Claude's Point of View:
Pagpasok ko pa lang ng classroom ay agad ko nang natanaw ang lalaking nakasabay ko sa jeep, bakante noon ang upuan sa tabi niya, papunta na ko sana noon sa pwesto na iyon pero bigla akong nagdalawang isip na maupo sa tabi niya noong napansin ko nakatingin siya sa akin, at bago pa ako makapagpasiya kung mauupo ako sa tabi niya ay may isang babae nang naunang maupo sa akin. May bakante pa ding isang upuan sa harapan katabi ng isang gwapong lalaki pero hindi din ako mahilig maupo sa pinakaharap na bahagi ng klase kaya naman mas pinili ko na lang na maupo sa likod kung saan iilan pa lang ang nakaupo.
Iginala ko lang noon ang aking mga mata sa buong silid, may ilan nang halatang magkakakilala, may ilan naman ang masasayang nagpapakilala na sa isa't isa, kasama na doon ang babaeng naupo sa tabi ng lalaking nakasabay ko sa jeep. Mas pinili ko na lamang na manahimik noon dahil sanay na din naman ako na walang kumakausap sa akin, hanggang sa namalayan ko na lang na may lalaking nakatayo malapit sa akin.
"May nakaupo na ba dito?" ang tanong nito sa akin, nang sandaling iyon doon ko lang din napansin na bahagyang natahimik ang klase at nakatuon sa kanya ang mga mata ng mga babae.
"Uhm wala, wala pa namang nakaupo diyan." ang sabi ko na may kasama pang pag-iling.
"Great!" ang sabi nito at agad siyang naupo sa tabi ko. Agad ko na din namang inalis ang tingin ko sa kanya, pero hindi ko maiwasang mailang dahil pakiramdam ko isang santo ang katabi ko lalo na dahil sa humahalimuyak nitong pabango.
"Bago ka lang sa school na 'to?" ang bigla nitong tanong at napatingin ako sa kanya, itinuro ko ang sarili ko para siguraduhin na ako ang kinakausap niya.
"Yup ikaw nga." ang tugon nito, at napatango na lang ako.
"Sorry if feeling close ako, it seems kasi na good person ka." ang sabi nito sa akin.
"Okay lang, mukhang mabait ka din naman." ang naging tugon ko naman sa kanya at hindi na nadugtungan pa ang pag-uusap naming iyon.
Sakto sa oras nang dumating ang magiging guro namin na si Sir Archy, nagpakilala siya sa amin na siya ang magiging guro namin para sa Advance Algebra at siya ding magiging adviser namin, noong una medyo tahimik pa kami, para bang pinipintahan ng buong klase kung terror type ba siya ng guro o 'yung tipo na pwede namin maging kabiruan. At hindi din nagtagal nalaman namin na hindi siya terror type kaya naman bahagya nang naging masaya ang lahat.
Tulad ng mga unang araw ng klase sa kahit na anong antas ay nagkaroon kami ng pagpapakilala sa buong klase. Doon ko nalaman na ang pangalan ng lalaking nakasabay ko sa jeep ay Nick Patrick at ang lalaki naman na katabi ko ay Inno, at nang ako na ang susunod na magpapakilala ay agad akong tumayo. Tahimik lang ang lahat habang ako ay naglalakad, pero dahil sa nerbyos ko na din siguro na humarap sa klase ay hindi ko napansin ang strap ng isang bag na nakalagay lang sa sahig ng classroom, paplakda na ako noon sa malamig na sahig ng classroom namin, hanggang sa namalayan ko na lang na may umalalay sa akin. Nang tignan ko kung sino ang tumulong sa akin ay halos matulala ako dahil apat silang tumulong sa akin, si Marty, Jupiter, Inno at Nick Patrick.
"Ayos ka lang ba?" Ang sabay-sabay nilang pagtatanong nila, at halos nadinig ko na lang ay ang ingay ng klase. Nagawa ko na lang noon ay tumango para makatugon sa tanong nila.
Agad din akong tumayo at nagpasalamat sa apat na tumulong sa akin. "Pasensiya na po sir." ang dagdag kong paghingi ng pasensiya sa nangyari, ayoko din kasi na isipin nilang ginawa ko 'yon para kunin ang atensiyon nilang lahat o para gumawa ng eksena.
"That's okay, do not worry about what happened, but are you sure na okay ka lang ijo?" ang tanong sa akin ni Sir Archy at tumango ako bilang tugon. "Okay, go ahead and introduce yourself to us." ang sabi ni sir.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...