En.Pi's Point of View:
Nang mga sumunod na araw ay naging abala na ang klase sa mga gawain dahil nagsimula na din magklase ang iba pa naming instructor. Abala na din ang mga kaklase namin na matagal na sa eskwelahan na 'yon sa paghahanda ng mga club nila para sa gaganaping Senior High Ball. Sa mga araw na iyon ay iniiwasan na kami ni Marty na samahan. Sa tuwing lalapitan ko siya ay para ba kaming dalawang magnet pole na parehong North or South kaya paglalapit ako ay siya namang layo niya. Madalas niyang samahan sa mga araw na iyon ay si Daniela na madalas ding makaparinigan nila Mercury dahil sa halatang pinaparinggan nito si Claude na hindi namin nagugustuhan ngunit mas gusto ni Claude na huwag na lang namin ito patulan pa kaya naman nirespeto ko 'yon at hindi ko na din halos pansinin ito.
Araw ng Biyernes, katatapos lang ng huling klase namin para salinggong iyon at lahata kami noon ay nagtatawanan pang inaayos ang aming mga gamit dahil sa mga nakakatawang jokes ng Sailor Warriors. "Ay maiba pala ako guys. Baka gusto niyo magkaroon tayo ng bonding moments this Sunday? I mean oo madalas tayo magbonding dito sa school pero never pa tayo nakapag-bonding sa galaan." ang suhestiyon ni Mars.
"Ay bet ko 'yan! In ako diyan." ang sabi ni Mercury.
"Sure go ako diyan." ang sagot naman ni Venus.
"Well kung gusto niyo ng isang idea kung na pwede natin puntahan sa galaan ay maalam akong isa na possible niyo magustuhan." ang sabi naman ni Jupiter. "Nagbukas kasi ng isang thrift shop cafe ang isa sa mga kapatid ng kaibigan ko, the unique with this shop kasi ay thrift shop siya ng mga stuffed toys at ilang pangregalo, at malilinis na din lahat ng mga nandoon, good as new I swear and you will love there I swear." ang dagdag na sabi ni Jupiter.
"Totoo ba 'yan?" ang tanong ni Claude na mukhang interesado na makapunta sa shop na nabanggit ni Jupiter.
"Mukhang mahilig ka sa stuffed toys ah?" ang sabi ni Inno at bahagyang nagpakita ng pagkahiya si Claude.
"Parang ganoon na nga, noong bata pa kasi ako at kasama ko pa si mama, madalas na stuffed toys ang regalo niya sa akin kaya pangarap ko magkaroon ng napakaraming koleksiyon nito someday." ang sabi niya bilang tugon. "Medyo isip bata kung titignan pero iyon talaga ang isa sa pangarap ko." ang dagdag pa niyang sabi.
"Ano ka ba, huwag mong sabihin na pangbata ang pangarap mo, dahil kung iyon ang isa sa mga pangarap mo walang dahilan para hindi mo tupadin 'yon." ang sabi ko naman at nakita ko na tila ba nagkaroon siya ng tiwala sa sarili niya na matutupad niya ang pangarap niyang iyon.
"I agree with Patrick, walang masama sa pangarap mo." ang pagsang-ayon ni Jupiter.
"So does it means gora tayo lahat sa Sunday, lalo ka na Sailor Moon?" ang tanong ni Mars at isang tango ang agad na itinugon ni Claude sa kanya.
Palabas na noon si Marty at bago .pa ito makalabas ay agad kong tinawag ang pangalan niya dahilan para mapatingin sa akin sila Jupiter at siya din namang paglingon sa akin ni Marty. "Sama ka sa amin sa Sunday, may gala kami." ang paanyaya ko kahit na alam kong hindi naman talaga ako ang nakaisip ng galang ito.
"Pag-ii..."
"Sumama ka na, para makumpleto tayo. Ngayon ko lang din kasi mararanasan gumala kasama ng madaming kaibigan." ang sabi ni Claude at sandaling tumahimik si Marty na tila nag-isip pa.
"Okay sige, para sa'yo Claude sasama ako." ang sabi ni Marty at nagpaalam siya kay Claude bago agad na umalis.
