EnPi's Point of View:
"Sabi ko sa'yo EnPi magiging maganda ang araw na 'to para sa atin." Ang sabi ni Marty na halatang halatang masaya sa mga sandaling iyon dahil sa hindi na mabura pang mga ngiti nito. Palabas na kami noon sa Senior High building para umuwi at katatapos lang din ng klase naming. Patuloy pa din si Marty sa pagkukwento na halos hindi ko na din halos naintindihan dahil para bang lumulutang ang isip ko nang mga sandaling iyon, hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ang mga huling sinabi ni Claude sa akin bago kami lumabas sa fast food chain na kinainan naming.
"Hindi bumubuhos ang ulan para malungkot tayo, bumubuhos siya para damayan tayo lalo na sa panahong malungkot na malungkot tayo." Ang pag-uulit ng aking utak sa mga sinabi ni Claude sa akin, nang sandaling iniisip ko iyan ay doon lang din rumehistro sa akin ang emosyon sa mga mata ni Claude nang sabihin niya sa akin 'yon. May lungkot sa mga mat ani Claude, kalungkutan na para bang pilit niyang itinatago.
"Uy EnPi? Nakikinig ka ba sa akin?" ang pagtawag ni Marty sa aking atensiyon.
"Ha? Ah oo naman nakikinig ako sa'yo. Sabi mo, sabi mo na sa akin na magiging maganda ang araw na 'to." Ang agad kong tugon sa kanya.
"Sabog ka na naman, kanina ko pa sinabi 'yon, tsaka isang tanong ang huli kong sinabi."
"Ah pasensiya na may bigla lang kasi ako naisip. Ano ba ang tinatanong mo?" ang tugon ko bilang pagpapakita ng interes sa kanyang tanong.
"Tinatanong ko sa'yo kanina kung ano ang masasabi mo kay Claude? Hindi ba ang cute niya?" ang sabi ni Marty na sa ekspresyon pa lang ng kanyang mukha ay alam ko na kung bakit niya naitanong ang mga bagay na 'yon sa akin.
"Huwag mong sabihin na?"
"Yup tama ka EnPi tingin ko ay gusto ko si Claude. Tingin mo magugustuhan niya din ako?"
"Teka lang Marty hindi ba parang ang bilis naman? Kakikilala mo pa lang sa kanya pero gusto mo na siya agad? Hindi kaya nabibigla ka lang?" at nang sabihin ko 'yon ay sandalin kaming huminto sa aming paglalakad.
"Seryoso ako EnPi, sa tingin ko ito na 'yung sinasabi nilang first love at first sight." Ang sabi nito na may kasama pang pagngiti.
"Baliw, love at first sight lang hindi first love at first sight." Ang pagtatama ko sa kanya.
"Tama lang, ano ka ba siya ang first love ko at unang beses ko lang din siya nakita at na-in love na ako agad sa kanya." Ang pagdepensa naman niya sa itinama kong sinabi niya.
"Wow, kanina lang gusto mo lang siya tapos ngayon love na? Ang bilis mag-evolve ng feelings mo." Ang tugon ko.
"Teka nga EnPi..." ang sabi niya at bahagyang nagging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Magtapat ka nga sa akin."
"Ano naman ang pagtatapat ko sa'yo?"
"Napansin ko lang kasi na kanina ka pa kontra ng kontra, at maalala ko din na 'yung pagkain na binili mo ang pinili niya at in the first place bakit mo din siya nilibre ng pagkain. Sabihin mo sa akin may gusto ka din ba kay Claude?" ang diretsahang tanong sa akin ni Marty at sandali ko iyong kinabigla dahil hindi ko inaasahan na ang tanong na iyon ay manggagaling sa kanya.
"Sira! Ang advance mo din talaga minsan mag-isip, wala akong gusto kay Claude, nagkataon lang na lahat kayo ay binili niyo siya ng pagkain kaya napagaya na lang ako. Tsaka hindi kita kinokontra dahil may gusto ako sa kanya, sinasabi ko lang sa'yo na parang ang bilis lang na gusto mo na siya agad without knowing him." Ang tugon ko at tinignan niya pa ako ng mata sa mata para lang siguruhin na hindi ako nagsisinungaling sa kanya, at ilang sandal pa ay gumuhit na ang ngiti sa labi ni Marty sabagy pagtapiktapik niya sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...