To My Dearest Readers,
Una sa lahat nais ko kayong pasalamatan sa wala ninyong sawang pagpapakita, pagpaparamdam ng inyong suporta, sobra kong na-appreciate ang bawat oras o panahon na inying inilalaan para lamang mabasa o basahin ang aking mga likhang kwento. Salamat sa inyong pag-unawa sa tuwing hindi ko man magawang makapagbigay ng update sa inyo dahil sa mga hindi maiwasang dahilan at maging dahil na din sa tawag ng aking trabaho. Salamat for staying on my side and I hope na hindi kayo magsawang sumuporta at basahin pa ang mga kwento na lilikhain ko sa darating pang mga panahon.
Nais ko kayong pasalamatan sa hindi niyo pagbitaw hanggang sa pinakahuling librong ito ng Rain.Boys Series ang ikapitong libro na ito ay sumisimbulo sa ikapitong kulay ng bahaghari na siya ding pinakahuli. Sa pagkakakumpleto ng pitong libro ng seryeng ito sana ay sa bawat libro na nakapaloob dito ay may natutunan kayo. Sa pagkakakumpleto ng series na ito ay makakasiguro kayo na siya namang pagbubukas pa ng ibang libro na matagal nang nakapila sa akin at naghihintay na lamang na aking ilahad at ibahagi sa inyo.
Muli ay maraming salamat sa inyong lahat, manatili kayong ligtas sa lahat ng oras. Magmahal ng buong tapat. Huwag kayong mapagod na magbasa hindi lamang ng aking mga kwento kundi maging ng iba pang kwento ng iba ko pang kapwa manunulat lalo na 'yung mga kwento na naghihintay lamang din na madiskubre ninyo.
HAPPY READING AND ALWAYS KEEP SAFE!
Sincerely yours,
Adamant
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...