, at hanggang ngayon, mahal ko pa rin."

Napangiti ako, "Bakit hindi mo subukang bumalik? Habang pinu-pursue mo 'yung gusto mo."

Napayuko naman siya, "Kasi na-realize ko na, kapag pala binitiwan mo na, parang ang hirap nang balikan," sambit niya. "Kasi naka-program na sa utak mo na dapat tapos ka na diyan, huwag mo nang balikan para hindi ka na ulit mahirapan." Ramdam ko ang lungkot mula sa boses ni Unique habang sinasabi ang mga katagang iyon, pero tama rin naman talaga siya. Ang hirap balikan, kahit gusto mo, may kung ano'ng pumipigil na sa'yo.

"Tsaka hindi mo pwedeng pagsabayin, kasi mas lalo ka lang maguguluhan."

Dane.

Hindi ko napigilang masaktan sa sinambitla ni Unique. Si Dane kaagad ang naisip ko, paulit-ulit na tinatanong kung ano pa ba talagang kulang sa akin at hindi siya nakuntento? Nirerespeto ko naman ang feelings niya, pero I also came to that certain point na—wala ba talaga akong kuwenta para itapon niya lang kaagad nang gano'n-gano'n dahil umamin sa kan'ya si Meg?

I blamed myself for everything that happen, saying na masyado lang talaga akong padalos-dalos pero I realized, why would he even commit his self to me if in the first place may doubts naman pala talaga siya? Ano, ego? Gago pala siya e. Sana hindi na lang siya naging tao, ego na lang. Mas pinapairal niya 'yun kaysa sa pagiging makatao niya. Nakakaloko.

Napa-buntonghininga na lang ako at inubos na lang ang ice cream ko. Saglit na binalot ng katahimikan ang table namin ni Unique, ilan minuto pa'y nagulantang na lang ako dahil nakaupo na sa sahig si Unique.

At si Blaster, nanginginig sa galit.

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon