Luke's Point of View:
Maulan ang araw no'n nang dumaan sa bahay namin ni Arwin sila Sir Vinci at Ma'am Mona kasama si baby EnPi. Masayang masaya kami noon ni Arwin nang dumating sila dahil ilang buwan din naming hindi nakasama si baby EnPi dahil sa nagbakasyon sila ng pamilya niya sa Japan bilang pagse-celebrate para sa wedding anniversary nila. Apat na taong gulang na noon si baby EnPi kaya naman kahit paano ay nakakalaro na namin ni Arwin, at nang mga sandali ngang iyon ay magkalaro ang mag-ama sa sala habang kami nila Sir Vinci at Ma'am Mona ay nasa kusina.
"Kamusta ang Japan Sir at Ma'am? At congrats po pala ulit sa anniversary niyo." Ang usisa at pagbati ko sa kanila habang nagsasalin ng mainit na tsokolate na ginawa ni Arwin bago dumating sila Sir Vinci.
"Masaya naman Luke, medyo magastos nga lang dahil ang supposed to be na week stay naging month ha-ha." Ang pabirong sabi ni Sir Vinci, at inilapag ko sa harap niya ang isang tasa ng mainit na tsokolate. "Pero worth it naman na matuturing ang gastos, lalo na kasama ko sila Mona at EnPi. Dapat next time sumama na kayo sa amin 'pag nag out of the country ulit kami." Ang bawi at aya ni Sir Vinci. At inilapag ko sa harap ni Ma'am Mona ang isa pang tasa ng mainit na tsokolate.
"Oo nga Luke, dapat next time sumama na kayo sa amin. Para naman double celebration tayo no'n at tsaka mga magulang din kayo ni baby EnPi kaya sure na mas matutuwa siya pag nando'n kayo. Nakakatuwa ang batang 'yan kasi lagi kayo hinahanap noong nasa Japan kami, laging dada ang sinasabi kapag nakakakita ng mga taong magkatabi na matangkad at maliit." Ang sabi ni Ma'am Mona na hindi ko alam kung talagang niyayaya kami na sumama o gusto lang ako asarin.
Naupo ako sa upuan malapit kay Ma'am Mona at uminop ng kaunting mainit na tsokolate. "Gusto talaga naming sumama no'n pero alam niyo naman na noong time na 'yon medyo naging abala kami ni Arwin sa trabaho, kaka-promote lang din ni Arwin noon sa trabaho at hindi siya makapag-file ng leave dahil gusto niya na maganda ang maging impression ng mga bosses at katrabaho niya sa kanya." Ang tugon ko. "Pero next time, promise sasama na kami kasi talagang namiss namin ng sobra si baby EnPi. Halata naman di ba? Tignan mo 'yung hilaw na dada ni baby di na kayo nagawang harapin dito." Ang dagdag kong sabi at biro, at siya ding tawanan namin.
"Ha-ha-ha, ano ka ba ayos lang 'yon. At tsaka ang totoo niyan pumunta kami dito talaga para yayain kayo na mag Baguio ngayong araw mismo." Ang biglang sabi ni Sir Vinci na para bang nabitin pa sila sa Japan escapades nila at gustong ituloy sa Baguio ang gala at take note maulan pa dahil sa low pressure area.
"Teka seryoso ba kayo diyan? Bakit agad-agad naman po yata, tsaka sa sama ng panahon baka di din natin ma-enjoy ang Baguio, lalo na pamimitas ng strawberries." Ang sabi ko na sa totoo lang ay nag-aagaw ang isip na gusto kong sumama at sa hindi.
"Ha-ha sabi ko sa'yo Vinci magugulantang 'tong si Luke." Ang natatawang sabi ni Ma'am Mona dahil talaga namang hindi maipinta ang mukha ko noon dahil sa pagkabigla. "Oo Luke, seryoso kami na magBaguio today, hindi namin alam pero bigla lang namin naisipan na sulitin ang natitirang mga araw pa ng vacation namin dahil in few weeks back to school na. Oh ano makakasama ba kayo?" Ang tanong ni Ma'am Mona, napatingin ako noon kila Arwin at baby EnPi na masayang maglalaro sa sala at tila hindi nadidinig ni Arwin ang kung ano mang pinag-uusapan namin noon.
"Gustuhin ko man Sir Vinci at Ma'am Mona na sumama kami ni Arwin ay hindi kami available today dahil bukas ay may client ako na need i-meet para sa upcoming project ng company namin, habang si Arwin ay luluwas ng Zambales para i-check yung magiging next location ng company project nila." Ang naging sagot ko sa imbitasyon nila na medyo may panghihinayang dahil maganda din sana iyon na pagkakataon para makapag-bonding kaming lahat na kasama si baby EnPi.
"Ay gano'n ba, sayang naman. Akala pa naman namin makakasama kayo today. Mukhang life do change once na magkatrabaho na ang isang tao. Kung dati nagagawa mo lahat ng gusto mo, napupuntahan mo lahat ng gusto mo puntahan basta may budget ka, at iba pa pero pag nagkatrabaho na yung oras mo para sa sarili mo noon hating hati na kaya sa mga vacation leave at holidays na lang bumabawi ang karamihan to enjoy their lives." Ang sabi ni Sir Vinci na mukhang malalim pa ang pinaghugutan.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...