Chapter Seventeen

3.6K 151 13
                                    

 
I knew that there are consequences kung sasama ako kay Unique, pero I couldn't do anything. I was half-willed, pero ayaw ko rin namang mamatay sa lamig. Gusto ko rin namang pumasok bukas kahit alam kong ibubungad nila sa'kin ang chismis. Sigurado rin naman akong hindi ako babalikan ni Blaster. Nakakagago lang.

Yakap-yakap ko ang sarili ko habang nakatingin lamang sa labas ng bintana. Ramdam kong napatingin sa akin si Unique, bumuntonghininga, "Kunin mo na iyang coat ko sa likod mo," sambit niya. Hindi ako kumibo. Nagulat na lamang ako nang huminto ang sasakyan, ilang segundo pa ay sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.

Napasimangot siya at ibinalot sa akin ang coat niya, "Ayaw mo mamatay pero ayaw mo kunin? What do you really want Cass?"

Hindi ko alam, pero unti-unti, tumulo na lang ang mga luha mula sa mga mata ko, "Hindi ko alam, Unique," bulong ko. "Ang sakit... ang sakit-sakit. Bakit hindi siya naniwala sa akin?"

Bumalik siya sa pagkakaupo, pinaandar ulit ang kotse at napangiti nang bahagya, "Alam mo Cass? Kahit ramdam mong mahal ka ni Blaster? Kung hindi siya naniniwala sa'yo, mas mahal pa rin niya ang sarili niya. Oo, mahal ka niya. Pero ano'ng silbi kung puro mahal lang, walang tiwala?"

Hindi ko alam kung bakit, pero unti-unti naramdaman kong nanghihina ako, rinig ko ang pagtawag sa akin ni Unique at ang mahina nitong pagtapik sa akin.

Pero hanggang do'n lang at wala na akong namalayan pa.

**

Pagkamulat ko ng mga mata ko, napalingon agad ako sa gilid. Nando'n si Unique. Napangiti siya, "Grabe, naulanan ka lang nilagnat ka na?"

Natawa ako nang bahagya at napaupo sa kama, "Mahina immune system ko," sambit ko, at napasimangot. "Sorry, nag-alala ka pa." Napa-buntonghininga naman siya, pero unti-unti ring napangiti.

"Akala ko sa TV lang nangyayari 'yung gano'ng eksena," natatawa niyang sambit at ginulo nang kaunti ang buhok ko. "Teka tawagin ko lang si tita." Tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Napa-buntonghininga na lang ako, hanggang sa namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako.

Napakagat ako sa ibabang labi ko, para hindi kumawala 'yung mga hibik ko, pero useless dahil biglang pumasok si mama kasama si Unique. Agad siyang lumapit at niyakap ako, si Unique nakatayo lang, nakasimangot at nakatingin sa akin.

"Nak, he's not worth it." Hinawakan ni mama ang mukha ko, ngumiti nang bahagya at pinunasan ang pisngi ko. "Minsan, kahit sa tingin mo perfect na kayo for each other, at the end pala, he's still just a random guy that you met." Mama held my hand and squeezed it softly. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na yakapin siya.

"I'm so glad papa met you," I whispered, tears falling down from my face. Mukha na akong tanga habang nakatingin lang sa akin si Unique, pero wala na akong pakialam. 

She may not be my real mother, but I'm glad that my papa married her. Pakiramdam ko, lahat ng sakit na dinulot ni Blaster, unti-unting nalulusaw.

Mother's love is still the best love nga talaga.

Ramdam kong napangiti si mama habang nakayakap sa'kin. Hinaplos-haplos niya ang likod ko, "Do you regret meeting him?"

I was taken aback. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot kay mama. Sure, I really regret na sa ganito lang din pala kami hahantong. I should've seen it coming. Hindi man sinasabi ni Blaster, pero alam kong pareho pa rin kaming may barrier sa gitna namin--a barrier that keeps us apart kahit ang lapit-lapit namin sa isa't-isa. 

So.

