Claude's Point of View:
Hindi ko inaasahan na magiging ganoon ka memorable ang unang araw ko bilang isang senior high student, hindi ko din inaasahan na makakakilala ako ng mga taong gugustuhin na maging kaibigan ang isang tulad ko na kung ikukumpara sa kanila ay napakalayo ng aming mga agwat kahit sa estado pa lang ng pamumuhay.
Nang matapos ang huling klase naming para sa araw na iyon ay nagpasya ako agad na magtungo sa department na nangangasiwa para sa maaari kong mapasukan na part-time sa unibersidad na iyon, pero sa di ko inaasahan na madami din pala ang magkakainteres sa ganoong programa ay sinabihan ako ng babae na kumausap sa akin na wala nang available slot para sa programang iyon ng unibersidad. Dismayado man sa nawalang oportunidad ay hindi ko na lamang iyon dinibdib pa, inisip ko na lamang nab aka hindi lang talaga nakalaan para sa akin ang oportunidad na iyon at baka may naghihintay pa sa akin na mas higit pa doon.
Nagpasya na din akong umuwi noon dahil wala din naman na akong balak pa na puntahan pa, saktong paalis na noon ang jeep na sasakyan ko kaya dali-dali na akong sumakay sa harap nito na iisa pa lamang ang nakaupo, sa pagmamadali ko ay hindi ko agad nakilala na si Nick Patrick pala ang pasaherong nakaupo sa harapan na upuan. Napatingin din siya sa akin nang masagi ko siya ng bag ko, at pagkatapos noon ay medyo wirdo na ang ikinilos niya na para bang wala siya sa sarili niya, naisip ko na lang nab aka hindi lamang siya sanay na makipag-usap sa mga bago niyang kakilala.
Habang nasa biyahe ay hindi na din namin naiwasan ni Nick Patrick na hindi mag-usap, madaming bagay din kaming napag-usapan, mula sa mga general topics hanggang sa maging personal na naming mga buhay na bihira ko lang din ikwento sa ibang tao, pero sa kanya pakiramdam ko ay ang gaan sa kalooban na magkwento sa kanya dahil alam ko na nakikinig siya sa akin. Tulad ko ay nalaman ko din na may hindi din siya magandang kwento ng kanyang buhay, sa usapan din naming iyon ko nalaman ang dahilan kung bakit nakakaramdam siya ng takot o kaya naman ay inaatake ng nerbiyos sa tuwing umuulan, kaya naman bago kami bumaba dahil napansin ko na malapit na naming marating ang terminal ng jeep kung saan kami bababa ay naisipan ko na ibigay sa kanya ang stress ball ko na isa sa natitirang alaala sa akin ni mama, nagsinungaling na lang ako sa kanya na mayroon pa akong extra na stress ball dahil sa alam kong tatanggihan niya na tanggapin iyon. Ang hiling ko lang nang sandaling iyon ay makatulong ang stress ball na 'yon na mawala kahit paano ang takot niya sa ulan, tulad kung paano ako nito tinulungan noong mga panahon na natatakot ako sa mundo at nalulungkot sa mga naging karanasan ko.
Malapit na ako noon sa bahay nang matanaw ko na lumabas si tita na posturing postura at agad na lumabas kasunod niya sila tito at Tadeo na pareho ding bihis na bihis, naisip ko na hindi naman araw ng Linggo dahil nagbibihis lamang sila madalas ng ganoon sa tuwing magsisimba, kaya mas minabuti ko nang bilisan ang paglapit sa kanila dahil tiyak na may lakad sila at may ibibilin ang mga ito sa akin bago umalis.
"Oh Claude mabuti at nakauwi ka na." ang agad na bungad sa akin ni tita Uge nang Makita niya akong dumating.
"Saan po ang punta niyo?" ang aking tanong bilang tugon.
"Ah tumawag kasi ang mga kapatid nitong tito Nestor mo, nakauwi na kasi galling Australia ang isa nilang kapatid at inimbitahan kami na pumunta doon para sa salusalo ng pamilya. Baka bukas na kami umuwi kaya ibibilin na naming sa'yo 'tong bahay, huwag ka nang gagala pa ha, baka mamaya din sino-sino pa papuntahin mo ditto sa bahay, naku malilintikan ka talaga sa akin." Ang bilin ni tita Uge na may kasama pang pagbabanta.
"At tsaka may ulam sa mesa, 'yon ang kainin mo, huwag mong gagalawin 'yung mga nasa ref ha bilang ko 'yon at para sa pagtitinda ko bukas 'yon. May dala naman kaming susi kaya kung papasok ka ng maaga ay pumasok ka kung sakaling di kami makauwi agad." Ang dagdag na pagbibilin nito.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...