Fog & Dew 35

77 9 3
                                    

Claude's Point of View:

Nang sumunod na araw ay maaga akong nagpahatid kay mama, pinagmamasdan ko ang dinaraanan namin hindi para mag-emote kundi para alalahanin. Nang umaga din kasing iyon ay dumating na ang mga dokumento para sa nalalapit kong pag-alis kasama si mama pabalik sa Australia, hindi ko inaasahan na gano'n magiging kabilis ang pagproseso no'n, hindi ko inakala na mamadaliin ako ng panahon sa pag-alis ko. Sa mga sandaling iyon iniisip ko ang lahat ng nangyari sa akin, ang mga taong tumanggap sa akin noong mga panahong isinusuka ako ng mga kamag-anak ko, 'yung mga taong bagong kakilala ko pa lang pero halos ituring na nila na tila ba matagal nang naging bahagi ng buhay nila, 'yung mga taong hindi ko man naging kasundo noong una ay nang maglaon ay naunawaan namin ang isa't isa at nagsimulang maging magkaibigan, at ang huli pero siyang dahilan kung bakit ang kapalaran ko ay parang tinahi at nabuklod, si En.Pi, kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikilala ang iba naming mga kaibigan, kung hindi dahil sa kanya hindi ko magagawang mas maging malakas, kung hindi dahil sa kanya hindi ko mauunawaan ang mapagparayang pagmamahal.

Agad akong bumaba ng sasakyan at nagpaalam kay mama nang makarating na kami ng unibersidad dahil nga sobrang aga kong dumating ay mangilanngilan pa lang ang tao sa buong unibersidad. Hindi ko inakala na iiwan ko agad ang unibersidad na 'to, ni hindi ko pa nga halos nalilibot ang kabuuan nito. Tahimik akong naglakad habang pilit na tinatandaan ko ang bawat lugar na pwede kong matandaan sa unibersidad na 'yon, ang cafeteria na kapag tinamad kaming lumabas para kumain ay dito namin pinipiling kumain, ang mga bench na minsan naming nagiging tambayan, at siyempre ang Senior High building kung saan nagsimula ang lahat.

Papasok na sana ako sa Senior High Building nang sa unang hakbang ko pa lang ay natanaw ko si En.Pi na noon ay naglalakad papunta sa direksiyon ko. Nang sandaling 'yon, magkahalong saya, kaba, pagkasabik, at lungkot ang nadarama ko. Masaya ako dahil sa umagang iyon ay nakita ko siya. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa mga sandaling ito. Nasasabik ako dahil gusto kong malaman niya na alam ko na ang dahilan niya at labis akong nagpapasalamat sa kanya. At nalulungkot ako dahil alam kong ano mang araw o linggo ay iiwan ko na siya maging ang aming mga kaibigan, at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Nasa ganoon akong pag-iisip nang huminto siya sa harap ko, nagtama ang aming mga mata, ngumiti kami sa isa't isa, at tila tumigil noon ang oras para sa amin, at awtomatikong niyakap namin ang isa't isa.

"I'm sorry, I'm sorry for being such a g*g*, for hurting you. I can explain why I did it but I swear I do it only for..."

"Hindi mo na kailangan pang i-explain sa akin, sinabi na sa akin ni Ramses ang lahat kahapon, ako nga ang dapat humingi sa'yo ng sorry kasi hinusgahan kita agad dahil lang sa nakita ko, hinusgahan ko agad 'yung pagmamahal mo para sa akin." ang sabi ko at mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya sa pag-aalala na baka nanaginip lang ako, ngunit naramdaman ko na tumugon din siya ng yakap niya sa akin.

"But I should've spoke to you instead. I mean, alam ko na hiniling ng mama mo na sumama ka na sa kanya sa Australia, at you asked her na mag-iisip ka muna, at alam ko na hindi ka makapagdesisyon dahil ayaw mo na maiwan ako."

"Pero pinili mo na magsakripisyo, naisip mo na kung lalayo ang loob ko sa'yo ay mas magiging madali para sa akin ang piliin ang sumama kay mama."

"Yes, tama ka, kasi alam ko kung gaano ka na nasasabik sa mama mo, alam ko kung gaano katagal mo hinintay na dumating 'yung panahon na makasama mo siya, mayakap mo siya, matawag mo siya, madinig mo ang boses niya. Mahal kita, mahal na mahal kita Dew, pero hindi ako selfish na tao, at dahil mahal kita gusto ko lagi 'yung mas makakabuti sa'yo, 'yung makakapagpasaya sa'yo kahit na hindi man ako 'yung main reason bakit masaya ka at least masasabi ko na napasaya kita, ayoko na balang araw you live with so much regrets and what ifs. Ayoko na dumating 'yung araw na oo magkasama tayo pero pinagtatalunan natin 'yung mga pagkakataon na hindi mo naranasan dahil sa relasyon natin, mahal kita, mahal na mahal, at ayokong maging gapos ang pagmamahal ko para sa'yo, ang gusto ko maging pakpak mo ko para mas maging malaya ka na gawin ang mga bagay na hindi mo nagagawa noon, gusto kong piliin mo ang bagay na mas makakapagpasaya sa'yo." ang sabi niya at hindi ko mapigilan ang hindi maluha habang pinakikinggan siya sa kanyang mga sinasabi.

Rain.Boys VIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon