Claude's Point of View:
"Babalik pa naman po kayo 'di ba?" ang tanong ko kay mama na noon ay paalis na. Gusto ko nang umiyak nang mga sandaling iyon, pero sabi ni mama dapat lagi lang akong maging masaya para hindi siya malungkot sa pag-alis niya. Nakita ko sa mga mata ni mama na nalulungkot din siya, na ayaw man niyang iwan ako ay wala siyang magagawa dahil siya na lang ang maaasahan ko.
"Mama, babalik ka naman po 'di ba?" ang ulit kong tanong kay mama, at isang ngiti at tango ang kanyang itinugon sa akin.
"Anak ko..." ang nadinig kong sabi ni mama at naramdaman ko ang pag-ihip ng malamig at malakas na hangin. Napapikit ako dahil tumama ito sa aking mga mata at sa pagdilat ko ay wala na si mama sa aking harapan.
"Mama? Mama? Mama? Nasaan na kayo mama?" ang paulit-ulit kong pagtawag sa kanya ngunit walang tugon akong nadinig mula sa kanya. "Mama? Mama? Mama? Nasaan na po kayo mama? Sabi niyo po babalikan niyo po ako? Bakit hanggang ngayon wala pa din po kayo?" ang paglalabas ko ng sama ko ng loob, hanggang sa makadinig ako ng nakabibinging tawanan at bulungan, at bigla na lamang may humawak sa aking balikat.
"Tadeo?" ang gulat kong sabi.
"Nandito ka lang pala, alam mo bang hinahanap kita? Pakipot ka pa kasi, alam ko naman na gusto mo din matikman ang katulad ko, malaki naman 'to kaya tiyak ko na masasarapan ka." ang sabi niya at hindi ko na napigilan ang lumuha.
"Bakla ka naman ka pumayag ka na! Tinanggap na nga kayo sa lipunan na 'to ngayong lumalapit na ang palay sa'yo nag-iinarte ka pa?" ang nadinig kong sigaw mula sa kung saan, kasunod noon ay malakas na tawanan, nakakabinging tawanan. Napatikip ako ng aking mga tainga at napaupo sa aking kinatatayuan.
"Pakiusap tama na, pakiusap tama na..." ang pagmamakaawa ko, at nakita ko ang pinsan ko na ngumisi, unti-unti niya akong inaabot at halos balutin ako ng takot hanggang sa maramdaman ko na may humawak sa aking balikat, kasunod noon ay ang pagbuhos ng malakas na ulan na para bang agad na binura ang imahe ni Tadeo sa aking harapan, nilamon ng mga patak ng ulan ang tawanan at bulungan.
"Claude, Claude, gumising ka Claude." ang nadinig kong sabi ng isang boses at ilang sandali pa ay isang nakasisilaw na liwanag ang sumabog sa buong paligid, at sa pagbukas ko muli ng aking mga mata ay agad na bumungad sa akin si Nick Patrick, bakas sa kanya ang pag-aalala.
"Salamat naman at nagising ka na. Binabangungot ka, mabuti na lang at mababaw pa lang ang tulog ko." ang sabi nito sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang aking itutugon, hanggang sa mapansin ko na nasa loob ako ng isang kwarto. "Nasaan ako?" ang tanong ko sa kanya.
Napabuntong hininga si Nick Patrick at naupo siya sa kama na hinihigaan ko, bumangon ako at sumandal ako sa headboard ng kama. "Nandito ka sa bahay ng grandparents ko, parents ni Dada Luke. Nakita ka namin kasi ni Marty kanina sa waiting shed hanggang sa bigla ka na lang nawalan ng malay dahil sa sobrang taas ng lagnat mo. Kaya dinala ka namin dito. Tinawagan namin sila Dada para matulungan kami sa pagdadala sa'yo dito." ang tugon niya at hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng pagkahiya dahil sa abala na dinulot ko kay Nick Patrick at sa pamilya niya.
"Oh 'wag ka na mahiya, hindi ka naging abala sa amin. Kami ang nagkusa na tumulong sa'yo at nakaisip na dalhin ka dito." ang bigla niyang sabi na para bang nabasa niya ang nasa isip ko at ngumiti ako sa kanya.
"Salamat." ang matipid kong tugon.
"Uhm Claude..." ang pagsambit niya sa pangalan ko at natigilan siya sa nais niyang sabihin.
"May gusto ka bang sabihin sa akin Patrick?" ang usisa ko.
"Uhm kasi... well, 'wag ka ma-offend or whatever. I am just worried about you. Gusto ko lang itanong sana kung ano ba ang nangyari at nagpakabasa ka ng sobra sa ulan? At nakayapak ka pa, tignan mo halos puro sugat na ang paa mo." ang sabi niya at napatingin ako sa mga paa ko na mayroong nakabalot na benda. At nang sandaling iyon ay bumalik sa aking alaala ang pagtatangka ng aking pinsan na gawan ako ng masama, at iniisip ko pa lang na sabihin iyon kay Patrick ay naiisip ko nang pagtatawanan niya lamang ako. Sino nga naman ang maniniwala na may lalaking magtatangkang gawan ng kahalayan ang isang binabae ang puso na tulad ko.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...