En.Pi.'s Point of View:
Lunes, alas-kwatro pa lang ng umaga ay gising na kami lahat sa bahay dahil na din kailangan na ihatid nila Dada si Marty para makapaggayak pa 'to para sa klase namin sa araw na iyon. Bago umalis ay naghanda muna ng almusal si Dada L, at walang halong pambobola ay nag-I-improve na si Dada L sa pagluluto, hindi ko tuloy maiwasan na mangiti kapag nakikita ko sila ni Dada A na nagiging sweet sa isa't isa.
"Ang sarap po nitong ginawa niyong breakfast tito Luke." ang papuri ni Marty, "Ano pong tawag sa niluto niyo na 'to parang ngayon ko lang po ito natikman?" ang dagdag pa nitong sabi.
"Hmm, naku bolero." ang tugon ni Dada L dahil hindi siya naniniwala na masarap ang niluto niya at napuri siya ng maselan sa pagkain na si Marty.
"Hindi naman nambobola si Marty, masarap talaga ang luto mo Drip. Well masarap naman na din ang mga niluluto mo noon, pero mas masarap 'tong niluto mo. Improving ang cooking skill Drip ah." ang pagsang-ayon ni Dada A kay Marty.
"Para kayong mga sira, kumain na nga lang kayo." ang sabi ni Dada L na halatang natuwa dahil sa namumula siya nang mga sandaling iyon.
"Si Dada Luke, namumula ka na nga, pahumbl masiyado." ang pabiro kong sabi, at nagtawanan naman sila Dada A at Marty.
"Nagsamasama na naman kayong mga baliw kayo."
"Pero seryoso po tito, masarap po talaga itong niluto niyo, kaya baka pwede po sabihin niyo na po sa akin 'yung name nitong niluto niyo so I can ask mommy to cook this one too besides alam niyo naman po kung kanino ako nagmana pagdating sa pagkain?" ang sabi ni Marty at mukhang dahil doon ay naniwala na si Dada L na masarap talaga ang luto niya.
"Nakita ko lang naman sa Google ang recipe niyan, if tama pagkakatanda ko, hashbrown breakfast casserole ang tawag diyan. I-send ko na lang sa mommy mo 'yung recipe." ang tugon ni Dada L.
Nang matapos ang almusal namin noon ay nagpaalam na sila Dada na ihahatid na nila si Marty sa bahay nito. Bago umalis ay ibinilin nila sa akin na gumayak na din ako para sa pagpasok at si Marty naman ay ibinilin sa akin na huwag kong kalimutan ang pinapakisuyo niya sa akin, na tinugon ko naman ng tango.
Nang makaalis na sila aya agad din akong pumasok ng bahay para gumayak, inayos ko muna ang lahat ng gamit na dadalhin ko kasama na doon 'yung mga stuffed toys na pinabibigay ni Marty kila Claude at Tadeo. Habang nag-aayos ay hindi ko naiwasan na hindi mapatingin kay Ford, hanggang sa maisipan ko na kuinin siya at inilagay ko siya sa bag ko, ang weird man pero para bang basta may kinalaman kay Claude ay hindi ko magawang iwanan, ganito yata talaga kapag na-in love ka kung ano-anong weird na bagay nag naiisipan mong gawin. At pagkatapos noon ay nagpasya na akong maligo para maghanda sa isang araw na ang tangi kong nilu-look forward ay ang araw na maging opisyal na kami ni Claude.
Pagkapasok ko pa lang sa classroom ay agad na akong sinalubong ng mga kaibigan namin, wala pa noon si Claude at Marty kaya naman nagawa pa namin na makapag-usap nang patungkol sa plano namin pero sinuguro namin na kami-kami lang ang makakadinig dahil na din iniiwasan namin na may sumira noon, lalo na at nagwarning si Mercury at Venus na mag-ingat kami kay Daniela pagdating sa mga bagay na magagamit nitong panghamak sa pagkatao ni Claude.
"Bakit yata parang ang dami mo yatang dala na paper bags?" ang usisa ni Mars.
"Anong parang? Madami talaga kamo. Teka hindi ba 'yan 'yung paper bags ng stuffed toys sa shop nila kuya Anthony?" ang sabi naman ni Venus nang mapansin niya ang tatak ng paper bags na dala ko. "At siyempre stuffed toys din ang laman? Para kanino? Tanda ko hindi ka naman bumili ng stuffed toys kahapon ah?" ang dagdag pa nito.
"Kalma lang, hindi sa akin galing 'to. Kay Marty galing ang mga 'to nakisuyo lang sa akin na ipaabot 'to kay Claude." ang tugon ko naman.
"Kay Claude? Bakit hindi ba siya papasok ngayon at nakisuyo pa siya na ipaabot sa'yo 'yan?" ang usisa naman ni Jupiter.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
JugendliteraturRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...