"Guys sorry ha, nag-decide na ako nang hindi kumukonsulta sa inyo." ang paghingi ko ng paumanhin.
"Ano ka ba naiintindihan ka namin, and gusto din naman namin talaga maging kaibigan din si Marty, kaya no need to apologize. At tsaka sabi nga ng gasgas na gasgas nang kasabihan, the more, the merrier!" ang sabi ni Mars na siyang nakaisip ng gala na iyon.
"So everything is settle na? I will call my friend para ma-inform niya na din ang brother niya na we will visit their shop. I will check out other nearby places na pwede natin puntahan." ang masayang sabi naman ni Jupiter, at lahata naman kami ay sumang-ayon sa kanya.
"Mas mabuti kung magkita-kita na lang tayo sa park malapit dito sa school around 7 AM. Ikaw nang bahala mag-inform kay Marty ng call-time." ang sabi naman ni Mars.
"Saba-sabay na siguro kami nila Jupiter na darating do'n dahil hindi naman halos magkakalayo kung saan kami nakatira." ang sabi ni Mercury.
"I agree to that." ang pagsang-ayon naman ni Venus.
"Okay, I can ask one of our drivers para maihatid ako ng maaga sa meeting place." ang sabi naman ni Inno.
"Okay magsasabay-sabay na lang kami nila Marty, just to make sure na pupunta din siya." ang sabi ko naman wala namang pagtutol akong nadinig mula sa kanila.
Nang makauwi ako ng bahay ay agad akong pumunta sa aking kwarto, agad akong nahiga sa aking kama, kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at agad na dumiretso sa messenger ko at agad kong hinanap ang pangalan ni Marty.
"Bro, 7 AM ang call time bukas. Sabi ko magsasabay-sabay na tayo nila Claude." ang sabi ko sa chat message na sinend ko sa kanya. Hindi siya onlin noong I-send ko ang message ko sa kanya, at to be honest namimiss ko na din ang best friend ko. Ibaba ko na noon ang cellphone ko nang biglang tumunog ang notification tone ng messenger ko at nakita ko na sinagot niya ang chat message ko sa kanya.
"Okay. Magpapahatid na lang ako kila daddy at mommy, tutal pupunta din naman sila diyan sa Sunday." ang tugon niya sa chat message ko.
"By the way si Claude? Saan natin siya Imi-meet?" Ang tanong niya sa akin at napaisip ako sandali bago siya sagutin.
"Actually hindi ko pa natanong sa kanya, pero kung gusto mo sunduin na lang natin siya sa kanila?"
"Alam mo na kung saan siya nakatira?"
"Oo, remember noong nakita natin siya? Tumakas siya noon para makauwi sa kanila pero hindi niya alam na nasundan ko na siya. So if okay ka sa idea ko, sunduin na lang natin siya." ang tugon ko at ilang minuto din ang hinintay ko bago niya i-seen ang message ko at ilang minuto pa ulit bago siya sumagot.
"Okay sige, nagsabi na ako kay daddy at mommy na agahan ang punta namin diyan. See you by Sunday, I'll take my rest now." ang tugon niya, at kahit paano naramdaman ko na kalmado si Marty noon, at dahil nagawa na niya ako kausapin ay alam ko na kahit paano ay na-miss din ako ng best friend ko.
Ilalagay ko na sana noon sa side table ang cellphone ko para sana makapagpahinga ako nang biglang tumunog muli ang notification tone ko sa messenger at agad akong napabangon mula sa aking pagkakahiga nang makita ko kung sino ang nag-message sa akin.
"Hello En.Pi, kamusta ang new school mo? It's been a long time na din since our last conversation both personally and here in messenger. Sana makapag-usap tayo soon, I really want to see you again and may sasabihin din ako na mahalaga, I don't know if magiging masaya ka or not." At nang sandaling iyon ay tinitigan ko lang mensaheng iyon sa akin ng taong hindi ko inaasahang babalik pa sa buhay ko.
"You do not need to response now, a seen is enough pero still I am looking forward talaga na magkita tayo ulit at magkausap." ang pahabol nitong mensahe at kasunod noon ay isang pulang puso na emoji.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...