Halos mabingi ako sa lakas ng kuwentuhan ng mga kaibigan ko, samantalang kaming dalawa ni Blaster, parang nata-tanga. 'Yung Blaster na supposed to be maingay, napakatahimik.
Normal naman na sa'kin na magkaro'n ng sariling mundo, nakaharap lang sa phone at nakikinig ng indie music. Pero, alam naman nila na kapag kasama ko ang barkada ko, minsan ko lang pansinin ang phone ko.
Napa-buntonghininga ako.
"Cass." Nagulat ako nang bigla akong kalabitin ni Blaster. Masyado yata akong na-hook sa binabasa kong e-book. "Ano, kain daw muna. Tayo na lang nandito, o," natatawang sambit niya. Saka ko lang napansin na dadalawa na lamang kami sa loob ng van—nakasarado pa 'yung pinto.
Napaubo ako, "Sunod na lang ako," sambit ko at ngumiti nang bahagya. Tumango na lang si Blaster at lumabas na ng van, pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag.
Bumaba na rin ako pagkatapos kong maisukbit 'yung bag ko sa balikat ko, pagkarating ko sa loob naka-serve na 'yung pagkain, ako na lang yata talaga ang hinihintay.
"Uy, Cass! Sit here!" Napatingin ako kay ate Bel. Gusto ko sanang umayaw, pero walang choice kaya umupo na rin ako sa tabi niya.
At sa tabi ni Blaster.
Could this day get any weirder? Jusko.
"So, nililigawan ka na raw ni Blaster?"
"Ate Bel..."
Natawa naman si ate Bel sa naging reaksyon ni Blaster, napakagat na lang ako ng ibabang labi. As much as I want to lie, iba ang dumulas sa bibig ko.
"Opo ate Bel."
Face-palm.
Kahihiyan, Cass.
Napatingin naman sa akin si Daddy A. Akala ko magagalit siya or something pero ngumiti lang ito, "Mabait iyan si Blaster. Makulit lang. Pagtiyagaan mo na lang, Cass," natatawang sambit nito.
Shet, bakit okay lang sa kanila?
Kahit kinakabahan ay nginitian ko na lang sila at tahimik na itinuloy ang pag-kain ko. Pagkatapos naming kumain ay lumabas muna kami para magpahangin dahil nagku-kuwentuhan pa 'yung management ng IV OF SPADES.
Buti na lang may maliit na swing sa labas ng restaurant at may garden din kaya doon muna ako tumambay, samantalang 'yung mga kaibigan ko nasa loob ng gazebo kasama sila Zild.
Napa-buntonghininga ako, ulit. Mawawalan pa yata ako ng hininga.
"Uy, Cass." Nagulat ako nang biglang umupo si Blaster sa katabing swing, nginitian ko lang siya. "Okay ka lang? Nabigla yata kita."
"Ano... ang bilis kasi. Naka-drugs ka ba?"
Natawa naman siya, "Hindi," sambit nito. "Sadyang gusto lang talaga kita."
"Ang corny mo, hindi ako kinikilig." Kahit ang totoo gusto na kitang sapakin dahil kinikilig talaga ako. "Tsaka, gusto? Naka-shabu ka yata talaga, e. Wala namang kagusto-gusto sa'kin."
Napansin kong lumingon sa akin si Blaster, ngumiti at bumuntonghininga, "E bakit gusto kita?"
"Challenged ka?" sagot ko.
Natawa naman ito, "Gusto lang talaga kita."
"Paulit-ulit ka e 'no?"
Ngumiti ito at nagkibit-balikat, "Para matandaan mo na nandito lang ako," sagot nito. "Ah, kumusta na pala 'yung sugat mo sa ulo?"
Napalingon ako sa kaniya, "B-bakit pala alam mo?"
"A-ano." Napahawak si Blaster sa batok niya at ngumiti. "Kwinento mo nangyari sa'yo 'di ba? Natakot lang ako."
"Matagal mo na ba akong kilala?"
Blaster sighed, "Matagal na, kaya nga unti-unti, nahulog ako sa'yo nang hindi ko namamalayan."
**
Pagkahatid sa'kin nila Blaster sa condo ko ay agad akong napasalampak sa kama ko, buti na lang Sabado ngayon kaya ayos lang na matulog ako nang late.
11:54 na ng gabi, 6 minutes na lang.
Napa-buntonghininga ako. Parang ayaw ko kasing matapos ang araw na'to, kahit sobrang daming nangyari, kahit naguguluhan ako sa galaw ni Blaster, pakiramdam ko sobrang swerte ko pa rin.
Napangiti na lang ako habang nakatitig lang sa kisame. Unti-unting tumulo ang ulan na kanina pa nagbabadya mula sa kalangitan.
Hindi ko alam kung bakit, pero natatakot na'ko sa ulan. Siguro naaalala kung paano ako muntikan nang mamatay, kung paano ako nasaktan. Hindi rin naman siguro nila ako masisisi kung papapasukin ko sa buhay ko si Blaster.
Kahit naman kasi hindi ako magsalita tungkol kay Meg at Dane, tuwing naaalala ko, pakiramdam ko may kurot pa rin sa puso ko. At kahit subukan kong kalimutan, bumabalik-balik pa rin at patuloy akong hinihila ng nakaraan.
Kahit gusto ko nang ibaon sa limot, pakiramdam ko nandiyan pa rin.
Napa-buntonghininga na lamang ako.
Bigla namang tumunog ang ringtone ng telepono ko. Agad akong napaupo para kunin iyon. Napangiti na lang ako nang makita ko ang pangalan niya sa screen.
Blaster calling...
Napangiti ako, "Ano?"
"Hindi ako makatulog."
Natawa naman ako, "Humiga ka tapos ipikit mo iyang mata mo."
Blaster chuckled, "Mabilis ba talaga para sa'yo, Cass?" tanong nito. "Pwede namang bagalan."
"Blaster," panimula ko. "Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong pumayag, e kanina sinasabi ko lang 'me and Blaster? Not gonna happen' kila Zild 'di ba? You know, hindi ko lang alam kung naniniwala ka sa tadhana, pero siguro, it's making its way to make us realize things before we regret it. What if, I don't give you the chance? Ayaw ko namang mag-regret."
Pakiramdam ko tuloy ay nakangiti lang si Blaster bago ito nakapagsalita, "Gets mo?"
Natawa nang bahagya si Blaster, "Gets na gets, boss," sambit nito. Napangiti naman ako at napakagat sa hinlalaki ko. Ewan ko ba, kung nandito siguro 'yung barkada ko at sabihin kong hindi ako kinikilig, tatawanan lang nila ako.
Kasi 'yun talaga ang nararamdaman ko ngayon.
Napangiti na lang ako. Halos isang oras din kami nagkuwentuhan ni Blaster, hindi ko naman gustong magpaligaw sa kaniya dahil sikat lang siya o ano. Alam ko rin naman na kahit pa paano, may gusto rin ako sa kaniya.
Siguro slight. 'Di ko alam. Magulo pa.
"Cass? Okay ka lang?"
"A-ano..." Natawa ako bahagya. "Sorry, bigla kong naalala si Meg. 'Yung kaibigan ko."
"Ay. Ayos na kayo?"
Napa-buntonghininga ako, "Hindi," sambit ko. "Hindi pa, at hindi ko alam kung kailan. Palagi na lang niya akong iniiwasan. Blaster, I can live without Dane but I can't live knowing Meg is still blaming herself for Dane's mistake. Oo, may mali rin si Meg. Pero mas mali si Dane. Mas mali kami."
"Cass. You can't blame yourself for someone else's mistake. Wala kang kasalanan, not because you accepted Dane into your life e ikaw na dapat 'yung guilty. In the first place, if Meg really treated you as a friend, nirespeto niya na lang sana 'yung relasyon ninyo ni Dane. He was tied to you for God's sake."
Natawa ako, "Super affected, ha."
Pakiramdam ko napangiti si Blaster, "I can't stand seeing you hurt, or even hearing your sighs because someone hurt your feelings," he uttered. "Not on my watch, princess. Not on my watch."
BINABASA MO ANG
By Chance
FanfictionPUBLISHED UNDER KPub PH | Watty Awards 2020 Winner • Fanfiction THIS IS THE UNEDITED VERSION Cassandra never liked the idea of living-and just when she thought she was already on the edge of her life--he came. But how often do you meet soul mates b...