En.Pi.'s Point of View:
Matapos ang gulatan dahil sa pagsulpot nila Ramses at Bryan na mga kapatid pala ni kuya Anthony ay kumalma din naman ang lahat. Bagama't gulat pa din ang lahat sa naging anunsiyo namin ni Claude na kami na as partners, na kung tutuusin ay kinagulat ko din na magagawa ni Claude na magpanggap na partner ko, sa kaloob looban ko hinihiling ko na sana totoo na lang ang lahat.
"So kung hindi pa pala sumulpot si Ramses at Bryan dito walang pag-amin na magaganap?" ang sabi ni Mars habang kaming lahat ay kumakain.
"True! Kailangan pa may sumulpot na actually questionable pa din ang relation sa inyo para lang ipagsigawan niyo sa mundo na kayo na." ang pagsang-ayon naman ni Mercury.
"Until now, hindi ako makapaniwala pero I respect naman ang desisyon ni Claude kung itong si Nick Patrick ang napili niya. I mean, you have my support guys." ang sabi ni Inno at uminom siya ng kape.
"I agree with Inno, nabigla din ako sa turn around ng events, akala ko may chance pa para magpakitang gilas dito kay Claude but it seems nakapili na pala siya. At wala din naman akong nakikitang mali kung bakit si Nick Patrick ang napili niya, so you have my support as well guys." ang pagsang-ayon naman ni Jupiter.
"Mabuti 'yan guys, maging masaya tayo para sa kanilang dalawa, and let us all be good friends." ang sabi ni Marty na magpahanggang sa sandaling iyon ay hindi ko alam kung bakit niya ipinilit ang biglaang set up namin ni Claude.
"Tama, let's just be all happy for them, kaya Marty ikaw 'wag ka nang umulit na maging black sheep ha? Sayang ang cuteness mo if ever kung hindi lang kami malihim kanina pa namin sinabi sa'yo na kanina pa may nakatingin sa'yo." ang sabi ni Venus na tila masaya dahil maayos pa din ang lahat sa kabila ng pagkakaalam nila na kami na ni Claude.
"Ha? Ano bang sinasabi mo diyan sino naman 'yang sinasabi mo?" ang tila bigla na sabi ni Marty at halatang bahagya itong nahiya.
"Paano mahiya Marty? Ha-ha-ha!" ang biro ni Mercury.
"Matutong makiramdam, malay mo ang love life mo hindi pala si Claude, pero malapit lang pala kay Claude." ang sabi ni Venus, at nang sandaling iyon ay may ideya na ako bigla kung sino. Mahina si Marty pagdating sa pagkuha sa mga hint kaya nanatili akong tikom ang bibig at hahayaan ko siyang malaman ang bagay na iyon sa sarili niya.
Ilang sandali pa ay muling bumalik si kuya Anthony at agad na lumapit sa amin. "Guys once na matapos na kayo, pwede na kayo pumunta sa second floor, naroon kasi lahat ng stuffed toys na tinitinda ng shop, hopefully may magustuhan kayo sa current items na meron kami, hihintayin na lang namin kayo don, and by the way Claude at Nick Patrick kapag tapos na kayong kumain, meet me sa second floor, I have something special para sa inyo." ang sabi ni kuya Anthony at pagkatapos noon ay nagpaalam na din siya para umalis.
Matapos naming kumain ay nagpasya na kami na magpunta sa second floor, pero bago 'yon ay nagpaalam muna ako sa kanila na kailangan ko lang makausap si Marty at susunod na lamang kami. Agad naman silang pumayag at kami ni Marty ay nagpasyang sa labas ng shop mag-usap.
"Oh ano ba ang pag-uusapan natin? Akala ko ba 'yung plano para kay Claude ay kailangan din malaman ng iba nating mga kasama?" ang tanong ni Marty habang nakalagay sa likod ng kanyang ulo ang kanyang mga kamay.
"Sabihin mo Marty bakit mo naisipan na pagpanggapin kami ni Claude na kami na? I mean alam ko na may gusto ka din sa kanya, at hindi lang ikaw sila Jupiter at Inno, paano na lang pag nalaman nila na nagpapanggap lang kami ni Claude, ayoko na isipin nilang manloloko o sinungaling si Claude ng dahil lang sa akin." ang sabi ko habang nakatalikod kay Marty at pinagmamasdan ko ang fountain sa labas ng shop.
BINABASA MO ANG
Rain.Boys VII
Teen FictionRAIN.BOYS VII [Teen Fiction|Yaoi|BXB] "Sa tuwing umuulan nakakaramdam ako ng matinding takot at lungkot. Para sa akin tanging masasamang alaala lang ang dala ng ulan. Kung pwede lang, kung may kapangyarihan lang akong patigilin ang ulan ginawa ko na...