Fog & Dew 15

113 13 4
                                    

En.Pi's Point of View:

"Welcome to the family!" 'yan ang pabulong kong sabi kay Claude at halatang naguluhan siya nang sabihin ko iyon sa kanya. Kaya naman bumilang ako hanggang tatlo sa utak ko habang nakatingin kay Claude nang nakangiti.

"Claude? Nandito ka pala!" ang masayang pagbati ni Dada L kay Claude nang mapansin niya ito kasabay ng bilang na tatlo.

"Ah magandang gabi po, Sir Luke." ang nahihiyang tugon ni Claude.

"Ang pormal mo naman? Dada Luke na lang itawag mo sa akin at Dada Arwin na lang din itawag mo dito kay Drop." ang sabi ni Dada L na nangangahulugang tinuturing na nilang kapamilya si Claude. Simula kasi nang makilala nila si Claude ay lagi kong napapansin na nangingiti ng makahulugan sila Dada kapag siya ang napag-uusapan namin, isang bagay na alam kong alam na nila kahit di ko pa sabihin sa kanila, they once been in my situation and matuturing na silang experts kumbaga.

"Tama 'yon, treat us as your daddies na din." ang sabi ni Dada A.

"Hmm, wow hindi ko akalain magiging saksi ang coffee shop ko sa bagong henerasyon niyo Luke at Arwin." ang pabirong sabi ni Tito Sunnny. At agad din silang nagtawanan nang mapansin nila ang pamumula ni Claude.

"Masanay ka na sa amin Claude, pero alam namin hindi lingid sa'yo na gusto ka nitong anak namin." ang sabi ni Dada L.

"Dada! Kailangan ba talagang sabihin 'yan?" ang bigla kong sabi dahil ayoko na isipin ni Claude na pini-pressure ko siya gamit sila Dada.

"Natatakot ka na isipin ni Claude na pini-pressure namin siya? Ha-ha-ha. Binata na nga ang baby En.Pi namin." ang pabirong sabi ni Dada A at hindi ko naiwasang mahiya nang tawagin nila akong baby En.Pi sa harap ni Claude, pero nang makita ko siyang nagpipigil ng tawa niya ay hindi ko naiwasan na mangiti sa kanya.

"Oh siya much better kung lumipat tayo sa mas malaking table para mas makapag-usap-usap tayong lahat ng mas maayos." ang sabi ni Tito Sunny, at agad namin siyang sinundan.

"Pasensiya ka na kila Dada ha? Baka isipin mo pini-pressure kita." ang agad kong paghingi ng paumanhin habang nakasunod kami kila Dada.

"Wala 'yon, ang totoo nga ay natutuwa ako sa daddies mo, ang bait nila para ituring na din nila akong kapamilya kahit kakakilala pa lang nila sa akin. Ang suwerte mo talaga sa kanila." ang sabi niya bilang tugon at napatingin ako kila Dada noon na masayang nag-uusap habang paupo na at agad na sumenyas sa amin na bilisan namin ang paglalakad. Tama si Claude, masuwerte talaga ako kila Dada, without them on my side baka hindi ako nabubuhay ng maayos at malayo sa takot.

Naging masaya ang mga sandaling iyon, napuno ng kwentuhan ang lahat, mas nakilala nila si Claude na mas nagiging komportable na din sa lahat ng kasama niya. Nang mga sandaling 'yon nakita ko sa mga mata niya ang labis na saya, saya na para bang nagsasabi na sana huwag na matapos ang sandaling iyon. At doon ko naalala na mag-isa lang siya halos sa buhay dahil sa wala sa tabi niya ang ni isa sa mga magulang niya, marahil ay ang maranasan niya ang sandaling maging parte ng isang pamilya ay labis labis niyang hinihiling.

"Oh En.Pi bakit ka naluluha diyan?" ang biglang sabi ni Dada A nang mapansin niya ang luhang kumawala sa mga mata ko na hindi ko namalayan. Agad ko namang pinunasan ang luha ko dahil sa bigla.

"Ah wala po 'to, masiyado lang ako na-overwhelm sa saya ngayon." ang sabi ko.

"Sigurado ka En.Pi ha?" ang paninigurado ni Dada L na halatang nag-aalala.

"Opo, promise po ayos lang ako, tears of joy lang po 'yun." ang paninigurado ko at naniwala naman sila akin.

Madilim na nang humupa ang malakas na ulan, at nang matapos ang salu-salo at kwentuhan ay nagpaalam na kami kay Tito Sunny na noon ay handa na ding asikasuhin ang pagsasara ng coffee shop para sa araw na iyon.

Tulad nang napagkasunduan ay hinatid na namin si Claude hanggang sa bahay nito. Nang makarating kami doon ay nagpasalamat ng ilang beses si Claude sa amin bago ito bumaba. At nang makapasok na ito ng bahay ay doon lang din kami umalis.

"Mabait na tao 'yang si Claude." ang sabi ni Dada L.

"Opo Dada, sobrang bait at ganda ng personality niya, tsaka ang gaan niya kasama." ang masaya kong tugon.

"Kaya nagustuhan mo siya?" ang sabi naman ni Dada A habang nakatuon ang atensiyon sa pagmamaneho.

"Dada ano ba 'yang sinasabi mo..."

"Asus, magde-deny ka pa, artista ka 'nak?" ang sabi ni Dada L at nangiti na lang ako. "Sabi nga ng mga matatanda, papunta ka pa lang pabalik na kami. Alam namin ni Dada mo na may gusto ka sa kanya since nang tulungan natin siya. Ganoong ganoon kasi si Drop sa akin, he is a knight in shining armor." ang sabi ni Dada L na tila nagbabalik tanaw pa sa love story nila ni Dada A.

"Opo aamin na po. Tama po kayo may gusto po ako sa kanya." ang sabi ko.

"At hulaan namin hindi lang ikaw ang may gusto sa kanya, tama? Hindi namin kilala 'yung iba pero sigurado kami na may gusto din sa kanya si Marty." ang sabi ni Dada L na kinabigla ko.

"Paano niyo po nalaman?"

"Halata din naman kay Marty, halatang nagselos siya noong gabi na tinulungan natin siya. At sabi nga ni Drip, napagdaanan na namin 'yan." ang sabi ni Dada A. "Si Claude 'yung tipo ng tao na tulad ni Drip na magugustuhan ng kahit na sino pero sigurado ako na magkaiba sila ng personality, sa height lang nagkamukha." ang dagdag ni Dada A na may pagbibiro na tinawanan ko naman at hindi ko man nakikita ang reaksiyon ni Dada L dahil sa front seat siya nakaupo habang ako ang nasa likod ay alam kong nakanguso na ito.

"Tuwang tuwa na kayo niyan?" ang sabi ni Dada L at natahimik kami bigla ni Dada A.

"Mabalik tayo sa topic. So kamusta naman kayo ni Claude ngayon?" ang tanong ni Dada L.

"Uhm ayos naman po kami, sa ngayon po ay masaya din ako sa kung nasaan kami ngayon, I mean ayoko din po siya madaliin, tulad nga po ng alam niyo hindi lang naman ako ang may gusto kay Claude, kung ipi-pressure ko siya na sagutin ako ay alam kong hindi kami magtatagal, alam ko po na hindi siya sasaya, gusto ko po piliin niya ako dahil iyon ang gusto niya.

"Tama naman, never pressure someone's heart to say yes, kasi that yes can become "I am tired" kapag tagal." ang sabi ni Dada L.

"Eh kayo ni Marty kamusta naman kayo as best friends?" at sandali ako natahimik nang madinig ko ang tanong na iyon ni Dada A.

"Tulad ng inaasahan hindi kayo okay." ang sabi ni Dada A.

"Opo, ang totoo po ay pinutol na nga po niya ang pagiging magbest friend namin. Hindi ko naman po ginusto na magkagusto din kay Claude, ang totoo noong una gusto ko pigilan Dada 'yung feeling na 'to pero the more kasi na pinipigilan ko..."

"The more na mas lumalala, mas naggo-grow." ang pagdugtong ni Dada L.

"Opo, tama po. Pero mahalaga po sa akin din ang pinagsamahan namin ni Marty kaya hindi ko din maiwasan na malungkot kapag iniisip ko na love can destroy such friendship."

"Kapag nagmahal may kailangan talaga tayong i-risk pero it doesn't mean na kailangan nating mamili palagi ng isa kung kaya naman isalba pareho. Tulad niyan, oo sa ngayon siguro mahirap pa ang situation between you and Marty, pero sigurado ako na once na may mapili na si Claude magagawa niyo din magsimula ulit ni Marty." ang sabi ni Dada L.

"Paano po kung hindi na po kami maging okay ni Marty?"

"En.Pi, sa ating tatlo ikaw ang best firend ni Marty, alam mo ang ugali niya, kung hindi nga lang siguro magkapatid ang turingan niyo baka inisip na namin na kayong dalawa ang magkatuluyan. Alam mo na ang ugali niya kaya naniniwala kami na you can come up with a solution para maayos ang friendship niyo." ang sabi ni Dada A, at nang sandaling iyon ay isang ideya ang pumasok sa isip ko.

"At kung sakali man na dumating ang worse scenario, nasabihan na namin sila Tito Von at Tita Chini mo, pero tulad din ng napag-usapan namin ay hindi kami makikialam sa problema niyo, dahil ayaw namin na maging dahilan ng paglala ng ano mang problema na alam din naming kaya niyo ma-resolve. Pero kung kailangan niyo ng tulong you can always seek our help." ang sabi ni Dada A.

"Thank you po sa inyo Dada, kung wala kayo baka until now hindi ko magagawang makaisip ng solusyon. I will always keep in mind yung mga payo niyo po." ang sabi ko bilang pasasalamat.

"Kami pa ba? Anak ka namin and we always want the best for you." ang sabi ni Dada L, at sa isip ko ay nasabi kong tama talaga si Claude sa sinabi niyang sobrang suwerte ko kila Dada.

Rain.Boys VIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon