Claude's Point of View:
Nasa paaralan na kami noon, masaya kami ng mga Sailor Warriors na nagbibiruan, naramdaman ko na kailangan kong pumunta sa banyo para umihi kaya naman dali-dali akong nagpaalam sa kanila. "Uhm mauna na kayo sa hall, sasaglit lang ako sa banyo, naiihi na kasi ako." ang sabi ko bilang pagpapaalam sa kanila.
"Mabuti pa samahan ka na namin, mamaya hanapin ka sa amin ng mga lovers mo lalo na ni Nick." ang sabi ni Mercury.
"I agree, lalo na si Nick, over protective niya sa'yo recently." ang dagdag ni Mars.
"Ano ba kayo, iihi lang ako, sige na mauna na kayo, hindi na kailangan pang samahan pa ako, sabihin niyo na lang na nag-CR lang ako. Sige na hindi ko na talaga kaya talaga pigilin pa eh." ang sabi ko at nagmamadali na akong umalis para pumunta sa pinakamalapit na comfort room. Kung hindi ako nagkakamali college building 'yung napasukan ko pero hindi ko alam kung anong department dahil bihira naman ako gumala sa buong university na iyon.
May kadiliman ang hallway ng building na iyon kahit na may ilaw pero dahil di naman ako takot sa dilim at ramdam ko na kaunti na lang ay lalabas na ang ihi na pinipigil ko ay nagmadali na ako at nahanap ko ang comfort room sa dulo ng hallway. Pagdating doon ay agad akong umihi, nadinig ko na may pumasok ilang minuto matapos kung pumasok na dalawang lalaki na malakas na nagkukwentuhan, sa mga suot nila ay masasabi ko na attendees din sila ng ball, nag-ayos ng kanilang suot at buhok ang dalawa at patuloy na nagkukwentuhan sa harap ng salamin sa lababo ng cr na 'yon. Matapos akong umihi ay naghugas muna ako ng kamay, ang isa sa lalaki na dumating ay nadinig kong nagpaalam sa kasama nito at lumabas.
Palabas na din noon ang lalaki sa cr at tapos na ako noon na maghugas nang biglang dumilim sa loob ng buong comfort room, nadinig ko pa ang lalaki noon na tinanong kung anong nagyayari, hanggang sa naramdaman ko na lang na may nagtakip ng kung anong tela sa bibig at ilong ko. Sinubukan kong humingi ng tulong sa lalaki na kasama ko noon pero parang wala na ito doon, hanggang sa unti-unti ay nakaramdam ako ng pagkahilo, at pagkatapos noon ay ang madilim na comfort room na iyon na lamang ang naaala ko.
"Claude!" ang nadinig kong sigaw ni Nick, at nang madinig ko iyon ay doon din ako nagkaroon ng malay, sa pagbabalik ng malay ko ay isang malakas na kulog at buhos na ulan ang umalingwngaw sa kinaroroonan ko. Madilim sa lugar na 'yon kaya inisip ko na baka nasa loob pa din ako ng cr pero pakiramdam ko ay nasa loob ako ng ibang cr dahil sa ang sahig na inuupuan ko noon ay maalikabok at tila ba ginagawa pa lang ang lugar na iyon.
Nagmamadali kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa ko, at nang makapa ko iyon ay naisip ko agad na i-message agad si Nick, pero kahit isang signal bar ay wala sa lugar na 'yon. Ginamit ko ang cellphone ko bilang ilaw ko at para mas makita ko ang lugar na kinaroroonan ko, at tama ako nasa loob nga ako ng isang under construction na cr. Dali-dali akong tumayo at agad kong tinungo ang pinto ng cr na 'yon pero ng bubuksan ko na iyon ay ayaw nito bumukas tila ba may pumipigil sa labas nito na kung ano para mabuksan ko ang pinto, at doon na ako nagsimula sumigaw at humingi ng tulong.
Mas lumalakas na noon ang buhos ng ulan na aking naririnig, sa sobrang tahimik ng lugar ay nadidinig ko ang nakakabinging ingay nito.
"Tulong!" ang paulit-ulit kong sigaw at hinahampas hampas ko na noon ang pinto para mas makalikha ng ingay.
"Tulong! Pakiusap, tulunga niyo akong makalabas dito!" ang sigaw ko pero halos paos na ako at nakaramdam na din ako ng pagod pero wala pa ding tulong ang dumating, at doon ako nakaramdam ng lungkot, napaupo na lang ako at napasandal sa pinto at dumukdok ako sa aking mga braso na nakapatong sa aking mga tuhod.
Noong sandaling paiyak na ako at pasuko, isang boses ang nadinig ko na isinisigaw ang pangalan ko at sumunod ay isang malakas na kalabog na tila galing sa mga bagay na nahulog na hindi ko alam kung ano, pero matapos ang malakas na kalabog na iyon ay muli kong nadinig ang pagsigaw niya sa pangalan ko, hindi ako maaaring magkamali, si Nick Patrick iyon, si En.Pi, siya ang tumatawag sa akin.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...