Blaster
I wanted to run after her pero pinigilan din ako ng sarili ko. Seeing her with Unique just made me weak. Hanggang sa hindi ko na rin namalayan na umiiyak na pala ako.
My fault. Again. Paulit-ulit.
Hanggang kailan ko ba sisirain 'to?
Hinila ko papasok ng kotse si Crys at agad na drinive ang kotse pa paalis ng parking lot. Mahigpit ang hawak ko sa steering wheel. Kung mamamatay man ako ngayon, ayos lang. Para naman na kasi akong patay.
Sobrang nakakagago.
Sobrang gago ko.
"Crys, alam mo 'no? Na nando'n siya? Kaya pinilit mo akong halikan ka sa pisngi?" sambit ko at itinigil ang sasakyan sa gilid. Hinayaan ko lang pumatak ang luha mula sa mga mata ko habang nakatingin lang akong diretso sa kalsada. "Sumagot ka... please." Pero binalot pa rin kami ng katahimikan niya. Tanging mga hikbi ko lang ang naririnig sa loob ng sasakyan dahilan para masuntok ko ang manibela.
"Blaster, please... calm down."
"Kalma? Paano ako kakalma, Crys? Mahal na mahal 'yung tao tapos ganito na naman ang nangyari? Alam mo naman 'yun, Crys 'di ba? Mahal ko siya. Kahit kailan hindi kita minahal. Oo nagkamali ako, naging tayo noon dahil hindi ko na alam ang gagawin ko tuwing nakikita kong magkasama si Unique at Cass, sobrang mali no'n Crys. Sobrang mali rin na sinabi ko na babalikan ko si Cass dahil gusto lang ng media. Crys, alam mo, deep inside, mahal ko si Cass. Babalikan ko siya dahil mahal ko siya. Ano ba'ng hindi mo maintindihan do'n?"
"Lahat, Blaster!" sigaw niya. "Lahat, hindi ko maintindihan lahat. Hanggang kailan mo ba ako ituturing na panakip lang? Ha? Na kakailanganin mo lang ako tuwing nasasaktan ka? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan, ha? Hirap na hirap na ako Blaster, sobrang hirap na hirap na ako. I keep on telling myself na sana hindi na lang ako nagkagusto sa'yo, na sana pinigilan ko na lang 'yung sarili ko, pero ang tanga ko 'di ba? Mahal kita, at sobrang sakit na Blaster. Sobrang unfair. Sobrang daya. Ano? Sa tuwing nasasaktan ka, sa akin ka? Kapag masaya ka sa kaniya ka? Gago ka ba?"
Napapikit ako, "Oo, I admit. Alam ko rin na padalos-dalos lahat ng ginagawa ko, Crys. Pero nagmamakaawa naman ako sa'yo. Ibinigay mo na lang sa'kin 'to, hindi na kita guguluhin, hindi na. Basta palayain mo na lang ako... please lang. Ayaw kitang saktan dahil importante ka rin sa akin--" Sinampal niya ako.
I deserved that.
"Saktan mo na lang ako..."
"Kulang pa iyan sa lahat ng sakit Blaster," sambit niya. "Pero, bakit kahit masakit... hindi ko kaya? Hindi ko kayang makitang nasasaktan ka?" Unti-unti siyang natawa. "Ang daya talaga, 'no? Kung sino pa 'yung laging nando'n, sila 'yung hindi pinipili."
Tinignan ko lang si Crystal. Gustong-gusto ko siyang yakapin. Alam kong sobrang damot ko, at sobrang mali ng ginawa ko sa kan'ya pero wala lang talaga akong maisip na matino ng mga panahon na iyon. Pakiramdam ko naubusan ako ng tamang gagawin, nawala ako sa direksyon.
I was just... a mess.
Everything just messed up. Gulong-gulo ako sa buhay ko sa mga panahong 'yun.
I was wrecked. It felt painful more than ever. Pakiramdam ko paulit-ulit akong pinapatay tuwing nakikita ko silang magkasama.
Humigpit ang hawak ko sa manibela. Mukha kaming tanga ni Crys sa loob ng kotse, pareho kaming umiiyak. Parehong nasasaktan, pero walang magawa.
"You know what... it would probably be better kung palalayain na lang natin ang isa't-isa. Mas mahirap kung pipilitin ko lang ang sarili ko sa'yo. I don't want that." Tumingin sa akin si Crys at pinilit na ngumiti. "God why am I even crying." She chuckled and wiped away her tears.
Ayaw kong nakikitang nasasaktan si Crys, pero kung tungkol na kay Cass—kaya ko nang ipagpalit lahat makita ko lang ulit na masaya siya. Kasama ko.
I can even lose myself for her, God. Not... just lose her.
Pakiramdam ko mababaliw na lang ako.
"Go. Get her. Forget about me, forget about us, forget I existed. Goodbye," she uttered before leaving the car. I didn't go. Hinintay ko munang makakuha siya ng taxi bago ako umalis.
The least I can do for her is to keep her safe.
She's still my best friend, after all.
Agad kong pinaharurot ang kotse ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I felt like I was just slowly losing myself, and losing her at the same time. It made me felt that I was slowly becoming insane.
I ended up going to a café. Palipas oras lang. Para makapag-isip-isip nang kaunti.
Pagka-order ko ng inumin, naghanap agad ako ng mauupuan. I kept on calling Cassandra, but she keeps on ignoring my calls. Gustong-gusto ko siyang puntahan pero hindi ko alam kung saan.
Sigurado akong magkasama sila ni Unique.
And it pained me more.
Bakit gano'n? Sobrang daya. Gusto ko lang namang maging masaya kami ni Cass, pero bakit pakiramdam ko hinahadlangan kami? Everytime I try to make the both of us, I just keep on making the same mistake. Paulit-ulit. To the point na minsan, gustong-gusto ko na lang siyang pakawalan.
Basta maging masaya lang siya. Kahit hindi na sa piling ko.
Kahit masakit.
Napapikit ako at napayuko, hinayaang tumulo ang luha mula sa mga mata ko.
Mahal na mahal ko siya pero bakit parang hindi kami pwede?
Ang dami ko nang ginawa para sa kaniya, pero bakit at the end of the day parang hindi pa rin ako?
Siguro nga. Sa sobrang bilis ng pangyayari, sobrang bilis ding mawawala.
Natawa ako at pinunasan na lang ang luha mula sa mga mata ko. Inubos ko na 'yung binili ko at lumabas na ng café. Agad akong sumakay sa kotse at pinaandar. Nanlalabo na ang mga mata ko.
Ang saya sigurong mamatay ngayon.
Binilisan ko ang kotse ko, wala nang pakialam kung beating the red light. Gusto ko na lang mawala ngayong oras na'to. Bawat segundo kasi, pakiramdam ko pinapatay lang ako. Buhay ako, pero parang wala na akong rason para mabuhay.
Nakakapagod din pala.
You make others happy but you can't even smile genuinely.
Itinigil ko ang kotse. Napahigpit ang hawak sa manibela at napayuko. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na umiyak nang umiyak.
Hindi pwedeng susuko na lang ako. Hindi pa ako pwedeng mamatay dahil nandiyan pa naman siya.
Napangiti ako nang bahagya.
Hindi kita isusuko. Lalaban ako.
I can't lose you, Cass. Not now. Not ever.
BINABASA MO ANG
By Chance
FanfictionPUBLISHED UNDER KPub PH | Watty Awards 2020 Winner • Fanfiction THIS IS THE UNEDITED VERSION Cassandra never liked the idea of living-and just when she thought she was already on the edge of her life--he came. But how often do you meet soul mates b...