EnPi's Point of View:
"Claude! Claude! Gumising ka Claude!" ang taranta kong sigaw habang pilit kong pinagigising si Claude na nawalan na ng malay noon.
"Tama na pakiusap... hindi ako katulad ng iniisip mo... pakiusap tama na..." ang mahihinang sabi ni Claude na tila ba siya ay nagdedelihiryo. Agad kong sinalat ang kanyang leeg at noo at halos mapaso ako sa sobrang init niya. "Ang taas ng lagnat mo." ang sabi ko at halos taranta na din.
"Marty tawagan mo sila Dada, pasundo na tayo dito." ang agad kong sabi sa noon ay tila nakatulala lang na si Marty.
"Ah oo sige, tatawagan ko na sila Tito Luke." ang tugon niya sa akin na para ba wala siya sa kanyang sarili. Agad naman niyang tinawagan sila Dada at ipinaliwanag niya ang nangyari, habang ako naman ay maingat kong isinandal sa akin si Claude.
"Tama na pakiusap... tama na..." ang nadinig kong muling sabi niya at nang mga sandaling iyon ay alam kong may hindi magandang nangyari sa kanya.
"Papunta na daw sila Tito, malapit lang naman 'to kaya mayamaya lang ay tiyak na nandito na sila." ang seryosong sabi ni Marty matapos niyang makausap sila Dada, nanatili lang siyang nakatayo noon at nang mga sandaling iyon ay hindi ko na inalintana muna ang tumatakbo sa isipan ni Marty, kung nagseselos man siya ay para bang sinasabi ng utak ko na pabayaan na lamang siya na magselos at kailangan kong unahin ang kapakanan ni Claude.
Ilang sandali pa ay dumating na sila Dada, agad silang bumaba mula sa sasakyan at agad kaming nilapitan. "Dyusko ano ba ang nangyari sa kanya? Teka tama ba ang sabi mo sa akin kanina Marty na kaklase niyo siya?" ang tanong ni Dada L.
"Opo kaklase po namin siya, at hindi po namin alam kung ano po talaga ang nangyari nang dumaan po kasi kami dito papunta ng 7eleven ay wala naman po siya dito." ang tugon ni Marty, at sinalat ni Dada L ang noo ni Claude.
"Inaapoy siya ng lagnat marahil matagal din siyang nababad sa ulan. Drop, patulong naman na maisakay siya sa sasakyan." ang pakikisuyo ni Dada L kay Dada A. Agad ngunit maingat na binuhat ni Dada A si Claude habang ako naman ay nagmamadali na binuksan ang pinto ng sasakyan, at nang sandaling iyon ay napansin ko ang pagkatulala nilang tatlo sa akin.
"Dada? Marty? Bakit mga nakatulala kayo diyan? Isakay na natin si Claude." ang sabi ko na hindi pa din nawawala ang pag-aalala kay Claude.
"Ah oo." ang sabi ni Dada A at maingat niyang isinakay si Claude sa likurang upuan ng sasakyan. Agad akong pumasok ng sasakyan upang may masandalan si Claude kung sakali, at ilang sandali lang ay naupo naman sa kaliwa ni Claude si Marty. Nang makasakay na ang lahat ay nagsimula nang magmaneho si Dada A pabalik ng bahay nila lola ma at lolo pa.
"EnPi..." ang tawag ni Dada L sa akin.
"Yes Dada?" ang patanong kong tugon.
"Ayos ka lang ba?"
"Opo Dada, okay lang po ako, inaalala ko lang po itong si Claude." ang aking tugon.
"Okay mabuti naman kung gano'n." ang tugon ni Dada L.
Nang makarating kami sa bahay ay agad na tumulong ang iba naming mga tito at tita ni Marty sa pag-asikaso kay Claude, pero ang pinaka talagang umasikaso sa kanya ay si Dada L, sa halip na sa guest room ay sa dati niyang kwarto ipinapasok si Claude, hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginawa dahil ang alam ko ay ayaw na ayaw ni Dada L na may ibang gagamit ng kwarto niyang iyon maliban sa kanila ni Dada at sa akin.
Nang maiayos na ang lahat ng kakailanganin ni Claude ay nagpaalam na ang lahat ng mga bisita nila Dada dahil tumila na din ang ulan. Dahil si Dada L ang siyang umaasikaso katulong sila lola ma at lola Lucy ay kami na ni Dada A ang naghatid sa mga bisita palabas hanggang sa makaalis ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...