En.Pi.'s Point of View:
Gabi na nang makauwi kami mula sa bonding naming mga magkakaibigan, dala ko noon ang teddy bear na binigay sa akin ni kuya Anthony, si Fort, ang teddy bear na may brown sweater. Dahil gabi na din ay nakiusap sila Dada na doon na din muna magpalipas ng gabi si Marty, agad nilang tinawagan sila Tita Chini at Tito Von para sabihan patungkol doon, at agad naman silang pumayag.
"Mabuti naman at naging maayos na kayong dalawa." ang sabi ni Dada Luke.
"Ang akala niyo ba ay hinid namin alam na may tampuhan kayong dalawa nitong mga nagdaang araw?" ang dugtong ni Dada Arwin, at pareho kami ni Marty na napakamot ng ulo.
"Pasensiya na po kayo Tito Luke at Tito Arwin kung napag-alala pa namin kayo. I mean kasalanan ko din naman po." ang tugon ni Marty at umiling si Dada Luke.
"Hindi naman na mahalaga kung sino ang may kasalanan ng isang tampuhan, ang mahalaga ay pareho kayong gusto na maayos ang gusot, at pareho niyong inayos." ang sabi ni Dada Luke.
"Oh siya sige maiwan na muna namin kayo at aayusing lang muna namin yung room na tutulugan mo Marty, hatid ka na lang namin bukas ng maaga sa inyo para makapagpalit ka ng uniform bago pumasok." ang paalam ni Dada Luke.
"Gusto mo bang dalhin ko na din 'yang mga pinamili niyo?" ang alok ni Dada Arwin na tulong nang mapansin niya ang dala ni Marty na paper bags ng mga stuffed toys mula sa shop ni kuya Anthony.
"Ah hindi po okay na po, ako na lang po ang magdadala nito sa room mamaya. Need ko din po i-sort out 'yung iba dito." ang agad namang tugon ni Marty.
"Okay sige. Maiwan ko na kayo, sundan ko na si Drip sa pag-aayos." ang paalam ni Dada Arwin, at tinugon naman namin siya ng tango.
Nang makaalis na sila Dada ay naupo muna kami ni Marty sa couch, maingat kong ibinaba ang paper bag ni Fort sa tabi ko habang maingat ding ibinaba ni Marty ang paper bag ng mga stuffed toys na pinamili niya sa sahig. Nang maibaba na niya ay isa-isa niya na iyong tinignan na parang may hinahanap sa mga pinamili niya.
"Oh ano naman ang hinahanap mo diyan?" ang usisa ko.
"Ah may gusto kasi akong ipaabot sa'yo, mas okay kasi kung ikaw na ang magbibigay kaysa ako." ang tugon niya sa akin habang ang atensiyon niya ay nasa mga pinamili pa din.
"Para kay Claude sana at kay..." ang hindi niya tinuloy na sabihin at naramdaman ko na tila nahiya pa siyang sabihin noon kung sino pa ang isa niyang gustong pagbigyan, at hindi ko naiwasan na hindi mapangisi.
"Si Claude at sino nga ulit 'yung isa?" ang nakakaloko kong tanong sa kanya, at isang stuffed toy na sisiw ang tumama sa mukha ko.
"Baliw, baliw ka din talaga 'no? Kala mo hindi ko alam na may balak kang asarin ako?" ang nangingiting sabi ni Marty, pero napansin ko agad ang pamumula ng tainga niya, nangangahulugan na nahihiya ang tukmol.
"Sira! Bakit naman kita aasarin? Curious lang ako, alam mo bilang best friend mo, curious lang ako kung sino 'yang bago mong napupusuan? I mean sino pa 'yung gusto mong bigyan ng isa pang stuffed toy bukod kay Claude." ang pabiro kong sabi na ang tono ko ay kunwari concern pa. At isang stuffed toy ni Yoshi ng Super Mario ang sumunod na tumama sa mukha ko.
"Curious mo mukha mo, kabisado na kita EnPi, kaya 'wag mo akong daanin diyan sa tono mong kunwari concern, hindi ka ganyan pag-concern ka." ang natatawang sabi niya.
"Heto!" ang bigla niyang sinabi nang makita na niya ang hinahanap niya.
Una niyang iniabot sa akin ang isang teddy bear na may pakpak ng angel. "Heto bigay mo 'to kay Claude bukas, ikaw na ang mag-abot nito sa kanya." ang bilin niya at pagkatapos ay agad niyang kinuha ang isa pang paper bag na may kalakihan.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...