Bakit hindi pa'ko namatay?
I sighed at iginala ang paningin ko sa loob ng kuwarto. Gusto kong tumayo at hanapin kung sino mang may tama sa bungo ang sinubukang sagipin ako mula sa pagkakabunggo, pero I realized, sobrang walang sense rin kung namatay talaga ako.
But, what the heck lang 'di ba? I trusted two people wholeheartedly, but then in exchange, lolokohin din nila ako?
I sighed.
"Cass! God, gising ka na!" Aisha exclaimed at mabilis akong niyakap. Napangiti na lang ako. Kasama niya rin ang ibang mga kaibigan namin, maliban na lang kila Dane at Meg. "Bakit naman gano'n!? Ano bang naisip mo? Muntik na kaming atakihin dahil sa ginawa mo! Buti iyan lang nangyari sa'yo!" sermon nito habang nakayakap pa rin sa akin. Pumasok na rin si mama na may bitbit na paperbag galing sa Jollibee. Nginitian lang ako ni mama.
Hindi kami close ng stepmother ko, pero at least, alam niyang ayaw ko ng pagkain sa hospital.
"Sorry," sambit ko at napayuko. "S-Sila Meg? Dane? Nasaan sila?"
"Nagkulong lang si Meg sa kuwarto niya nang tatlong araw," sambit nito. Napakunot naman ako ng noo.
"Tatlong araw akong tulog?" Tumango naman ito. Lumapit naman si Mikaela at hinawakan ang kamay ko.
"Cass... Huwag mo nang uulitin 'yon!" Natawa naman ako dahil naiiyak na si Mikaela habang nakahawak sa kamay ko. Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak sa kamay ni Mikaela.
"Sorry..." pag-uulit ko. "Alam ko, sobrang babaw ng reason kung namatay ako dahil lang sa nangyari. Pero, sobrang sakit kasi..." Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Agad naman nila akong niyakap.
"Salamat..."
**
Ilang oras pa ang itinagal ng mga kaibigan ko rito sa hospital room. Sabado naman kasi ngayon kaya hanggang alas sais ng gabi ay dito sila nag-stay. Wala pa naman masyadong lessons at requirements sabi nila Carissa at Andrea, na mga kaklase ko rin. Pagkaalis nila ay sumabay na rin si mama dahil kailangan din niyang alagaan ang bunsong kapatid ko.
Akala ko ay madi-discharge na'ko agad dahil nagising na'ko, pero ang sabi ng doctor ay kailangan pa rin nila akong obserbahan dahil sa pagkabagok ko sa semento. Kating-kati akong malaman kung sino 'yung sumagip sa'kin pero ayaw nilang sabihin dahil hiniling nito na maging confidential na lang ang identity niya. Basta raw lalaki iyon na may katangkaran. Hindi naman daw masyadong napuruhan 'yung sumagip sa'kin, pero nagkaroon siya ng mga galos sa braso.
Napa-buntonghininga na lang ako.
Whoever he is, I thank him for making me realize that being hurt should never cost you your death. Parte naman kasi iyon ng buhay, at kahit ano'ng gawin natin ay hindi natin mapipigilan ang tadhana na bigyan tayo ng pasakit sa buhay.
Ang daya naman kasi kung lagi na lang tayong masaya.
Iniabot ko na lang 'yung remote mula sa lamesa sa gilid ko at in-on ang TV, saktong bumungad sa'kin ang channel ng MYX. Ililipat ko na sana pero 'yung susunod na kanta ay nakuha agad ang attention ko.
IV OF SPADES?
Ibinalik ko na 'yung remote sa lamesa at pinanood ang music video ng IV OF SPADES ng kanta nilang Where Have You Been My Disco.
Instant fangirl!
Pagkatapos tuloy ng kanta na iyon ay agad kong kinuha ang cellphone ko at nag-search tungkol sa IV OF SPADES. Dinownload ko na rin ang songs nila sa Spotify ko. Naalala ko rin, ito rin nga pala 'yung bandang matagal nang nire-recommend sa'kin nila Aisha, bakit ba ngayon ko lang pinansin?
