En.Pi.'s Point of View:
Sumapit na ang araw ng Senior High Ball namin, at maaga pa lang ay gising na ako para i-check kila Mars if kasama na nila si Claude. Hindi naman ako naging ganito ka-excited sa ano mang school events noon, kahit na noong JS Prom pero ngayon iniisip ko pa lang na maisasayaw ko si Claude as my last dance is something na nilu-look foraward ko sa araw na 'to. Alam ko how many students are dying to have this once in a life time chance or opportunity, 'yung maisayaw sa mga events na ganito ang crush o taong gusto nila, well for me exciting pero may halong kaba kasi ito din ang unang beses na magiging mas open ako sa ibang tao, ito din 'yung unang beses na susubukan kong pumasok sa isang relasyon and asking him to be my partner in life.
Nakahiga lang ako noon sa kama ko, tamang daydream sa kung ano ang mga expectations ko sa araw na 'yon. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti, isipin ko pa lang na magkalapit kami ni Claude, tanging sa mga mata niya lang ako nakatingin at ganoon din siya sa akin, tapos kasabay ng magandang music sa background while we are dancing ay para bang unti-unti nagiging kami na lang ang tao sa mundo. Hanggang sa mapapikit ako at bumangon sa aking pagkakahiga at para ba akong baliw na nagsayaw mag-isa sa kwarto ko, pero agad akong bumalik sa riyalidad nang madinig ko ang messenger ko na tumunog.
Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa side table at tinignan kung sino ang nag-message sa akin, si Mars, ipinaalam niya sa akin na nasa meeting place na si Claude at mas maaga sa inaasahan nila. Hindi man opisyal na kami, I acted as Claude's official man, oo sobra akong nag-aalala sa kanya kapag alam ko na mag-isa lang siya, knowing na napakaaga niya sa meeting place nila ni Mars ay nakiusap ako sa kanila na baka pwedeng sunduin na nila si Claude at agad namang pumayag si Mars at sinabi na sasabihan na niya sila Mercury at Venus na gumayak para makapunta na sila agad sa meeting place.
Habang hindi pa nagre-response sa huling message ko si Mars ay agad akong nag-message kay Claude, hindi ko naman din inaasahan na magre-response siya pero nang biglang tumunog ang message notification ko at nakita kong nag-response siya sa message ko, p*ts* hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi kiligin, dahil kahit sa messenger ay tinawag niya ako sa endearment namin which means a lot para sa akin. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay naalala ko na napaaga siya ng dating sa meeting place kaya naman naisip ko na baka hindi pa ito kumakain ng almusal at sakto namang bukas na ng ganoong oras ang cafe ni tito Sunny kaya dali-dali akong tumawag through video call.
"Hello? En.Pi, bakit napa-video call ka? May problema ba?" ang agad na bungad ni tito Sunny na halatang nasa counter na ng cafe.
"Ah wala naman po, pero can I ask a favor po? Pwede po ba na mag-prepare po kayo ng pinaka masarap niyo pong breakfast sa menu niyo? Then pa-prepare na din po ng tatlo pa bukod doon sa isa, para naman po sa mag-pickup 'yung tatlo. Don't worry po I will send the payment po agad through bank transfer." ang sabi ko at napansin ko na nangiti si tito Sunny.
"Tell me, 'yung isang breakfast na pinapagawa mo, para kanino? Para ba kay Claude?" ang usisa niya kahit alam na niya ang sagot, kaya napatango na lang ako, at nakita ko kung paano mas napangiti si tito Sunny.
"Sana sinabi mo agad, teka what time darating ang mag-pickup? I will ask my staff to prepare it agad and no need to pay for it na, isipin mo na lang gift ko na sa inyong dalawa 'yon."
"I insist tito, that is your business and hindi pwedeng libre lang dahil kakilala." ang sabi ko.
"Ako ang owner kaya huwag nang magreklamo, tsaka ngayon lang 'to next time you will need to pay na, looking forward to see the two of you sa date niyo dito." ang sabi ni tito Sunny at bago ba ako makapagsalita ay ibinaba na niya ang video call kaya naman agad akong nag-message kay Mars para makisuyo na daanan na din ang breakfast na pinahanda ko para kay Claude at sinabi ko din na meron na din akong pinahanda para sa kanila, at agad naman na sumang-ayon si Mars at ibinigay ko na din ang mga detalye tulad ng pangalan ng cafe ni tito Sunny at kung ano ang sasabihin nila para malaman ni tito Sunny na sila ang kukuha nito.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...