Chapter Twenty

3.3K 150 14
                                    

Blaster

Bakit si Unique pa?

Napakuyom ako sa kamao ko habang pinagmamasdang lumabas si Unique mula sa kotse niya at pagbuksan si Cass.

Dapat ako 'yun. Pero, gago ka kasi Blaster. Napaka.

"Huwag mo na ngang tignan, mas nasasaktan ka lang, e." Tinapik ako ni Zild sa likod dahilan para mapa-buntonghininga ako. Napailing na lang ako at sabay na kaming naglakad papasok sa College building.

Hindi ko alam kung bakit ganito na ang nangyayari sa amin ni Cass. Alam kong nagsimula no'ng umiwas ako sa kaniya. Oo aaminin ko, naguluhan ako. Kasi sobrang bilis ng pangyayari kaya sa tingin ko kailangan muna namin ng space. Para makahinga. Para makapag-isip.

Pero, mahal ko talaga siya.

Mahal ko siya, pero 'yung pagiging selfish ko ang naglalayo sa kaniya sa akin. Oo alam kong napaka-selfish ko na pati si Unique pinagseselosan ko, dahilan para masaktan ko rin si Cass.

Ayaw kong masaktan siya pero 'yung galit ko kay Unique tungkol sa pag-alis at ang selos ko tuwing nakikita ko silang magkasama ni Cass naghahalo. Pakiramdam ko sumasabog ako tuwing nakikita ko sila. Pakiramdam ko inaagaw niya sa akin si Cass.

Pero kung may masasaktan man sa amin dito, mas karapatan ni Cass 'yun.

Dahil madamot ako.

"Okay na ba si Cass?" Napa-kibit-balikat lang ako sa tanong ni Zild. Nagpaalam na ako sa kaniya nang makarating na ako sa room ko. Tahimik akong pumasok, buti na lang at wala pang prof.

Pagkaupo ko malapit sa bintana ay agad akong napatingin sa Senior High building. Paano kung hindi siya okay?

I sighed.

Hindi ko na namalayang may prof na palang pumasok. Nalaman ko lang nang bigla akong kalabitin ng kaklase kong hindi ko alam ang pangalan kung Jeffrey ba o Joshua. May pinapasagutan pala sa board.

"Hindi porket sikat ka Mr. Silonga e you can space out in my class lang, ha. Now go answer this question." Hindi ko na lang pinansin ang short lecture ng prof ko at tumayo na lang para sagutan 'yung sinulat niya sa board. Manghang-mangha yata dahil nasagutan ko kahit hindi ako nakinig ng lecture niya. Hindi naman kasi ako pala-aksaya ng oras. Basta't may free time ako nagbabasa ako, o kaya naman pag mahaba pa oras bago mag-gig nagbabasa rin ako.

Pagkatapos no'n ay umupo na'ko, hindi na ulit nakinig. Hindi na rin naman niya ako pinansin.

Pagka-ring ng bell matapos ang ilang subjects na puro space out lang ang ginawa ko ay agad akong lumabas. Ite-text ko pa lang sana si Zild pero naunahan na niya ako para sabihing nando'n na sila sa canteen. Kasama pa pala niya sila Crys na kaibigan ng girlfriend niyang si Shanne.

Ilang beses na kaming tinutukso ni Crys, pero sa ngayon ang alam ko may boyfriend siya, ako naman complicated. Nakakaloko.

"Uy! Honeycrunts!" natatawang sambit ni Crys at tinapik ang katabi niyang upuan. Umupo naman kaagad ako do'n at inakbayan siya. Sanay naman na siya sa akbay ko, pang-walang malisya rin naman tsaka, pareho kaming committed. "Si Cass 'yun 'di ba?" Tinignan ko naman si Crys bago tumingin sa direksyon na tinuturo ng mga mata niya. Agad ko namang nakita si Cass at tinanggal ang pagkaka-akbay kay Crys.

Maybe it's innate in me to think that when you're in a relationship, kahit wala pang kasiguraduhan, it's not good to be touchy to other people.

Sometimes, touch means there's a connection. Whether romantic or not, the message is still there.