I slowly nodded my head, "And I wish... makalimutan ko na lang siya." 

Napatingin ako kay Unique, 'yung kaninang walang expression niyang mata, na kanina ko pa nararamdamang nakatingin sa akin ay biglang sumaya nang tignan ko siya. 

Ngumiti siya, "Minsan talaga, kahit akala mo best na 'yung tao, siya pa rin pala 'yung worst," sambit niya. 

Kumalas ako sa pagkakayakap kay mama at umayos ng upo, "Iwanan ko muna siya sa iyo Unique, ha? Bibili lang ako ng kakainin natin." Ngumiti naman si Unique at tumango. Mom held my hand and kissed my forehead before going out. Pagkalabas naman niya ay umupo si Unique sa tabi ko. 

"Sakit 'no?" natatawa niyang sambit, "Sakit mapaglaruan, sakit magago."

Natawa ako, "Ano'ng pinaghuhugutan mo, Nikkoi? Si ate Chy?"

Natawa siya, "Hindi," sambit niya. "Sarili ko. May niloko na rin ako e," natatawang niyang sambit at napatingin sa labas ng bintana, "She loved me... and yeah, I did love her. Pero, bigla na lang nawala. Nagising ako na, 'shit hindi ko na siya gusto'."

Napasimangot ako, "I'm sure Blaster still loves me, Unique..." I uttered. "Siguro naguguluhan lang siya sa mga nangyayari. Kasi, you said it yourself, ang bilis ng nangyari..." Napahinto ako, napatingin sa kaniya, saglit pa'y napakagat ako sa ibabang labi ko.

Paano kung totoo?

Paano kung sa sobrang bilis ng nangyari, sobrang bilis din niyang nagsawa?

Napakuyom ako ng kamao. 

"Huwag ka ngang umiyak." Nagulat na lamang ako nang hawakan ni Unique ang pisngi ko, unti-unting pinahid ang luha mula sa mga pisngi ko. Ngumit siya, "Hindi ka dapat pinapaiyak, e." 

Natawa ako, "I chose this."

"Pero hindi mo piniling masaktan," sagot niya. Magsasalita pa sana ako pero nagsalita naman siya kaagad, "Sasabihin mo kaakibat ng pagmamahal ang sakit? Minsan choice na rin 'yan no'ng nanakit sa'yo. If he really did love you, or if he still loves you, bakit niya pipiliing saktan ka? 'Di ba dapat mas pinili niyang makinig? Hindi ba dapat mas pinili niyang intindihin 'yung kayo, kaysa ang sinasabi ng ibang tao? Pero he cared more about himself, Cass. Alam ko na alam mo na, kahit sinsabi niyang mahal ka niya, there's still this barrier that you can't access. Kasi ayaw niyang masaktan, kaya mas pinili ka niyang saktan." 

"Para ka lang nakipag-deal online tapos akala mo legit, 'yun pala scammer," natatawa niyang dagdag, dahilan para mapangiti ako nang bahagya. Pero, 'yung pag-iyak ko, hindi pa rin tumitigil. Kahit ano'ng gawin kong pagngiti, pakiramdam ko pinepeke na lang ng sistema ko.

Ang OA ko talaga. Hindi ko alam kung bakit. Pwede na ako sa mga overrated seryes, taga-iyak. 

Lumapit si Unique. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin, "Halika nga," bulong niya at niyakap ako nang mahigpit.

Na sana hindi na lang niya ginawa.

"Tama pala ako," natatawang sambit ni Blaster, napapikit nang kaunti. Tinulak ko si Unique at pinunasan ang pisngi ko.

"Blaster please..."

"Cass, alam ko na. I saw it with my own eyes. Huwag na tayong maglokohan. If you like Unique, then so be it. Let's just stop this."

Tumalikod na siya at lumabas, kasabay ng unti-unting pagkadurog ng puso ko.

Blaster, bakit? Why is it so easy for you to leave me? And, why is it so easy for me to still forgive you, and blame myself for everything?



By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon