Fog & Dew 30

64 12 1
                                    

Claude's Point of View:

Sa ikalawang pagkakataon ay makakapasok ako sa kwarto ni En.Pi. Sandali niyang ibinaba ang mga gamit ko at binuksan ang pinto ng kanyang kwarto bago pumasok ay kinapa niya ang switch ng ilaw malapit lang sa pinto at nang bumukas na ang ilaw ay agad niyang kinuha ang mga gamit ko at ipinasok iyon habang ako naman ay hindi pa din maiwasang makaramdam ng hiya.

"Oh bakit hindi ka pa pumapasok? Ituring mo na 'tong kwarto mo na din." ang sabi niya na nakangiti nang mailagay na niya sa isang tabi ang mga gamit ko.

"Ano kasi..." ang nahihiya kong sabi.

"Nagsimula ka na namang mahihiya." ang sabi niya at mabilis siyang naglakad malapit sa akin at hinila ako papasok ng kwarto kasabay no'n ang mabilis niyang pagsara ng pinto nito. Napasandal ako sa pinto habang itinukod naman niya dito ang mga kamay niya, tila ba nakakulong ako sa kanya sa bisig niya nang mga sandaling iyon.

"Ano... Fog..." ang sabi ko habang unti-unting naglalapit ang mukha namin hindi ko din maiwasan ang hindi makaramdam ng init sa aking mga pisngi, hanggang sa napapikit na lamang ako. At ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagpitik niya sa noo ko at napadilat ako dahil doon at nakita ko kung gaano siya kasaya nang mga sandaling iyon, ang tawa niya na walang haong kalungkutan.

"Ang cute mo talaga. This is your room na din, no need to be shy. Tsaka I am yours din naman so it means what's mine is yours too." ang sabi niya sa akin at bago pa ako makatugon ay isang halik sa noo ang ibinigay niya sa akin. Hindi na ako nakapagsalita at nakakilos no'n, pinagmasdan ko na lang siya na maglakad palayo para sa akin, pakiramdam ko ay nasa loob ako ng isang magandang panaginip na sa sobrang ganda ay ayoko nang magising pa.

"Dew?" ang tawag niya sa akin, nadidinig ko siya pero parang tanga lang akong nakangiti sa kanya. At sa pagkakataong 'yon isang mabilis na halik sa aking labi ang kanyang ibinigay na nagpabalik sa akin sa riyalidad.

"So totoo pala ang true loves kiss." ang pabiro niyang sabi. Ang maharot na side na ito ni En.Pi ay ibang iba sa kung paano ko siya nakilala na isang seryoso sa buhay na nilalang pero ngayon mas magaan ang lahat, mas panatag ako.

"Gusto pa ba ng isang kiss?" ang sabi niya dahil hindi pa din ako gumagalaw sa kinatatayuan ko, mabilis akong tumango pero agad kong binawi ng pag-iling at siya namang pagtawa niya.

Nagsimula na kaming ayusin ang mga gamit ko dahil nga kahati na niya ako sa kwarto niya ay inayos din niya ang lagayan niya ng mga damit upang magkaroon din ng espasyo para sa mga damit ko. Sa isang magandang upuan naman na medyo may pagka-classic ang dating ay iniligay namin sila Fort at Lagoon, ang dalawang teddy bear na binigay ni kuya Anthony.

"Tingin ko totoo ang sinasabi ni kuya Anthony na they will make us unseparable." ang may masaya niyang sabi habang pareho naming pinagmamasdan ang dalawang teddy bear, at isang tango ang itinugon ko sa kanya. Sa isip ko ay masayang masaya ako dahil kung talagang hindi nga kami magkakalayo ni En.Pi ay wala na akong mahihiling pa.

Naramdaman ko ang pagyakap ni En.Pi sa akin mula sa likod at ipinatong niya sa aking balikat ang kanyang ulo. "I never thought I will fall in love this way. I always been aware how Dada Luke and Dada Arwin started, their struggles, and how they overcome each struggles, the judgment, the separation. I always told myself that if I will be in a relationship, I want to make it different as much as possible as I've learned already from my Dadas story, I want to make this easier and smooth, less worries, struggles, misunderstanding, and of course no separation." ang sabi niya sa akin, at pinagkrus ko ang aking mga braso upang hawakan ang mga bisig na sa akin ay yumayakap.

"Do you think I am being so selfish? I mean, sobra bang makasarili ko kung gustuhin ko lang ng happiness, nang isang positive and healthy relationship?" ang tanong niya sa akin, at nakangiti akong umiling sa kanya.

Rain.Boys VIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon