For today I promised myself that I'll forget everything.
Even just for today.
Because I'm already with him.
"Saan mo gustong pumunta?" Napatingin ako kay Blaster. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil halatang-halata na natataranta siya sa nangyayari. I couldn't help but to hold his hand. Gusto ko pa ngang tumawa dahil muntik pa niyang sapakin si Dane kanina, knowing na alam niya kung ano'ng meron sa amin ni Dane noon. But I was able to calm him down naman.
This feels great.
"Kahit saan," sambit ko. "Just take me away."
"Cass—"
"Blaster, please. Kahit ngayon lang. Gusto ko munang makalimot. Pagod na pagod na ako kaiisip kung ano ba dapat ang gagawin ko. Kung ano pa bang silbi ko. Kung bakit kailangan nating masaktang lahat."
Ngumiti siya.
"Sure, darling." Napangiti ako. Naramdaman ko namang mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko, habang 'yung isa nakahawak naman sa manibela. I still couldn't help but to wonder—ano'ng nakita niya sa akin? Bakit ako pa? Sa lahat ng tao, bakit ako ang pinili niya?
Hindi ko alam kung nasaan na kami, pero hinayaan ko lang siyang mag-drive. It felt great, but then I suddenly remembered na may gig sila.
Agad akong napatingin sa kaniya, "May gig kayo."
Blaster shrugged his shoulders, his eyes still focused on the road, "Maaga pa naman."
"What if ma-late ka? Kasalanan ko pa. Balik na lang tayo."
Blaster smiled, "Cass. Don't worry."
I sighed, "How can I not be—"
"Priorities. Always," he said. "How can I not ditch a gig when I'm with you? God, I prayed every day for this day to come. I'm sure one gig won't hurt."
I sighed, again, probably for the nth time. Bigla namang kinurot ni Blaster 'yung pisngi ko at natawa nang bahagya, "Malapit lang dito 'yung gig namin. Huwag ka nang mag-alala."
Inirapan ko lang siya, "Bibigyan mo pa ako ng heart attack."
Natawa na naman siya, "That's one thing I'll never do. Disappoint them."
I smiled, "That's why you never disappointed me."
Blaster was right, malapit nga lang ang gig nila rito. Gusto ko na nga siyang sapakin kanina dahil ayaw ko namang gawin niya 'yun. Responsibilities na rin niya 'yun bilang musician, and I don't want to be the reason for people to hate him.
When Blaster pulled off, agad siyang bumaba. He even whined when I was about to open the door, saying na he's responsible raw on doing those things for his girl. Hindi ko na tuloy napigilang kiligin.
God, how I missed this guy.
How I missed the feeling of being genuinely happy just by the thought that I am with him again.
Sabay kaming pumasok sa isang restaurant. Nagulat ako dahil nakita ko kaagad 'yung isang long table na puro management ng IV Of Spades ang nakaupo, nando'n na rin sila Zild at kuya Badjao. Pero, ito namang si Blaster hinila ako palayo roon. No'ng nakita naman nila ako nginitian ko lang sila.
"Loka, ando'n sila tapos dito tayo uupo?" tanong ko kay Blaster pagkaupo namin.
"Bawal bang masolo kita? Isang buwan din 'yun, o," malungkot na sabi niya. Napangiti naman ako nang mapait at pinisil ang pisngi niya.
"Tumataba ka lalo."
"Stress eating," sabi niya at napanguso. 'Di ko tuloy alam kung matatawa ako o malulungkot ako sa reaction niya. "Sobrang hirap, Cass. Pakiramdam ko araw-araw na gumigising ako noon, iniisip na kasama mo lang si Unique sa buong isang buwan na 'yun, parang namamatay ako deep inside."
BINABASA MO ANG
By Chance
FanfictionPUBLISHED UNDER KPub PH | Watty Awards 2020 Winner • Fanfiction THIS IS THE UNEDITED VERSION Cassandra never liked the idea of living-and just when she thought she was already on the edge of her life--he came. But how often do you meet soul mates b...