My last few days before leaving my old life (for good), was definitely a mess. I almost didn't eat anything, nagkulong lang ako sa loob ng kuwarto ko. I really didn't want my parents and friends to worry about me, pero sobrang wala akong gana. I almost wanted to pretend that I'm okay, kaso hindi ko kaya.
Hindi talaga.
It was my last day, hindi na ako inabala ni Dad when it comes to my documents kasi siya na rin 'yung naglakad lahat. My friends came to help me pack my things, but they weren't their usual self. Sobrang tahimik nila, magtatanong lang kung dadalhin ko ba 'yan, o 'yun, pero pagkatapos no'n, tahimik na lang ulit.
I sighed, "Ang tahimik ninyo," sambit ko. Malungkot na tumingin sila sa akin.
"Biglaan naman kasi," sambit ni Rinoa. "Akala namin magta-transfer ka lang ng school, tapos biglang nalaman namin no'ng isang araw, aalis ka na pala talaga. Rant ako nang rant kay Zild, punyemas ka talaga." Natawa ako. Ilang araw lang akong nawala, tapos bigla ko lang din nalaman na okay na ulit sila ni Zild dahil siya rin 'yung nagsabi sa kanila na aalis na ako.
As much as I wanted to stay, siguro mas okay na lang din na umalis ako. Leave everything behind and start my life again. Kasi kung mags-stay lang ako, we'll just seriously screw over our lives until we're both dead, and that would suck more.
"Tama na nga drama!" Natatawang sambit ko, ayaw ko namang malungkot kaming lahat, siyempre parte 'yun ng pag-alis and it's inevitable, pero ayaw ko ng gano'n. I want to be happy with them, kahit huli na.
After we finished packing my clothes, bumaba na rin kami para kumain. Kaunting damit lang naman 'yung mga dinala ko, mostly 'yung mga favorite clothes ko lang, tsaka ibang pang-ginaw na rin. Pagkababa namin, nakaluto na rin si mama ng lunch kaya sabay-sabay na rin kaming kumain.
"So do'n mo na rin tatapusin 'yung College?" I shrugged my shoulders, kasi hindi ko rin alam. At saka, hindi ko pa rin alam kung ano'ng kukunin ko sa College. I want to pursue Med, pero kung sa STEM pa lang, bumabagsak na ako, I'd probably find another path other than becoming a Doctor.
"I'd probably shift programs," I said. "Arts & Designs, maybe?" I added. Isa rin naman sa pangarap ko ang maging isang Film maker, probably ever since. At saka, Blaster loved shows so much, baka mai-apply ko rin 'yung pagiging bihasa niya ro'n sa mga gagawin kong pelikula.
Biro lang.
"Sa'n tayo?" sambit ko habang nagliligpit kami ng pinagkainan. Nagkibit-balikat lang sila, lahat kami gulat na gulat kasi pagkatapos naming magligpit saktong dumating si Meg kasama si Dane.
"Loka ka!" sambit ni Meg at niyakap ako nang mahigpit. "Kung kailan okay na ako, kung kailan nakabalik na talaga ako, saka ka naman aalis?!"
Natawa kaming lahat, napatingin naman ako kay Dane at napangiti bago ko sinagot si Meg, "Malay ko bang babalik ka! Akala ko do'n na kayo ikakasal ni Dane, e!" natatawang sambit ko. Mahina naman niyang hinampas ang balikat ko at isinubsob ang mukha sa balikat ko. Kahit i-deny ko, ramdam na ramdam kong umiiyak si Meg.
"Kasalanan ko," sambit niya. "Kung sana hindi ko na lang kayo sinira ni Dane, siguro okay pa rin kayo ngayon. Siguro walang Blaster na gagaguhin ka lang pala nang paulit-ulit..."
Napangiti ako at hinawakan ang magkabilang balikat niya at saka itinulak siya nang mahina para makita niya ako, "Hindi mo kasalanan, okay?" sambit ko habang nakangiti pa rin. "Ginusto ko rin 'yun. I could've just avoided Blaster from the start, pero hindi ko ginawa. Kasi gusto ko rin. At saka, ano ka ba! Kung hindi mo 'yung sinabi kay Dane, magb-break pa rin kami niyan, ang ganda-ganda ko kaya for him!" Natawa naman silang lahat, pati si Dane, sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
By Chance
FanfictionPUBLISHED UNDER KPub PH | Watty Awards 2020 Winner • Fanfiction THIS IS THE UNEDITED VERSION Cassandra never liked the idea of living-and just when she thought she was already on the edge of her life--he came. But how often do you meet soul mates b...