While waiting for their songs to be downloaded, I opened my Messenger to check some important messages. Wala rin naman akong nakita kaya binuksan ko na lang 'yung groupchat namin nila Aisha, magcha-chat pa lang sana ako pero nagulat ako nang mag-leave si Meg at Dane.
Imbis na magalit ay nalungkot ako. Oo, masakit. Oo, nasaktan ako. But I was more than willing to give way. Ang daming what ifs din naman sa isipan ko at nangunguna na do'n ay 'what if hindi talaga kami ang para sa isa't-isa?'
Matagal na ring magkakilala si Dane at Meg. What if 'yung relasyon namin ni Dane ang naging daan para ma-realize ni Meg na mahal niya talaga si Dane?
I sighed.
Ime-message ko pala sana si Meg pero nagulat ako nang mag-notify ang pangalan niya sa Messenger ko kaya agad kong binuksan ang message niya. Napangiti na lang ako nang kaunti.
Meg Castro: Cassandra... I know, hindi enough ang sorry to fix the wounds. Pero, sorry talaga. I did not mean to destroy your relationship with Dane, at hindi rin naging kami! I swear... sorry talaga. Hindi ko kakayanin na mawala ka, Cass. You're my best friend. Pero, if distancing from you and from our friends may heal the pain, I'd do it.
Sorry talaga.
I smiled. Imbis na mag-reply ay tinawagan ko si Meg.
"Bruha," sambit ko habang natatawa. Hindi ko na napigilang mapaiyak habang naririnig ko ang mahihinang hikbi niya sa kabilang linya. "Huwag ka ngang umiyak! Para namang namatay ako."
"Cass, sorry talaga..." she uttered, paulit-ulit lang hanggang sa siguro, nagsawa rin siya dahil wala akong sinasabi. Hinahayaan ko lang siyang magsalita. "L-Lalayuan ko na rin si Dane. Lalayo muna ako sa inyo."
"Bruha, huwag," sambit ko. "I mean... okay, may awkwardness. Oo, masakit. Pero, Meg. Kaibigan kita. Alam ko naman na matagal na ring may gusto sa'yo si Dane. Na-realize ko nga rin na baka niligawan niya lang ako, para hindi na masyadong nasasaktan 'yung ego niya. Gago 'yun e," dagdag ko pa at napatawa.
"Meg, I know naman na pareho tayong nasasaktan dito. Tsaka, ano ka ba... wala naman talaga akong balak mamatay. Siguro instant reaction na lang din ng utak ko, pero mahal ko buhay ko Meg. Mahal ko kayo. That one instance? That made me realize kung ga'no ako katanga. Kaya sorry rin kung tinakot ko kayo."
Siguro sasabihin ng iba, ang tanga-tanga ko para patawarin na lang nang gano'n-gano'n si Meg. Pero, iniisip ko na lang na wala siyang kasalanan, na-realize niya lang na mahal niya rin si Dane. In the first place rin naman, wala ring mangyayaring ganito kung hindi ako nagpadalos-dalos sa mga desisyon ko dahil lang sa simpleng pagka-crush ko kay Dane.
"P-Pero... gusto kong bumawi Cass."
Napangiti ako, "Gusto mong bumawi?"
"Oo..."
"Pagka-discharge ko, punta tayo ng gig ng IV OF SPADES. Deal?"
Baka kasi maibsan ang sakit, kahit kaunti lang. Kailangan kong maging malakas.
Pagsubok lang 'to.
Kailangan kong maging matatag.
Kahit masakit.
"Deal."
BINABASA MO ANG
By Chance
FanfictionPUBLISHED UNDER KPub PH | Watty Awards 2020 Winner • Fanfiction THIS IS THE UNEDITED VERSION Cassandra never liked the idea of living-and just when she thought she was already on the edge of her life--he came. But how often do you meet soul mates b...