Hindi ko na lang pinansin si Cass. Maybe she's okay.

Sana.

"Hey, Cass...suddenly walked out." Pagkasabi no'n ni Shanne ay agad akong tumayo para sundan kung sa'n man siya pumunta. Hindi ko na naabutan sila Rinoa dahil sinundan din yata nila si Cass. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin kaya nilibot ko na lang ang buong grounds ng canteen. Pumunta pa ako sa SHS building, pero wala pa rin. Kahit pagod na pagod na ako ay bumalik ako sa canteen at naabutan na nando'n 'yung barkada ni Cass malapit sa cr.

"S-si Cass?" Nag-aalangan siyang ituro ang cr. Nagtaka naman ako kasi nandito silang lahat sa labas, tapos si Cass nasa loob.

Pero sana hindi ko na lang inalam kung bakit.

Pakiramdam ko unti-unting nabasag ang puso ko nang makita ko sila—Unique at Cass—magkayakap. Si Cass, umiiyak, si Unique hinahaplos ang buhok niya.

Gusto kong humingi ng tawad. Gusto kong bawiin siya kay Unique at sabihing naniniwala ako sa kaniya.

Gusto kong sabihin na ako ang may kasalanan, pero iba pa rin ang lumabas.

Agad akong lumayo sa kanila, tumakbo papunta sa basketball court at doon inilabas lahat. Hindi na ako pumasok sa susunod naming klase para lang pakalmahin ang sarili ko, dahil pakiramdam ko anytime sasabog na lang ako.

Ang sakit-sakit.

Halos hindi na ako makahinga. Sunod-sunod ang luha na tumutulo sa mga mata ko. Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Pakiramdam ko naubusan ako.

Ilang minuto rin akong nagpalipas ng sama ng loob sa loob ng gym, hanggang sa naisipan kong maglakad-lakad na lang sa school grounds dahil baka mabaliw lang ako sa loob ng basketball gym.

Napa-buntonghininga na lamang ako habang naglalakad. Napakuyom pa ng kamao.

Alam ko namang kasalanan ko rin ang nangyayari pero bakit iba ang ginagawa ko? Bakit lagi akong pinapangunahan ng galit ko kay Unique? Bakit kailangang pati si Cass idamay ko?

Napahinto na lamang ako at napapikit. Nanginginig ang buong sistema ko nang makita ko si Unique na nakaupo lang sa loob ng canteen, nakikipag-kuwentuhan sa prof nila sa Philosophy. Nakangiti.

Ang daya-daya.

Halos hindi gusto ko na lang sumuko sa pagbabanda noon. Gusto ko na lang tumigil. Pakiramdam ko wala na ring silbi dahil mawawala na rin si Unique.

Pero kahit tinuloy ko masakit pa rin. Nando'n pa rin 'yung pagka-miss. 'Yung galit. 'Yung mga ala-alang nakakapagod nang alalahanin kapag nakikita ko siya.

Napailing na lang ako at umakyat sa building. Saka ko lang na-realize na nasa Senior High School building na pala ako dinala ng mga paa ko.

Pinaglalaruan lang ako ng tadhana.

Gusto ko na sanang bumalik sa building namin pero hindi ako tumigil sa paglalakad. Umakyat pa ako hanggang sa floor nila Cass. Gusto ko nang ayusin ngayon ang lahat.

Eksakto namang pagka-akyat ko ay naabutan ko si Cass, parang wala sa sarili. Magsasalita pa lang sana ako pero unti-unti siyang tumumba, kaya agad akong tumakbo para saluhin siya.

Napangiti ako nang bahagya at kinarga siya nang maayos.

"B-Blaster?" Mas lalong lumawak ang ngiti ko, pero agad na napawi nang may tumulong luha sa mga mata niya. "S-sorry..."

Napa-buntonghininga ako at pinunasan ang pisngi niya bago bumaba ng hagdan, "Don't be, please. Mahal na mahal kita, Cass. I promise I won't hurt you again, and I will save you over and over again kahit maubos ako. Para sa'yo."

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon