Fog & Dew 29

79 14 1
                                    

Claude's Point of View:

"Ano, mas maayos na ba ang pakiramdam mo?" ang tanong sa akin ni En.Pi nang tumahan na ako sa aking pag-iyak, malakas pa din noon ang ulan at nanatili kaming nakasilong sa lumang peryaan na iyon. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tumango ako sa kanya bilang tugon.

"Maraming salamat, medyo gumaan na ang pakiramdam ko, pero paanong..."

"Ang totoo ay si Tadeo ang nagsabi sa amin, nasa bahay siya ngayon kasama sila Dada, bukod sa akin ay sobrang nag-aalala din siya sa'yo." ang sabi ni En.PI. "Inaalala din niya na baka hindi mo siya mapatawad dahil sa nagawa niyang kasalanan na hindi pagsasabi agad sa'yo tungkol sa mga liham sa'yo ng mom mo." ang dagdag nito.

"Hindi naman ako nagagalit sa kanya, siguro nainis ako sa kanya pero napag-isip-isip ko na wala din siguro siyang choice noon na sabihin sa akin, kasi noon halos sunudsunuran lang din naman siya sa gusto ng mga magulang niya, nitong nagdaang mga araw lang din naman siya nagkaroon ng lakas ng loob na sundin kung ano talagang gusto niya para sa sarili niya." ang sabi ko naman bilang tugon. "Tsaka kung hindi naman dahil sa kanya hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na mabasa pa ang mga sulat ni mama para sa akin. May choice siya na sunugin na ang mga sulat sa akin ni mama pero hindi niya ginawa kasi mas pinili niya na mabasa ko ang mga 'yon." ang dagdag kong sabi.

"So it means hindi ka na naiinis sa kanya, and you are willing to forgive him na?" ang tanong niya sa akin.

"Oo naman, pinilit niyang magbago, at naging malapit na din kami simula no'n at nang sabihin mo na siya ang dahilan bakit ka nandito nga 'yon, nangangahulugan lang na talagang sinsero siyang nagsisisi." ang tugon ko.

"Pero paano mo pala ako nahanap dito?" ang tanong ko sa kanya na may pagtataka.

"Hmm, ang totoo hindi ko din alam. Basta pinabayaan ko lang ang puso ko na i-guide niya ang mga paa ko hanggang sa mapadpad ako sa lugar na 'to at nakita kita." ang sabi niya sa akin.

"Pero alam mo, may naisip akong gawin." ang biglang sabi niya at bigla siyang tumayo at iniabot niya sa akin ang kanyang kamay.

"Ano bang naisip mo?" ang usisa ko.

"Basta abutin mo na lang ang kamay ko at tumayo ka na din diyan." ang masaya nitong tugon kaya naman ginawa ko na lang ang sinabi niya. At kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa at nagsimula siyang magpatugtog ng isang kantang hindi ako pamilyar, pero ang kanta na iyon ay tila ba may makalumang datingan kung pakikinggan. Inilakas niya ang volume ng kanyang cellphone at dahil kami lamang ang naroon at tahimik ang lugar maliban sa ulan ay nakadagdag ang kantang iyon sa mas nakakakalmang pakiramdam. Inilagay niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng kahon ng mga sulat at walang sabi-sabi ay hinala niya ako sa ulanan.

"Fog? Ano ba 'tong ginagawa mo, ang lakas ng ulan oh? Kagagaling mo lang 'din sa ospital baka mabinat ka." ang sabi ko pero ngumiti lang siya sa akin.

"Ikaw ang nagsabi sa akin na dapat i-enjoy ko lang ang ulan, at dahil din sa'yo naalis ko ang takot ko sa ulan, at isa pang dahilan hindi ko nagawang maisayaw sa last dance ng ball ang taong pinakagusto kong isayaw." ang sabi niya at kinabig niya ako palapit sa kanya at sa saliw ng kantang kanyang pinatugtog na sinabayan din ng tunog ng ulan, sa mga ilaw na matatanaw mula sa mga di kalayuang bahay, gusali at iba pa na nagsilbing mga bituin sa sandaling iyon, kami ay sumayaw. Unti-unti ay yumakap ako kay En.Pi at ganoon din siya sa akin, magkayakap kaming sumayaw, isang sandali na pumawi sa aking mga kalungkutan. Kapayapaan sa aking puso ang aking nadama.

Ikaw ay isang rosas
Na humahalimuyak
At wala ng katulad
Sa hardin ng mga bulaklak

Ang ngiti sa'yong labi
Ay nakahahalina
Natutukso at tila
Ang oras ay tumitigil pa

Maiinggit ang bukang liwayway
Ang ganda niya'y nawalan ng saysay
Sa kulay mong tinataglay
At sa mundo'y ibinibigay

Maiinggit ang bukang liwayway
Ang ganda niya'y nawalan ng saysay
Sa kulay mong tinataglay
At sa mundo'y ibinibigay

Sa kulay mong tinataglay
At sa mundo'y ibinibigay

Rain.Boys VIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon